Chapter 8: Thank You

65 4 0
                                    

Chapter 8: Thank you

" We all wanted to help someone, pero minsan may mga tulong na hindi sapat. "

Aldrin's Point of View

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ko si Cherry na naglalakad papunta sa sasakyan. Tinanaw ko ang sasakyan niya hanggang sa maglaho ito sa paningin ko.

Mahal na mahal ko siya, isa malaking pagkakamali ang nagawa ko siyang saktan at lokohin. Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya, hinayaan ko na maging masaya siya kay Raven. Hinayaan ko ang relasyon nila, bilang kabayaran na rin sa mga pagkakasala ko sa kaniya.

Ganon pa man, masakit pa rin ang lahat. Nasasaktan ako sa katotohanang alam ko at ramdam ko na matagal ng hindi ako. Alam ko na mas mahal niya na si Raven bago niya pa man 'yon mapagtanto. Ramdam ko 'yon dahil sa tuwing pinapanood ko sila sa malayo, ang mga ngiti na ibinibigay saakin noon ni Cherry ang palagi niyang bitbit sa tuwing magkikita sila ng palihim ni Raven.

At masakit 'yon, sobrang sakit non para saakin. Para akong pinapatay ng paulit-ulit pero wala akong magawa, ayokong magreklamo at mawala siya saakin. Ayoko siyang papiliin kasi natatakot akong marinig sa kaniya mismo na si Raven ang pinipili niya kaysa saakin.

Masakit para saakin ang pagkawala ni Raven pero sa hindi malamang dahilan ay mas naging magaan ang loob, hindi ko alam kung bakit may sayang namumuo sa puso ko. Siguro dahil wala na yung taong karibal ko? Kaya saakin pa rin sa Cherry, sa dulo ako pa rin ang nanalo.

Mabilis akong nakauwi saamin, pagkarating ko sa bahay ay nagtungo agad ako sa kwarto ko, humiga ako sa kama ko at pumikit. Gusto kong ipahinga muna ang sistema ko. Hindi ko alam bakit nangyayari saamin 'to pero hindi ko sinisi si Cherry sa lahat ng nangyari. Naniniwala akong baliw lang ang may gawa nito, walang magawa sa buhay.

Naka-receive ako ng text mula kay Cherry, hindi ko naman maiwasang mapangiti. Pinapupunta niya ako sa isang lugar, napatingin naman ako sa relo ko, hindi ko napansin na mabilis pa lang lumipas ang oras at halos alasais na ng gabi.

Nagtataka man ako kung bakit sa hindi pamilyar na lugar niya ako pinapunta pero hindi ako nagdalawang isip.

Nagtungo ako sa address na ibinigay niya. Madilim ang bahay ng address na ibinigay niya pero nagpatuloy pa rin ako. Inilibot ko ang paningin ko, sa harap ng may kalakihang bahay na ito may mga puno at masasabi kong sa lugar na ito ay magkakalayo ang agwat ng mga bahay. Hindi ko maiintindihan bakit dito niya ako pinapunta pero hindi na ako nagdalawang isip.

Tinext ko siya na nandito na ako pero hindi naman ito nagrereply. Kaya nagdoorbell ako ng ilang beses, bago pa man ako makapagdoorbell ay nakatanggap ako ng isang malakas na hampas sa ulo ko dahilan para mawalan ako ng malay.

Nagising ako sa isang kwarto na may dim light. Maliit lamang ang kwarto sapat na sa isang tao. Nakatali ang kamay ko at paa ko habang nakahiga ako sa kama. Pinilit kong gumalaw pero bumagsak lang ako sa kama dahilan para mapadaing ako sa sakit. Nilibot ko ang paningin sa paligid ko, pinakatitigan ko ang mga litratong nakasabit sa dingding pero dahil mahina lamang ang liwanag ng ilaw ay hindi ko ito gaanong maaninag. Ganon pa man ay may nakita akong litrato ng pamilyar na bata saakin, para nakita ko na ito kung saan pero hindi ko maalala.

Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito ng dahan-dahan, gumawa ito ng kakaibang ingay.

Pumasok ang isang taong nakahood na itim at may cap sa ulo at may suot din itong mask.

Hirap na hirap niya akong binuhat at nagpumiglas ako. Hinampas niya saakin ang isang bagay dahilan para mapapikit
ako sa hilo at dahil na rin sa dugong dumadaloy mula sa ulo ko.

Tinanggal niya ang pagkakatali ng kamay ko, ginawa ko 'yong tyempo para itulak ito. Pagkatulak ko sa kaniya ay tatakbo na sana ako kaya lang nakalimutan kong nakatali ang mga paa ko. Gumapang ako papunta pinto pero pa man ako makalabas ay nakatanggap ulit ako ng hampas.

" Alam mo ang pinaka ayaw ko sa lahat yung matigas yung ulo. " sambit nito at hinampas ulit ako, kaya napadaing ako sa sakit na dumadaloy sa katawan. Tinali niya ulit ang kamay ko at galit ako nitong hinila palabas ng kwarto. " Nawalan na ako ng ganang maglaro ng baseball. " sambit nito at hinila ako

" Magluto na lang tayo." sambit nito at hinila ako, binuksan niya ang kalan at naglagay ng tubig sa takore bago niya ito sinalang.

Kunot noo ko lang pinanood ang ginagawa niya. Humarap siya saakin at kahit may nakaharang na mask sa bibig niya, ramdam ko ang pagngisi niya.

" May ibibigay pala ako sayo. " sambit nito, pinagmasdan ko lang naman siyang ilabas ang isang pamilyar na kulay ng rosas. Hinahabol ko yung hininga ko habang nakikinig sa kaniya, unti-unti ng nawawala yung sakit sa katawan ko pero nahihilo pa rin ako.

" Peach rose for you. " nakangiting sambit nito at hinawakan ang pisngi ko. Masamang tingin naman ang iginawad ko sa kaniya.

" I'm giving you this rose because I want to thank you for everything you've done to me. " sambit nito at muling tumalikod sakin.

Kinuha niya ang kumukulong tubig at lumapit saakin. Nagugulat ko naman siyang tiningnan.

" You know what? Palagi mo kong tinutulungan but your help wasn't good enough. Sa dulo sumusuko ka rin at hinahayaan mong ipagpatuloy niya ang ginagawa niya saakin. You should have tried harder, dapat mas ginalingan niyo pa ni Nicole, edi sana wala kayong lahat sa sitwasyon 'to. " mariing sambit nito

" Hindi ko naiintindihan kung anong dahilan mo, kung anong ipinaglalaban mo, kung anong kasalanan ang nagawa namin sayo pero talaga bang pagpatay ang solusyon sa lahat ng 'to? " tanong ko dito

" Buhay ang kinuha niyo saakin, at kulang na kulang pa ang lahat ng 'to sa sakit na idinulot niyo. " mariing sambit nito

" Demonyo kayo Aldrin, kahit ang impyerno ay isusuka kayo dahil kahit si si Satanas ay matatakot sa inyo dahil baka maagaw niyo ang trono niya. " dagdag pa nito

" Kung demonyo kami, sa tingin mo ano ka? Sa ginagawa mong 'yan katulad mo lang kami, wala kang ipinagkaiba saamin. " sagot ko dito

Napasigaw ako sa sakit ng ibuhos niya sa ulo ko ang kakukulo lang na tubig. Halos hindi ko maimulat ang mata ko at wala akong magawa kundi umiyak.

" Ginagawa ko ang lahat ng 'to para hustisya Aldrin! Kaya hindi ako katulad niyo! " galit na sigaw nito

Pinilit ko ibukas ang mata ko kahit malabo na talaga ang nakikita ko. Galit niya tinanggal ang mask niya, ang cap at hood ng jacket niya. Mariin niyang hinawakan ang baba ko at inangat niya iyon papalapit sa mukha ko.

" Tandaan mo ang mukhang 'to, dahil ito na yung huling mukhang makikita mo bago ka mapunta sa impyerno. " mariing sambit

Tinitigan ko ang mukha niya at puno ng sakit at galit ngunit nangingibaw ang lungkot sa mga mata niya.

" Maniwala ka Aldrin, hindi ko ginustong gawin 'to pero sinagad niyo ko. " sambit nito kinuha ang kutsilyo na nakalapag sa lamesa niya.

Ilang ulit niya akong pinagsasaksak pero sa kabila ng lahat ng 'yon, nginitian ko lang siya.
Nakita ko ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa mga mata niya.

Patawad, patawad sa lahat.

Sambit ko sa isip ko, alam kong hindi niya maririnig ang sinasabi ng isip ko pero sana mapagtanto niyang hindi ako galit sa ginawa niya saakin.

Bago tuluyang mawalan ng hininga. Narinig ko pa ang malakas nitong paghagulhol. " Thank you Aldrin, thank you. " umiiyak na sambit, ngumiti lang ako bago tuluyang maging blangko ang lahat sa paligid ko

Bloody Roses | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon