Chapter 5: Love

61 3 0
                                    

WARNING SCENE

Chapter 5: Love

" Ang hindi maganda sa pag-ibig, dinadala ka nito sa kapahamakan. "

Raven's Point of View

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Cherry para sabihin sa kaniya ang nakita kong roses. Ilang ring lang, ay sumagot na ito.

" Bakit? " tanong nito sasagot pa lang sana ako ng makarinig ako ng pamilyar na boses sa kabilang linya. " Ah wait lang Aldrin, nakikiliti ako. Sandali lang kakausapin ko lang 'to. " sambit nito sa kabilang linya

" Sino ba yan luv? Diba bebe time ngayon? " tanong nito at narinig ko ang tunog ng mga halik nila, mabilis kong pinatay ang tawag bago pa maging sobrang sakit saakin ng lahat.

Ito ang masakit sa maling pag-ibig, wala kang karapatang magreklamo kasi hiram na oras lang naman ang kayang ibigay sayo ng tao.

Kinuha ko ang motor kong nakaparada at mabilis 'yon pinaharurot, may mga kasabay pa naman akong ibang estudyante kaya pinalabas agad kami ng gate.

Pinaandar ko na ang motor ko ng maagaw ang atensyon ko ng maliit na eskinita na may  nakaharang na keep out. Bigla kong naalala si Nicole, sa eskinitang 'to natagpuan ang bangkay niya.

Napakunot ang noo ko ng makita ko ang estudyante na naglalakad sa eskinita. Kaya agad kong pinarada sa gilid ang aking motor at mabilis pa sa alaskwatro ko itong sinundan.

" Wait! Delikado dito! Hintayin mo ko! " sigaw ko kaso lang mabilis itong naglaho sa paningin ko. Doon lang ako nakaramdam ng kaba, hindi maganda ang kutob ko dito.

Mabilis akong tumakbo palabas, kaya lang bago pa man ako makalabas ng eskinita ay isang panyo ang itinakip sa ilong ko na dahilan para mahilo ako at mawalan ng malay. Huli na para pagsisihan ko ang ginawa ko.

Nagising ako sa isang basement. Nakatali ako sa isang upuan. Mahigpit ang pagkakatali ngunit sinubukan ko pa rin tanggalin ito. Napakadilim sa paligid, ni halos wala akong maaninag.

Biglang bumukas ang ilaw ngunit hindi 'yon naging sapat para makita ko ang kabuuan ng lugar. Mahina lang liwanang sa ilaw, nakita kong naglalakad papalapit saakin ang isang tao na hindi ko maaninag ang mukha dahil sa nakasuot ito ng itim na cap, hoodie at itim na mask. Ang tanging nakikita ko lang ay mga mata niyang puno ng galit na nakatingin saakin.

" Sino kang hayop ka? Pakawalan mo ko! " sigaw ko habang pilit na nagpupumiglas.

" Alam mo, kahit anong gawin mo hindi ka na  makakatakas. Kung magiging mabait ka pa konti at magmamakaawa saakin baka padaliin ko lang kung paano ka mamatay. Katulad ng ginawa ko sa kaibigan mo. " seryosong sambit nito, kaya naman natigilan ako.

" Hayop ka! Ikaw ang pumatay kay Nicole!? Tangina, baliw ka! Demonyo ka! " sunod-sunod kong sigaw

" Mas demonyo kayo, Raven. " sambit nito " Mas demonyo ka. " dagdag pa nito

" Sino ka ba? Hayop ka anong kasalanan ko sayo?! Anong sinasabi mo?! " sigaw ko ulot

Iniharap niya saakin ang isang pamilyar na rosas. Isang piraso lang ito, ngunit ang pinagkaiba nito sa kaninang hawak ko. Puno ito dugo, nakakatakot tingnan.

Pinilit kong magpumiglas ng pilitin niyang ibuka ko ang bibig ko pero wala akong nagawa. Sinubo niya sa bunganga ko ang rosas at halos masuka ako sa ginawa nito. Ilang beses akong dumura dahil hindi mawala ang lasa sa dila ko.

Nakakadiri.

" Masarap ba? Masarap ba ang dugo ni Nicole? " tanong nito na dahilan para manlaki ang mata ko at mas lalong masuka. Huli na ng mapagtanto kong lumuluha na ang mata ko.

" Umiiyak din pala ang demonyo. " sambit nito habang pinagmamasdan ako.

" Do you know what's the meaning of Lavender Rose? " tanong nito saakin

" Tangina! Wala akong pake dyan! Pakawalan mo na ako dito! " inis kong sambit, hindi ako pinansin nito at nagpatuloy lang sa pagsasalita.

" Lavender rose indicate a person's desire to develop a relationship between them and the person they love.. " sambit nito at pinulot ang rosas na nasa sahig

" You know what, this rose represents you. " dagdag nito

" Makasarili ka Raven, gagawin mo ang lahat kahit manakit ng tao mapansin ka lang ng taong mahal mo. Pero alam mo bang ang pag-ibig mo ang siyang nagdala sayo sa sitwasyong 'to? " sambit nito, kunot noo ko naman siyang pinakinggan magsalita.

" Alam mo wala akong pake sa lahat ng sasabihin mo! Baliw ka! Baliw! " dagdag ko pa

Napatahimik ako ng naglabas siya ng latigo na nagmula sa bulsa niya at galit na binitawan ang rosas na hawak niya.

" Ang mga tulad mo ang dapat mas pinapahirapan bago ihatid sa impyerno. " galit na sambit nito at sunod sunod akong hinampas ng latigo sa likod ko, sa paa, sa kamay, sa tyan, sa dibdib hanggang sa hindi ko na alam kung saan niya ako hinahampas, ang tanging naiisip ko na lang ay ang sakit na dulot ng hampas nito. Nakakatakot siya, parang siya baliw. Tuwang tuwa na naririnig akong sumisigaw sa sakit dahil mas ginaganahan siya don.

Hinihingal itong tumigil at naglabas ng sigarilyo. Huminga ako ng malalim para habulin ang hininga ko, ramdam ko ang mga init na nagmumula sa bawat parte ng katawan  kong hinampas niya. Ramdam ko ang mga dugong dumadaloy mula doon. Nanghihina akong napatingala sa kaniya at masama siyang tiningnan.

" M-masaya ka na ba? M-masaya ka ba sa ginagawa mo? " nanghihina kong tanong

" Sobrang saya. " sagot nito

" A-anong gagawin mo? " tanong ko dito

" Maninigarilyo? " sagot nito na may pagkasarkastikong tono.

Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko ay gagawin niya ang nasa isip ko. Napayuko ako at pumikit, ipinahinga ang sarili ko.

Akala ko ay mas padadaliin niya na ang lahat saakin pero mali ako. Nakaramdam ako ng kakaibang init sa katawan ko na para bang pinaso ako. Napasigaw ako sa sakit at napatingin sa kaniya.

" Maninigarilyo ako sa katawan mo. " sambit nito at idinikit ulit saakin ang sindi ng sigarilyo. Paulit-ulit niya 'yon ginawa hanggang sa makuntento siya.

" Masamang damo ka talaga. Hindi basta-basta namamatay. " sambit nito, panadaliaan siyang umalis at halos mapasigaw ako sa dala niyang chainsaw. Nagdala ito ng kakaibang ingay sa paligid.

" Please! Patayin mo na lang ako! Pakiusap! Huwag mong gawin kung anong iniisip mo. Pakiusap! " paghingi ko ng pakiusap pero parang bingi ito, itinutok niya sa bandang puso ko ang chainsaw. Nanlalaki ang mata ko naman itong tiningnan. " Pakiusap wa—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bumulwak ang dugo sa bunganga ko. Tiningnan ko ito habang masayang pinagpapatuloy ang ginagawa niya, alam kong huli na para magsisi, mali na pag-ibig ang pinili kong pakinggan kaysa sa tamang gawin.

Tiningnan ko ang tanong nakangisi sa harap ko ngunit puno ng sakit at galit ang mga mata nitong diretsong nakatingin saakin.

" Let me have your heart, this is one of the reason why I suffered a lot. " sambit nito at bago ako mawalan ng malay ay naramdaman ko pa ang chainsaw sa ulo ko.

Bloody Roses | COMPLETED Where stories live. Discover now