Chapter 6: Raven's Death

50 3 0
                                    

Chapter 6: Raven's Death

" Ang mga tao natatakot mamatay pero hindi natatakot pumatay. "

Dark's Point of View

Tahimik kaming nakaupo ng pamilya ko sa sofa habang nakikinig ng balita.

" Breaking News, kaninang alas syete ng umaga isang bangkay ng lalaking estudyante ang natagpuan sa parehong eskinita kung saan nakita ang bangkay ng isang babaeng estudyante na si Nicole Buevas. Kinikilang isa rin sa mga estudyante ng sinabing Unibersidad ang lalaking ito dahil sa suot nitong uniporme na may kaparehong logo ng  Unibersidad. Karumaldumal ang pagkamatay  ng biktima. Puno ng galos ang katawan at paso ng sigarilyo ang mas nakakatakot pa ay wala itong puso. Dahil sa nangyari ito nagpasyahan ng Unibersidad na ikansela muna ang klase ngayong araw. Para sa iba pang detalye narito si Rico Hernaez. " 

" Grabe ang nangyayari sa inyo, nakakatakot. Kaya ikaw Dark, huwag ka uuwi ng mag-isa at gabi. " sambit ni mama, tumango naman ako at muling nakinig sa balita.

" Rico, ano daw dahilan ng kamatayan nito? "

" Dennis, sinasabing ang dahilan ng kamatayan nito ay pagkawala ng puso nito sa katawan at pagkawasak ng utak na ito. Hinihinalang ang ginamit na kasangkapan ay isang chainsaw na natagpuan sa lugar na pinangyarihan ng krimen. "

" Ganon ba? May pagkakakilanlan na ba ang biktima? "

" Yon nga Dennis, ang biktima ay isang estudyanteng nagngangalang Raven Zarco, kaparehong taon ni Nicole Buevas ang isang estudyanteng natagpuan rin sa kaparehong eskinita na ito. Ang isa sa pinakamalaking palaisipan ngayon ay ang pagiging konektado ng dalawang biktima. Sila ay matalik na magkaibigan, ayon sa Unibersidad. Gayon pa man ay wala pang sapat na ebidensya ang nagdadala sa pulsiya papalapit sa katotohanan, Dennis. "

" Si Raven? Diba kaibigan mo 'yon? " tanong ni Papa saakin, tulala lang ako.

" Anak ano bang ginawa niyong kalokohan? Bakit isa isang namamatay ang mga kaibigan mo?! " sigaw na tanong saakin ni mama.

" Mama ano bang klaseng tanong 'yan? Hindi ko alam bakit nangyayari 'to ma, hindi ko po talaga alam. " umiiling na sambit ko habang nakatitig sa tv.

" Dark anak, lumipat ka na lang ng eskwelahan, layuan mo na ang mga kaibigan mo anak. Makinig ka saamin, hindi namin kakayanin kapag ikaw maibalita dyan. " natatakot na sambit ni mama. Lumapit naman ako dito at yumakap.

" Mama, wag kang mag-alala, hindi ko hahayaan may mangyari saakin. " sambit ko at hindi maiwasang mapatingin sa tv na hanggang ngayon ay binabalita pa rin ang pagkamatay ni Raven.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko na tahimik na nakaupo sa sala ng bahay namin. Walang gustong umimik saamin. Hindi namin alam kung paano namin sisimulan ang usapan. Napalingon ako kay Cherry na marinig ko ang malakas na hikbi nito. Niyakap naman siya ni Aldrin pero tinulak niya 'to.

" Kasalanan mo 'to! Kung nakausap sana natin si Raven sana nailigtas pa natin siya! Ayoko na, natatakot akong mamatay. " sigaw nito kay Aldrin dahilan para matigilan kami.

" Cherry, ano bang sinasabi mo? Ano bang sinasabi mo? Ginusto mo rin naman 'yon! " sigaw nito pabalik dahilan para mapakunot ang noo namin ni Blood at mapatingin kami sa isa't isa.

" Bro, anong ginawa niyo kay Raven?! " sigaw ko kay Aldrin

" Teka! Mali yung iniisip mo! " sigaw nito

" Anong mali!? Kasasabi mo lang! Wag mo sabihin kayo ang pumatay sa kaniya! " sigaw ko at napatayo, napatayo rin si Aldrin at sinapak ako. Napasalampak naman ako sa sahig, tinulungan naman ako ni Blood.

" Tama na! Ano ba kayo?! " pag-awat saamin ni Cherry.

" Alam niyo hindi ko na alam kung sinong dapat paniwalaan sa inyo. " sambit ni Blood at bumitaw saakin. " Paano kung isa sa inyo ang pumapatay sa mga kaibigan natin? " sambit nito dahilan para makatanggap siya ng malakas na sampal kay Cherry.

" Tanga ka ba? " sambit ni Cherry at sasampalin ulit sana si Blood pero pinigilan na siya ni Blood, sa unang pagkakataon, pinigilan niyang saktan siya ni Cherry.

" Alam mo Cherry, kung may dapat sisihin dito ikaw 'yon. " mariing sambit nito habang mahigpit ang hawak sa braso ni Cherry.

" Aray bitawan mo ako! Nasasaktan ako! " sambit nito habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Blood sa kaniya. Pagbagsak naman binitawan ni Blood ang braso nito. Napansin ko ang pamumula non.

" Natatakot kang mamatay pero hindi ka natatakot pumatay. " mariing sambit nito

" Ano bang sinasabi mo!? Wala akong pinapatay! " sigaw nito

" Marami ka ng napatay Cherry, sobrang dami na. Hindi mo sila pinatay ng pisikal pero ilang beses mong paulit-ulit na pinatay yung mga pagkatao nila. Dahil sa bibig mong 'yan, Kaya tayo napapahamak, dahil lahat sayo! Nakukuha mo ba? Kung sinabi mo na lang sana yung totoo sa mga pulis, buhay pa sana si Raven! Kasalanan mo ang lahat! " galit na sigaw ni Blood dito

Nanghihina naman napaupo si Cherry sa sahig at tinakpan ang mukha niya bago humagulhol. Nanatili ang katahimikan sa pagitan namin at tanging ang pag-iyak at malalim na paghahabol ng hininga ni Cherry at Blood ang naririnig namin.

" Ikaw ang dahilan bakit namatay si Raven, wala ibang dapat sisihin. Kung hindi ka lang makasarili, hindi sana mamatay yung taong ginawa ang lahat para sayo.... " sambit nito at panandalian tumigil pero tinuloy din naman ang sasabihin. ".....Gagawin ang lahat para sayo. " dagdah nito at umalis. Narinig ko ang malakas na pagsarado ng pinto namin, susundan ko sana siya pero pinigilan ako ni Aldrin. Napatitig na lang ako kay Cherry.

Ang hindi maganda sa pagiging makasarili, nawawala mo yung mga taong handang gawin ang lahat sayo masaktan man sila.

Bloody Roses | COMPLETED Where stories live. Discover now