Chapter 10: Trap

52 3 0
                                    

Chapter 10: Trap

" Ang mga tao mas pinipili ang buhay na puno ng kasinungalingan basta masaya sila. Samantalang ang katotohanan ay nasa mismong harapan na nila. "

Blood's Point of View

Lumingon-lingon ako sa paligid, bago maingat na pumasok sa bahay na ito. Walang katao-tao, nakakatakot kung iisipin.

Natigilan ako sa pagpasok ng makarinig ako ng tunog ng kotse na tumigil sa harap ng gate. Nagtago ako sa isang puno at kunot noong tinanaw ang mga taong kararating lang.

Nagugulat kong tiningnan ang mga ito. Anong ginagawa nila dito? Tumakbo ako papalapit sa mga ito.

" Cherry. Dark, bakit kayo nandito? " tanong ko

Magsasalita sana si Cherry pero pinigilan siya ni Dark kaya mas lalong nangunot ang noo ko.

" Ikaw? Bakit ka nandito? " tanong niya saakin

" May nareceive akong text mula sa isang tao, pinapapunta ako sa lugar na 'to at may nareceive din akong bulalak. " sambit ko sa mga ito

Nagtataka silang nagkatinginan ni Cherry.

" Ano bang nangyayari? " tanong ko sa mga ito

" Mag-ingat na lang tayo sa pagpasok. " sambit ni Cherry

Naglakad na kami papasok, tiningnan ko naman ang mga ito.

Pagpasok namin sa bahay, bumungad saamin ang bangkay ni Aldrin, dali-daling tumakbo si Cherry papalapit don at umiyak. Wala akong magawa kundi maawa sa kalagayan nito.

Naalarma kami ng tumunog ang isang speaker na hindi namin mahagilap kung nasaan.

" Alam ko namang pupunta kayo dito. Mas pinapadali niyo talaga ang gawain ko. " sambit nito, napatingin naman si Cherry at Dark saakin. Nagtataka ko naman tiningnan ang mga ito.

" Maglaro tayo, hide and seek. Ang unang mahuli ang unang mamamatay. " sambit nito

" Pagbilang kong tatlo, tago. " dagdag nito

" Isa, " hinawakan ko ang kamay ni Cherry at hinila

" Teka saan mo ako dadalhin? Dark! " sigaw nito kay Dark

" Dalawa " pagbilang nito

" Cherry?! Asan ka!? Blood?! Asan kayo? " sigaw ni Dark pero nagpatuloy lang ako sa paghila kay Cherry.

" May alam akong taguan. " sambit ko

" Tatlo, " sambit nito at doon na nahila ni Cherry ang kamay niya saakin.

Pinagmasdan niya ang lugar kung saan ko siya dinala at nagugulat niya akong tiningnan. Dinala ko siya sa kwarto ko kung saan ko plinano ang lahat.

" Sabi ko na nga ba! Ikaw ang killer! " sigaw nito, ngumisi naman ako.

" Kaya pala, hinila mo ako para mailayo mo ako kay Dark! " dagdag nito

" Kaya pala alam na alam mo ang bawat daan sa bahay na 'to dahil dito ka nakatira! " sigaw nito

" Sinira mo naman yung palabas Cherry, kahit kailan panira ka. " mariing sambit ko dito

" Ano bang problema mong hayop ka!? " galit na sigaw niya

" Sandali lang Cherry, mamamatay ka na lahat lahat ay ganyan pa rin ang tabas ng dila mo. Hindi mo ba alam na ayan ang nagpahamak sa mga kaibigan mo? " sambit ko dito

" Paano mo nagawa saamin 'to Blood!? Tinanggap ka namin bilang kaibigan pagkatapos ito lang isusukli mo saamin? Wala kang utang ng loob! " sigaw na dahilan para matawa ako

" Manahimik ka! Tinanggap? Naririnig mo ba ang sarili mo? Kahit kailan hindi niyo ako tinanggap sa grupo niyo, ginawa niyo lang ako kasangkapan para magawa yung mga bagay na hindi niyo magawa para sa sarili niyo. " mariing sambit ko at galit na tiningnan siya

" Kayo ang walang utang ng loob. " sambit ko, sinugod ako nito pero bago pa man siya makalapit saakin ay binaril ko na siya sa paa.

Masaya ko siyang hinila sa basement at itinali doon. Sunod kong hinanap si Dark, napatago ako ng marinig ko ang pagtawag nito saamin. Nang makalagpas na siya sa  pinagtataguan ko, agad kong sinundan ito at hinampas ng baril dahilan para mawalan ito ng malay. Hinila ko ito pababa ng basement at katulad ng ginawa ko kay Cherry, tinali ko rin ito sa upuan.

Kumuha ako ng upuan at umupo doon, naiinip akong hinintay silang magising. Dahil sa inip ko ay sinabuyan ko na ito ng tubig.

Agad naman silang nagising kaya naman napangisi ako lalo. Umupo ako sa upuan ko na nasa harap nila at sinindihan ang sigarilyo ko.

" Hayop ka Blood! " sigaw ni Cherry

" Ikaw? Paanong? " nasasaktang sambit ni Dark, nag-iwas lang ako ng tingin.

Inilabas ko ang cellphone ko at pinakita ang nagpeplay na voice record. Sa totoo lang, ibang iba ang boses ko sa record kaya hindi agad nila malalamang ako 'yon.

" Bakit mo ba ginagawa 'to?! " galit na tanong ni Cherry.

" Tanungin mo ang sarili mo Cherry, bakit nga ba? " seryoso kong tanong dito

" Sana sinabi mo na lang saamin na hindi na pala okay sayo ang ginagawa ko. Makikinig naman ako Blood, mahalaga ka naman saakin." sambit ni Cherry " Kung dahil 'to sa mga ginawa ko sayo at mga sinasabi ko sayo, patawarin mo ko Blood. Patawad, maniwala ka mahal talaga kita " sambit ni Cherry saakin, nag-iwas ako ng tingin at hinithit ang sigarilyong hawak ko.

" Kung 'yon lang sana ang problema Cherry, hindi sana tayo aabot sa ganito, kasi okay lang naman saakin lahat ng 'yon pero mas malala pa don, mas malalim pa don ang dahilan ko at 'yon ang bagay na nag-uudyok saakin gawin ang lahat ng 'to. Huli na ang lahat para sa pagsisisi. Huli na ang lahat Cherry sa sinasabi mong pagmamahal. " sambit ko

" Sabihin mo saakin bakit mo 'to ginagawa!? " galit na sigaw ni Dark, kaya naman nilingon ko siya

" Nababaliw ka na Blood! Hindi mo alam ang ginagawa mo! " sigaw nito

" Wala kang alam! Hindi mo alam ang dahilan ko! " sigaw ko pabalik at galit na napatayo.

Nilapitan ko ang ito at diretso siyang tiningnan sa mata. Para makita niya kung gaano ako nasasaktan, kung ilang beses kong gustong pigilan ang sarili kong gawin 'to sa kanila. Kung gaano ko pa rin sila kamahal sa kabila ng lahat ng galit na 'to.

Hindi naman kami dapat aabot sa ganito, kung hinayaan lang sana nila ako nung araw na 'yon.

" Edi sabihin mo saakin para maintindihan ko kung saan nagmumula ang galit mong 'yan! Blood mali 'to, alam kong alam mo 'yon. " humihinahong sambit nito

" Pinatay niyo ang mama ko, pinatay niyo siya. " sambit ko sa mga ito at nanghihinang napaupo sa sahig. Napahagulhol ng pumasok ulit saakin lahat ng alaala ng nakaraan.

" Ano bang sinasabi mo, Blood? " tanong ni Cherry

Minsan sobrang sakit ang mabuhay sa katotohanan,  kaya mas masarap na lang manatili sa kasinungalingan.

Bloody Roses | COMPLETED Where stories live. Discover now