Athena's POV
"Athena wala tayong preno" natatarantang sabi ni Ate Alex sakin
Napabalik ako sa ulirat nawala ang aking kalasingan kakagaling lang namin sa bar dapat ako lang ang pupunta pero nag insist siyang sumama kasi raw baka maglasing ako at may mangyari pang masama sakin
"Athena kumapit ka!" yan ang narinig kong sigaw ni Alex bago bumangga ang sasakyan namin sa isang poste
"Aaaahhhh!!!!!" sabay kaming napasigaw ni Ate sakto sa aming pagbangga
Nagising ako na ramdam ko ang mainit na likido na umaagos mula sa aking ulo, ng kinapa ko ito at tinignan dugo pala, nakita ko si Ate Alex na nakasubsob sa manibela ng aking kotse paulit-ulit kong tinawag ang kanyang pangalan
"Ate Alex!"
"Ate Alex!"
"Ate Alex!" nagising ako na may malamig na pawis
Panaginip lang pala, mali hindi yun panaginip kundi isang bangungot, bangungot ng aking nakaraan bumaling ako sa wall clock sa aking kwarto 4 AM palang ng umaga pero napagdesisyonan kong maligo para naman mahimasmasan ako
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako at nagluto ng umagahan maaga akong kakain dahil panigurado hindi ako gugustuhin na makasabay ng pamilya ko, dahil simula ng nangyari na aksidente ay mas lalo pang lumayo ang kanilang loob sakin yes y'all heard it right noon pa man ayaw na sakin ng pamilya ko ewan ko ba kung bakit at mas lalong tumindi ang pagkamuhi nila sakin ng mamatay si ate, ako ang sinisi nilang lahat
"Oh iha bat ikaw ang nagluluto? Dapat ginising mo ako" si manang Nene ang kaisa-isang pamilya ko rito sa bahay namin
"Ok lang ako manang dapat nga natulog ka pa maaga na lang po akong papasok ngayon para po hindi na ako maabutan nila mom and dad dito sa baba" mahabang litanya ko naman rito
"Anak wag kang mawalan ng pag asa magkakaayos rin kayo" nakangiting sabi ni manang sakin at ngumiti na lang din ako pabalik sa kanya
Pagkatapos kong kumain, magbihis at ihanda ang gamit ko, ay kinuha ko na sa drawer ko ang susi ng kotse at bumaba na, dumiretso ako sa garahe at sumakay na sa kotse kong regalo ni Lolo at Lola para sakin pinaharurot ko ang aking sasakyan papunta sa aming skwelahan
"Oooyyy the bitch is here!!!" bati ng mga bullies sa akin
Hindi ko na lang iyon pinansin at nagdireretso na ako papunta sa classroom namin, ako pa lang ang tao dito kaya naman naupo na ako sa usual spot ko sa bandang unahan
Natulog muna ako saglit habang inaantay ang oras ng klase pano ba naman kasi 6:30 pa lang ng umaga at 8 pa ang klase namin pero wala pang ilang minuto ay biglang.......
"Good morning bessy!!!!!" umalingawngaw na ang mala megaphone na boses ni Anna
"Uuuggghhh Anna pakihinaan naman ang boses mo please nakakahiya sa ibang estudyante" saway ko naman rito
"Namiss lang kasi kita ng sobra" sabay yakap sakin nito ng mahigpit
"Uuummm onting luwag hindi ako makahinga" at sinunod naman nito ang sinabi ko "Para namang hindi tayo nagkita kahapon" dagdag ko pa rito
"Kamusta naman ang tulog mo?" tanong nito sakin
"May assignment ka na ba?" pag-iwas ko sa tanong niya
"Iniiwasan mo nanaman, nightmares again" it was not a question but a statement "Anyways sige mamaya ko na aalamin yan pakopya naman ng Math assignment yun na lang ang wala ako eh" sa wakas pumayag siya na wag na muna pag usapan
At nagsimula na siyang kopyahin ang gawa ko ng biglang may pumasok na babae sa pintuan, she's full of composure, elegance, and power sa tingin pa lang niya parang nanunuot na sa sistema mo, she is the dream girl of both man and woman
"Staring is rude" malamig ang boses nito
"A-a-ahm hindi naman ako nakatitig sayo dun ako sa pintuan nakatingin" sabay iwas ng tingin
"Idiot" she whispered pero narinig ko naman

YOU ARE READING
Make You Mine (GxG) (VerCy)
FanfictionJulianne Moon Alejandro, known as the ice queen of Harold-Alejandro University, walang gustong bumangga sa kanya at sa kanyang mga kaibigan dahil sa kapangyarihan nitong makapag patalsik ng estudyante sa isang pitik lang ng mga daliri nito ...