Athena's POV
After namin pumunta sa sementeryo ay dumiretso na kami dito sa condo, umorder na lang kami ng lunch at pagkatapos namin kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko para naman makapagpahinga kami
"Athena, asan yung mga dvd's mo?" sigaw ni Juls sakin
Andito kasi ako sa banyo ngayon tapos na ako maligo kaya naman lumabas na ako para sagutin siya, paglabas ko ng pintuan nakita ko siya na naghahanap sa may bed side table ko
"Athena asa----------" hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin ng mapatulala ito sa sa akin
Bigla namang namula ang mukha nito at agad na nag iwas ng tingin teka mainit ba dito? Bukas naman yung aircon ah
"P-p-pede b-b-ba na magbihis k-ka m-m-muna" utal nitong pagkakasabi
Agad naman akong napatingin sa suot ko at shemay anak ng pating na kulay pink, naka BATHROBE LANG AKO! walang hiya! NAKAKAHIYA!!!! WAAAAHHH!!!!! Tumakbo ulit ako papasok ng cr at nagpunta sa walk in closet ko para magbihis
Paglabas ko ng pintuan ay ganon pa rin ang itsura ni Julianne
"A-a-ah ano yung ano, yung mga DVD ko andun sa pinaka babang drawer ng table ko" turo ko naman sa kanya sabay upo sa may gilid ng kama
"S-s-sorry nga pala kanina" hindi ko namalayan na nakatabi na pala ito sakin at may hawak na CD na agad-agad
"Ako nga ang dapat mag sorry sayo, kasi mukhang hindi ka na komportable" nahihiyang sagot ko naman sa kanya
Binalot kami ng nakakabinging katahimikan, take note sobrang awkward pa ng katahimikan na yun
"T-tara nood na tayo" pagbasag ko naman sa katahimikan
Pusang galang naging kabayo, akala ko matitino yung movies na nandito sa kwarto ko, pero bakit horror ito! Papatayin kita Annastasia
"Hindi ko alam na matatakutin ka pala" aba't tinawanan pa ako ng bruhang ito
"Baka gusto mong ibreak kita agad diyan!" sigaw ko naman sa kanya
"Ito naman hindi mabiro, but seriously though matatakutin ka pala" may pa seriously though pa 'tong nalalaman eh halata namang pinipigilan nitong tumawa
Tinignan ko na lang ito ng masama at bumalik ako sa panonood ng biglang may nakakagulat na scene sa movie kaya naman bigla akong napayakap sa katabi ko ng mahigpit
"Uuumm, hindi ako makahinga" reklamo ng katabi ko kaya naman bigla akong bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya
"Ang sinabi ko lang hindi ako makahinga, hindi ko sinabing tanggalin mo yung pagkakayakap mo sakin" at saka ibinalik yung mga braso ko sa kanyang bewang
Bago niya pa akong mahuli na namumula na parang kamatis ang mukha rito ay nanood na lang din ako ng movie kahit pa natatakot talaga
Pagkatapos ng movie ay nanatili kami sa posisyon namin ng ilang saglit pa hanggang sa nagsalita si Julianne
"Athena....... May request sana ako sayo......" medyo kinakabahan ako sa sasabihin niya "pede bang mga kaibigan na lang muna natin ang makaalam na tayo na, hindi pa kasi ako handang ikalat sa lahat yung relasyon natin kasi alam mo na, natatakot pa ako" paliwanag nito sakin
Napangiti naman ako sa sinabi nito, alam kong hindi mahirap sa kanya, na mag out lalo na at first time niya kaya naman naiintindihan ko siya
"Ok lang yun sakin love alam kong mahirap pa sayo, kaya naman tanggap ko kung hindi ka pa handa na ilantad sa ibang tao kung anong meron tayo, naiintindihan kita" tumingin ako sa kanya at ngumiti
Unti-unti kong tinawid ang distansya na namamagitan sa aming dalawa para maabot ang kanyang mga labi upang ito ay halikan, nothing change, her lips ang still soft and there's still butterflies and sparks just like the first time that we kiss at the ferris wheel sa EK, she responds to my kiss
My hands roamed from her arms, to her stomach, until I reached under her shirt
"Athena......" pabulong na pagkakasabi nito kaya naman agad akong napahiwalay sa kanya at tinitigan ito
"Athena darating na maya-maya ang best friend mo at ang mga pinsan mo" at bigla rin akong natauhan sa sinabi nito kaya naman imbis na ituloy ang ginagawa namin ay napagpasyahan namin na matulog na lang
----------------------------------------
Kawawa naman si Athena di naka score HAHAHA
~Love Only💙~

YOU ARE READING
Make You Mine (GxG) (VerCy)
FanfictionJulianne Moon Alejandro, known as the ice queen of Harold-Alejandro University, walang gustong bumangga sa kanya at sa kanyang mga kaibigan dahil sa kapangyarihan nitong makapag patalsik ng estudyante sa isang pitik lang ng mga daliri nito ...