Athena's POV
Nauna akong magising kesa kay Julianne kaya naman napagdesisyonan kong mag luto ng almusal, syempre nag damit muna ako, nakakaloka kayo alangan naman na magluto ako ng walang damit diba
Patapos na akong magluto ng pancake ng may naramdaman akong yumakap sakin mula sa likod
"Ang bango naman niyan love pero mas mabango ka pa rin" bulong nito sabay halik sa leeg ko
"Wag mo na akong bolahin sige na, tapos na 'tong niluluto ko, mauna ka ng kumain at maliligo lang ako" paalam ko sa kanya
"Sabay na tayo para tipid sa tubig" pabirong sabi naman nito
"Tse! Mas lalo tayong magtatagal kapag sabay tayong maliligo tsaka baka ma-rape mo pa ako" natatawang saad ko naman sa kanya
Pagkatapos kong ihanda ang mga pagkain ay dumiretso na ako sa banyo nagmaktol pa nga si Julianne na sasama raw siya pero hindi pa rin ako pumayag kaya panigurado nakasimangot ito habang kumakain
Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Julianne na nakaupo sa kama at malalim ang kanyang iniisip
"Ang lalim naman ata ng iniisip mo?" medyo nagulat pa nga ito halata mong malalim talaga ang iniisip
"Love tumawag kasi si Papa Raymond, pinapasabi niya na 1 week after the graduation na raw ang wedding, ok lang ba sayo?" nag aalalang tanong nito
"Oo naman, bat naman hindi love?" bat ganto siya parang takot na takot
"Kasi love malay mo magbago isip mo, malay mo hindi ka pa handa" hindi ito mapakali
"Bakit naman love? May nangyari ba?" nag aalalang tanong ko sa kanya
"Love may aaminin ako sayo" panimula nito kaya naman tumango ako para ituloy niya ang sasabihin niya "kasi love, hindi naman totoo na malulugi na ang kompanya niyo, ginawa lang ni lolo at lola yun para tulungan ako na makuha ka ulit, nag aalala ako na baka pag nalaman mo ang tungkol dito, magalit ka at hindi na ituloy ang kasal, pero naiintindihan ko rin naman kung ayaw mo ng magpakasal sakin dahil iniisip mo na I trick---------tsup" hinalikan ko ito para naman matahimik, pero humiwalay din ako agad
"Ang daldal mo kasi, sa tingin mo ba hindi ko alam ang lahat ng yun? Kahit naman nasa Scotland ako ay aware pa rin ako sa mga nangyayari sa kompanya at alam ko rin na ipinagkasundo tayo dahil ang gusto nila lolo at lola ay ikaw pa rin ang makatuluyan ko, dapat nga magpasalamat pa ako sa kanila dahil kung hindi nila ginawa yun, wala ang pinakamamahal kong babae dito sa tabi ko ngayon" nakangiti kong paliwanag sa kanya
Nakatitig lang ito sakin pero maya-maya ay naiyak na ito kaya naman pinunasan ko ang luha nito at muli ay unti-unting naglapit ang aming mga mukha at ang mga labi namin ay unti-unting nagdikit ang halik na ito hindi katulad kagabi na mapupusok ito ay mabagal lang at punong-puno ng pagmamahal, humiwalay kami sa isa't-isa at bigla siyang nagsalita
"I love you Athena, alam ko kulang pa ang mga salita na yan para ipaliwanag ang pagmamahal ko sayo kaya naman ipaparamdam ko sayo bawat araw kung gaano kita kamahal" paliwanag nito sakin
"I love you too Julianne at hindi mo na kailangan pang iparamdam sakin dahil ramdam kona na mahal na mahal mo ako" nakangiti kong paliwanag dito
Muli kong tinawid ang distansya sa pagitan naming dalawa at hinalikan ito pero imbis na palalimin namin ang aming halikan ay mas pinili namin ang mag cuddle na lang at bago kami muling matulog ay hinalikan ko ito sa pisngi saka pumikit at tuluyan na akong nilamon ng antok
---------------------------------------------
Ship ko talaga ang VerCy HEHEHE
~Love Only💙~

BẠN ĐANG ĐỌC
Make You Mine (GxG) (VerCy)
FanfictionJulianne Moon Alejandro, known as the ice queen of Harold-Alejandro University, walang gustong bumangga sa kanya at sa kanyang mga kaibigan dahil sa kapangyarihan nitong makapag patalsik ng estudyante sa isang pitik lang ng mga daliri nito ...