Julianne's POV
Andito kami ngayon sa isang bench malapit ng mag 6 pm at maya-maya sasakay kami sa huling ride na tinuturing nilang romantic ride sa ganitong oras pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Athena tungkol sa ate alex niya, kahit pabulong lang iyon ay malinaw kong narinig ang lahat sa susunod ko na lang siya tatanungin tungkol mas importante ay mapasaya ko siya ngayon
"Ang lalim naman ata ng iniisip mo Juls" pagpukaw niya sa atensyon ko
"Hindi naman iniisip ko lang yung next ride na sasakyan natin" nakangiti kong sagot sa kanya
"Huh? Meron pa? Pero mag gagabi na" nagtataka naman ito
"Tara magsasara na maya-maya ang EK sakyan na natin yung last ride" sabay hatak sa kanya papunta sa aming last ride
Buti na lang hindi gaanong mahaba ang pila dito kaya naman agad kaming nakasakay
"Wow ang ganda naman dito" parang batang sabi niya, mababakas mo rin ang kislap sa kanyang mga mata
"Yes kitang-kita mo yung halos kabuuan ng Sta. Rosa, Laguna dito" napatingin na rin ako sa labas
"Thank you sa pag dala mo sakin dito, thank you sa pagpapasaya sakin ngayong araw, ngayon ko lang ulit naramdaman ang totoong saya" tumingin ito sakin
Napatingin naman ako sa kanya at napatitig sa kanyang mga mata, kung kanina ay kasing kinang ito ng mga bituin sa langit, ngayon ay parang maiiyak na ito kaya naman agad ko siyang niyakap
"Ssshhh wag ka ng umiyak isipin nila sa baba pinaiyak kita" napatawa naman ito sa sinabi ko
Bumitaw ako sa aking pagkakayakap at muli kong tinitigan ang kanyang mga mata at bumaba sa kanyang mga labi, unti-unti kong inilapit ang aking mukha at unti-unti ring naglapat ang aming mga labi ang tamis ng mga labi niya at ang lambot napapikit kami parehas at hinayaan lang namin na kusang gumalaw ang aming mga labi, saglit akong humiwalay para tignan ito at hindi maipagkakaila ang pamumula ng kanyang mukha, at ng tignan ko naman ang mga mata nito, wala kang makikita na bakas ng pagsisisi kundi tuwa at pagmamahal kaya naman napangiti ako
"Athena, I know sobrang bilis pero sa tingin ko..... Mahal na kita, no scratch that word "sa tingin ko" dahil Athena, mahal na kita, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito" at hinawakan ko naman ang dalawang kamay nito
Tulala pa rin ito sa aking ipinagtapat sa kanya kaya naman medyo natatakot ako sa magiging reaksyon niya ngunit di kalaunan ay ngumiti rin ito sakin
"Athena hindi naman ako nagmamadali eh, kung hindi ka pa handang sabihin yung mga salitang yun ok lang sakin, maiintindihan ko" nakangiti pa rin ito sakin
Tinanggal nito ang kanyang kanang kamay na hawak ko at hinaplos ang pisngi ko at muli itong lumapit sa aking mukha para halikan ako
"Salamat kasi sinabi mo yan, salamat kasi naiintindihan mo ako, kung hindi ko man muna masabi sayo ang mga katagang iyan pabalik lagi mong alalahanin na gusto kita at sa tamang panahon masasabi ko rin iyan sayo" makahulugang sabi nito
"Athena kahit hindi ka magpaliwanag tulad ng sabi ko kanina naiintindihan ko at handa akong mag antay hanggang sa maging tayo na at masabi mo rin sakin ang mga katagang iyon, sapat na sakin ang naipaparadam mo sakin na gusto mo rin ako" nakangiti kong tugon dito at tsaka niyakap ulit ito
Tapos na ang pag andar ng ferris wheel na aming sinakyan at naglakad na kami papunta sa parking area, para sumakay na sa kotse at umuwi it was pure silence habang nagmamaneho ako pauwi, pero hindi yung awkward silence, I found it comforting silence maya-maya pa ay narinig ko na ang malalim na pag hinga ng katabi ko, pag lingon ko rito ay tulog na ito, napangiti na lang ako sa aking sarili at ibinalik ko na ang aking tingin sa daan
Nang makarating na kami sa condo ay tulog pa rin si Athena talagang pagod na pagod ito kaya naman pagka park ko ng sasakyan agad akong bumaba ng sasakyan para mabuksan ko ang pintuan ng shot gun seat, tsaka ko ito binuhat ng bridal style, gumalaw pa ito ng kaunti at kumapit ito sa balikat ko, pagsakay namin ng elevator at pagkarating namin sa aming floor ay agad ako kumatok ng marahan sa pintuan ng unit nito at agad rin namang bumukas ito
"Hi Jul-------ianne" medyo gulat na sambit ni Selena "pasok ka" at binuksan naman niya ng mas maluwag ang pintuan
Pagkapasok ko agad kong tinungo ang kwarto ni Athena at inilapag siya sa kanyang kama, pagkatapos ko siyang kumutan at halikan sa kanyang noo ay muli na akong naglakad palabas pero bago pa ako tuluyang makalabas ay nagsalita ulit si Selena
"Ngayon ko lang ulit nakita na ngumiti ng ganyan si Athena kaya salamat Julianne, salamat sa pagbabalik ng dati naming pinsan" ngumiti lang ako sa kanya tsaka pumasok na sa unit ko
Salamat rin Athena, dahil sayo natutunan kong makaramdam ulit at magmahal mas maraming salamat sayo
---------------------------------------------
Sana ol nakakapag date charot HAHAHAHA
~Love Only💙~

YOU ARE READING
Make You Mine (GxG) (VerCy)
FanfictionJulianne Moon Alejandro, known as the ice queen of Harold-Alejandro University, walang gustong bumangga sa kanya at sa kanyang mga kaibigan dahil sa kapangyarihan nitong makapag patalsik ng estudyante sa isang pitik lang ng mga daliri nito ...