Chapter 10

9.3K 272 5
                                        




Athena's POV





To be honest I didn't expect Julianne to be here, akala ko ginawa niya lang yan kahapon dahil sabi nga niya  laruan niya lang ako but after seeing her today and helped me to cook I'm a little bit flattered





"Athena! Paabot naman ng towel nakalimutan ko sa kama mo!" ano ba naman 'tong si Anna panira ng moment





"Oo saglit lang!" sigaw ko naman pabalik sa kanya





"Wait lang ah, puntahan ko lang si Anna" pag papaalam ko naman kay Julianne





"Ok sige ihahanda ko na lang muna ang lamesa" bumalik nanaman ito sa pagiging cold hays





Pagpasok ko ng aking kwarto nakita ko ang ulo ni Anna na naka dungaw sa may pintuan ng cr, kaya agad kong tinungo ang kama ko kung saan nakapatong ang tuwalya at inabot ko ito sa kanya





"Bilisan mo na mag bihis diyan, at kakain na tayo baba baka lumamig pa yung pagkain" bilin ko rito bago niya isara yung pintuan ng kwarto niya





Bumaba naman ako at naabutan ko si Julianne na nasa may lababo at naghuhugas ng mga ginamit namin kanina sa pagluluto, marunong naman pala 'to gumawa ng gawaing bahay eh





Malapit na ako sa kanya ng mapansin kong medyo basa na yung tinatapakan niya pagharap niya sakin ay maglalakad sana ito palapit sakin ngunit bigla na lang itong........





Nadulas





Agad naman akong tumakbo palapit rito, hindi ko na inintindi yung sakit ng paa ko, at sakto itong lumanding sa mga bisig ko





Ilang segundo rin ang lumipas at nandun pa rin kami sa posisyon na yun, nakatitig lang ako sa mga mata niya hanggang sa mapansin kong bumaba ang tingin nito sa mga labi ko parang may kung anong nagtutulak sakin at sinasabing ilapat ko ang mga labi ko sa labi niya, papalapit ng papalapit ang mukha namin sa isa't-isa ng biglang.......





"Hey Athena! Is breakfast ready?" excited na sigaw ni Anna





At agad naman kaming napabalik sa ulirat at nagmamadaling inayos ang mga sarili namin, we look like a thief getting caught by a cop, ipaalala niyo sakin na kailangan kong sapakin si Anna mamaya andun na eh! Malapit na eh! Istorbo lang!





"Oh hi Miss Alejandro" alanganing bati ni Anna sa kanya





"P-p-please just call me Julianne and yeah I just wanna check on Athena if she's ok na" medyo nahihiya namang sagot nito kay Anna





"OK so guys let's eat na, wow ang sarap naman nito" manghang sabi nito habang nakatingin sa pagkain sa may lamesa





Nagkatinginan naman kami ni Julianne pero agad din naman itong umiwas at umupo sa isang upuan sa table, namumula naman ang mukha nito kaya naman napangiti na lang ako ng wala sa sarili





"Sige Athena, Anna mauna na ako, see you on Monday I guess" pagpapaalam nito sakin





Gusto ko sana itong pigilan pero alam ko naman na wala ako sa lugar para gawin yun kahit na sa loob-loob ko gusto kong sabihin na dito ka lang at ituloy natin ang naudlot kanina hehehe ang landi ko talaga





"Sige see you on Monday" nginitian ko naman ito bago ko isarado ang pinto





"Ngiting wagi bes? Bakit? Naka score ka ba kay Crush?" pang aasar ni Anna sakin





"Alam mo Anna? Minsan? Iniisip ko bat kita naging kaibigan?" kunwaruli ay galit ako rito





Pero ang walang hiya tinawanan lang ako at mas lalo akong naasar dahil alam kong nakita niya ang nangyari samin ni Julianne kanina





"Alam mo? Ewan ko sayo Annastasia!" agad namang sumimangot ang muka nito ayaw niya kasing tinatawag sa buong pangalan niya kaya naman it's my turn to laugh





"Sige itawa mo lang yan, tandaan mo alam ko ang lihim mong pagtingin kay Julianne" she just smirk and walk towards my room





Kahit kelan talaga malabo akong manalo sa babaeng to, at oo tama kayo ng nabasa may lihim nga akong pagtingin kay Julianne, sa totoo lang noon pa man meron na pero dinedeny ko lang talaga pero ngayon na nakakalapit na ako sa kanya, I don't think I can still deny and stop this feelings of mine hays Julianne Moon Alejandro binabaliw mo ako
















-----------------------------------------

Ay oh pak! May pa ganon ang mareng Athena niyo hahahaha







~Love Only💙~

Make You Mine (GxG) (VerCy)Where stories live. Discover now