Julianne's POV
Nakakainis, nakakairita talaga!!!! Bat ba ganun? Andali niyang ngumiti kapag si Dani ang kausap pero ako? ginamot ko na ang sugat niya, ako pa nagbenda ng paa niya hindi man lang siya ngumiti sakin!!!!
"Bat affected ka girl?" tanong ni brain
Oo nga no? Bat naman ako affected? Ano naman sayo kung maglandian sila ni Dani? Hayaan mo sila, wala kang pake ok? Wala kang pake self
Tahimik lang ang buong biyahe namin, walang gustong magsalita hanggang sa hindi ko na matiis
"Saan ang address ng condo mo?" tanong ko sa kanya habang nakatutok ang mata ko sa daan
"Sa Harold-Alejandro condominium" may halong lungkot sa boses nito pero hindi ko na iyon pinansin baka masakit lang yung ankle niya
"Sakto dun din ako nakatira" pagkatapos nun isang nakakabinging katahimikan nanaman ang bumalot samin
At thank you dahil malapit na kami sa condo, shaks ang awkward kasi tumunog naman ang cellphone nito indikasyon na may tumatawag sa kanya
"Hello kuya?" sagot niya rito
"Yes po, opo thank you kuya sige po love you too" at pinatay na nito ang tawag sakto naman ang pagparada ko sa parking lot condo
"Halika na" aya ko naman sa kanya at muli ko itong inalalayan
Dumaan muna kami sa receptionist para kunin ang susi ng condo nito
"VIP Room 4 po kayo ma'am" sabi ng receptionist
Pagsakay namin ng elevator ay huminga ako ng malalim humayghad! Kapit bahay ko siya! VIP Room 3 kasi ako those VIP Rooms are for the child of business men and women alam mong mayayaman talaga
"Ok na ako dito" sabi niya ng makarating kami sa tapat ng pintuan ng room niya
"No I'll accompany you inside bawal mapwersa ang paa mo, baka mas lumala pa" kelan pa ako naging concern sa isang tao shaks! Bahala na nga hays
Binuksan naman niya ang pintuan at agad ko na siyang inalalayan papasok pagkababa ko ng gamit ko sa sofa ay sabay naman kaming umupo
"Are you sure, ok lang sayo?" nahihiyang tanong niya sakin
"Yes since weekend naman bukas, ok lang din para maalagaan kita" teka saan nanggaling ang mga salitang yan
"H-h-hindi naman na kailangan magiging ok din ako" bat namumula ang mukha niya? Hindi naman mainit dito dahil binuksan namin ang aircon
"Tara mag order na muna tayo ng pagkain" aya ko sa kanya para naman mabawasan ang pagiging awkward ng paligid
Agad kaming tumawag sa reception para mag order ng food at wala pang thirty minutes ay may nag doorbell na kaya naman tumayo ako para buksan ang pintuan at kunin ang pagkain
"Tara na let's eat na sa dining area" aya ko sa kanya habang nakaalalay parin
Pagkaupo namin ay agad na kaming kumain dahil kahit hindi man namin aminin ay gutom na talaga kami
"Ako ng bahala dito, kailangan mo na rin magpahinga alam kong pagod ka na" makahulugang saad nito sakin
"Pero pano ka naman dito? Pano yang paa mo?" nagaalala kong tanong sa kanya
Bakas mo naman sa mukha niya ang gulat and I couldn't argue with her dahil maski ako gulat sa mga lumalabas sa bunganga ko ngayon
"Don't worry tatawagan ko na lang si Anna and besides anong oras na rin magpapahinga na muna ako" pag tingin ko sa orasan mag 6 na pala shemay
"Ok then I'll be here till Anna come" mahinahong sagot ko naman sa kanya
Kung kanina ay pag alalay lang ang ginawa ko, ngayon ay binuhat ko na siya papunta sa kanyang kwarto at marahang inilapag sa kanyang kama, halata mo pa ang gulat sa kanyang mukha pero agad naman itong ngumiti sakin
Omg! Ngumiti na siya sakin
NGUMITI NA SIYA SAKIN!!!!!!
Masaya ako..... Totoo pero hindi ko pinapakita sa panlabas na itsura ko, wala pang ilang minuto ay nakatulog na ito, she look so peaceful habang natutulog, hindi ko naman maiwasang mapatitig sa kanyang matangos na ilong pababa sa kanyang labi
Those pink lips of hers..... Nakaka tempt halikan..... Parang ang lambot
Shet Julianne ano bang iniisip mo, daig mo pa ang manyak, aaaahhhh tigilan mo na to, I'm straight as ruler hindi pede 'to pero parang ang sarap talaga halikan ng labi niya hindi Julianne tumigil ka! I need fresh air kaya naman lumabas ako ng kwarto niya at nagpunta ng balcony kailangan kong mahimasmasan bago pa ako tuluyang mawala sa katinuan
-------------------------------------------
Confusion is real hahahaha!!!
~Love Only💙~

YOU ARE READING
Make You Mine (GxG) (VerCy)
FanfictionJulianne Moon Alejandro, known as the ice queen of Harold-Alejandro University, walang gustong bumangga sa kanya at sa kanyang mga kaibigan dahil sa kapangyarihan nitong makapag patalsik ng estudyante sa isang pitik lang ng mga daliri nito ...