Julianne's POV
Hindi ko alam kung tama ba ang mga pagsisinungaling na ginagawa ko kay Athena hanggang ngayon, makalipas ang almost 2 weeks na pagkikita namin ni James ay lihim kaming nag uusap sa text at tawag yung sinabi ko sa kanya na pupuntahan ko lang si mama kasinungalingan yun dahil ang totoo nakipagkita ako kay James nung araw na yun, minsan naman ay nagkikita kami para lumabas at mamasyal, sa tuwing magtatanong si Athena ay sinasabi ko sa kanya na busy ako sa school works at mga projects tapos na rin kasi yung tournament namin with the Cleyton University so balik kami sa hectic schedule, naniniwala naman si Athena sa mga rason ko
"Ano girl kinakain ka na ba ng konsensya mo?" walang emosyon na tanong sakin ni Joy
"Ano bang pinagsasabi mo diyan wala naman akong ginagawang masama" pag iiwas ko ng tingin
"Wala nga ba talaga? Hindi pa ba sapat yung pagsisinungaling mo? Yung lihim niyong pagkikita ni James?" sunod-sunod na tanong nito sakin
Mas lalo naman akong nahiya at parang hindi mapakali dahil sa mga sinabi ni Joy, sa totoo lang tama siya pero anong magagawa ko, hindi ko na alam ang nararamdaman ko
"Sa totoo lang Joy ang gulo na ng lahat hindi ko na alam kung ano ba talaga ang mararamdaman ko" sukong sabi ko naman sa kanya
"Makinig ka sa dinidikta ng puso mo wag sa dinidikta ng isip mo dahil minsan mas makabubuti kung hahayaan mong mag desisyon ang puso mo kesa sa kung anong desisyon ng isip mo" pangaral nito sakin
"Pero natatakot ako Joy, natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao lalo ng mga magulang ko" halos maiyak na ako dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko
"Saan ka ba mas natatakot sa sasabihin ng iba o ang mawala ang totoong mahal mo?" shemay naman joy mas pinahirap mo eh
"Tawagan mo na lang ulit ako kapag alam mo na yung sagot sa tanong ko Julianne dahil ikaw lang ang makakalutas ng problemang ito" sabay baba ng telepono
Hays anong gagawin ko ngayon, ano ba namang buhay 'to uuuggghhh!!!!
------------- POV
Halos dalawang linggo na rin ang nakalilipas ng sundan namin si Julianne sa bawat kilos at galaw nito, ayaw man ng boss namin ay kinailangan naming gawin ito para sa sarili niyang kapakanan dahil alam namin na nagsisinungaling si Julianne sa boss namin
"Ano nakuhanan mo ba?" tanong ng kasama ko
"Oo malinaw na malinaw, sa tingin mo ba sapat na 'tong mga nakuha natin na ebidensya?" tanong ko naman sa kanya
"Oo naman dahil alam niya na tapat tayo sa kanya" pagpapalakas ng loob ng kasama ko
Napangiti na lang ako sa inasta nito dahil akalain mo yun magkakasundo din pala kami ng mga mokong na'to
Julianne Moon Alejandro akala ko naiiba ka sa lahat, akala ko pa naman hindi mo sasaktan ang boss namin
"Kelan natin sasabihin 'to kay boss?" tanong ng isa pa naming kasama
"Sa araw na magkikita ulit silang dalawa" walang emosyon kong pagkakasabi sa kanya
"Pero sobra siyang masasaktan kapag nalaman niya 'to" nag aalalang sabi ng alalay 1 ko
"Pero hindi niyo ba naisip na triple yung sakit na mararamdaman niya kung itatago natin 'to at hayaan na si Julianne mismo ang makasakit sa kanya?" balik na tanong ko sa kanila
"Dahil ako mas matatanggap ko pa na sa atin niya malalaman ito mismo kesa sa babaeng iyon" dugtong ko pa
"Alam niyo she's right dapat lang na malaman ni boss ang katotohonan" pag agree sa akin ng lalaking kasama ko
I'm sorry boss ito lang ang paraan para mas lalong hindi ka na masaktan, alam kong hindi ka pa handa pero Julianne leave us no choice
--------------------------------------------
Hmmm sa tingin niyo sino yun? Hehehe
TRIVIA: I write this story on the spot po, lahat ng chapters dito, on the spot ko pong sinusulat at maliban sa VerCy other characters came from my imagination hehehe
~Love Only💙~

YOU ARE READING
Make You Mine (GxG) (VerCy)
FanfictionJulianne Moon Alejandro, known as the ice queen of Harold-Alejandro University, walang gustong bumangga sa kanya at sa kanyang mga kaibigan dahil sa kapangyarihan nitong makapag patalsik ng estudyante sa isang pitik lang ng mga daliri nito ...