Athena's POV
*Sa bahay ng mga Harold*
Nandito pa rin ako sa loob ng kotse nakaparada sa bakuran ng dati kong bahay, natatakot ako sa mga pedeng mangyari, pano kung hanggang ngayon ganun pa rin sila
"Hey love, kung ano man yang iniisip mo, nandito lang ako, kung ano man ang mangyayari handa akong ipaglaban ka" sa sinabi ni Julianne na iyon ay nakahinga naman ako ng maluwag
"Mga anak, gising na kayo, andito na tayo sa bahay ng lolo at lola niyo" pag gising ni Julianne sa mga bata
Kinarga ko si Ares at si Julianne naman ang kumarga kay Apollo naglakad na kami papunta sa pintuan, hindi na namin kinailangan na kumatok dahil bukas naman ang pintuan
"Iha mabuti naman at bumalik ka na dito namiss kita" bati sakin ni manang nene
"Namiss rin po kita manang" nakangiti ko bati sa kanya
"Manang sila Athena na ba yan?!" boses ni Ate Cassie galing sa kusina
Sumulpot naman si Kuya Liam sa may hagdan at ang lawak ng ngiti nito, shems bat biglang nag iba ang atmosphere dito sa bahay ang gaan
"Mom, Dad, Cassie, Larry andito na sila Athena!" sigaw ni Kuya Liam "Sige Manang ako ng bahala dito, tulungan mo na lang po sila dun sa kusina" sumunod naman si manang sa kanya
"Athena I miss you so much" yayakapin sana ako ni Kuya kaso nakita niya na karga ko si Ares
Nagugulat ako sa mga nangyayari, sa loob ng pitong buwan na pagkawala ko, andaming nagbago, lalo na sa kanila
"Athena! Bunso sobrang namiss ka ni Ate!" tumakbo rin ito palapit sakin
Binaba ko naman si Ares at ganun din ang ginawa ni Julianne kay Apollo
"Athena humihingi kami ng tawad sayo, sa mga bagay na nagawa namin sayo noon, hindi ka namin pinahalagahan sorry bunso, nakalimutan namin yung pagmamahal na meron kami sayo dahil lang sa isang walang kwentang bagay, nung umalis ka sobra kaming nalungkot nila Mom and Dad, naiinggit pa nga kami kay Larry noon dahil buti pa siya nakakausap ka, ayaw mo naman ipaalam samin kung nasaan ka kaya araw-araw naming kinukulit si Larry para lamg sabihin niya samin kung nasaan ka, sorry talaga bunso, sorry kung nagawa namin yun sayo" malungkot na pagkakasabi ni kuya
"Ano ba kayo, andadrama niyo naman diyan, akala ko ba andito tayo para mag celebrate, wag niyo ng alalahanin yun, ang importante andito na ako nakabalik na ako" pagpapagaan ko ng mood dahil malapit ng maging iyakan portion ito kaya naman niyakap ko sila at niyakap rin nila ako pabalik
"Siya nga pala, kuya, ate, si Julianne mapapangasawa ko" inilahad naman ni Julianne ang kanyang kamay pero imbis na makipag shake hands ay niyakap nila si Julianne
"Welcome to the family, Julianne" sabay pa nilang pagkakasabi
" Oh ito na ba ang mga pamangkin namin? Grabe ang ga-gwapo naman ng mga pamangkin ko mana sila sa tito Liam nila" napadako ang tingin nito sa mga anak namin
"Hoy igagaya mo pa sayo ang mga bata eh napaka playboy mo, mga bata wag kayong makikinig at didikit diyan sa tito Liam niyo tuturuan lang kayo niyan na mambabae" pagkumbinsi naman ni Ate Cassie sa kanila
Natawa ako sa tinuran ng mga kapatid ko, para silang mga bata, bumalik na yung dating sila, yung dating pamilya ko
"Oh mga anak tama na yan, dito na tayo sa kusina para makakain na rin ang mga bata"
Nauna na sila Julianne sa kusina dahil inayos ko pa ang mga gamit ng kambal sa sofa
"Anak, sana.... Patawarin mo kami ng mommy mo, sa mga nasabi at nagawa namin sayo noon, sumobra kami sa ginawa namin, imbis na tanggapin ka namin ay kami pa ang nagtulak sayo palayo, hindi ka namin masisisi kung galit ka samin anak, pero sana mapatawad mo pa rin kami" nakayukong sabi ni dad
Hindi ko aakalain na magiging ganito ang lahat, na darating yung panahon na magiging maayos ulit kami ng pamilya ko
"Sinong dapat patawarin dad? Wala naman kayong kasalanan ah?" nakangiti kong tanong sa kanila
"Anak......" sambit ni mom
"Mom, dad kung meron ng naituro sakin si Papa Raymond at Mama Almira, yun ay kahit gaano pa kalaki ang kasalanan sayo ng isang tao matuto kang magpatawad dahil walang mangyayari kung pupunuin lang natin ng galit ang ating puso, kaya tara na po inaantay na tayo dun sa kasunina baka ubusan pa ako ni Kuya Liam ng ulam matakaw pa naman yun" tumawa naman sila sa huli kong sinabi at kami ay naglakad na papunta sa kusina
Masaya kaming naghapunan puno ng masasayang kwentuhan, nagbiro pa nga si Mom and Dad na nagseselos daw sila kay Papa Raymond at Mama Almira pati si Kuya Liam nagseselos rin daw kay Kuya Jason etong si Ate Cassie naman, ayun na love at first sight pa raw, natawa na lang talaga ako sa mga inaasta nila

ŞİMDİ OKUDUĞUN
Make You Mine (GxG) (VerCy)
Hayran KurguJulianne Moon Alejandro, known as the ice queen of Harold-Alejandro University, walang gustong bumangga sa kanya at sa kanyang mga kaibigan dahil sa kapangyarihan nitong makapag patalsik ng estudyante sa isang pitik lang ng mga daliri nito ...