Athena's POV
Inabot ata kami ng halos 2 oras sa kalsada mukhang medyo malayo ata talaga ang pupuntahan namin ni Julianne
"Hey nagugutom ka ba?" tanong nito sakin habang ang mga mata ay nakatutok sa daan
"Medyo eh, meron ba tayong mahihintuan diyan?" nahihiya ko namang sagot sa kanya
"Hey don't worry, we don't need to stop over, merong snacks diyan sa may back seat sa plastic na kulay white meron din tayong inumin diyan sa may mini cooler" sagot naman nito sakin
Wtf?!?! Pinaghandaan niya talaga ang lakad na 'to ah taray ni my labs
"Alam mo mag iisip ka na nga ng pet name my labs pa talaga like eeeww pede namang love o kaya babe diba" at umepal nanaman po ang aking mahaderang utak
"Che! Wala kang pake pero pede kong i-consider yung suggestion mo basta tumahimik ka na" at sumunod naman ito sakin
Halos mag 12:00 pm na ng marating namin ang aming destinasyon, shete andito kami sa EK ngayon isa paborito kong amusement park wala na kasi yung star city hehehehe
"Teka pano mo nalaman na gusto ko sa lugar na 'to?" manghang tanong ko sa kanya
"Wag ka sanang magalit kay Anna kasi siya nagsabi sakin kanina nung nagpunta ako sa unit mo" sabay kamot naman nito sa kanyang batok
Hays Anna may magagawa ka rin palang tama sa buhay ko de charot hahahaha
"Tara na, pasok na tayo sa loob" inilahad naman niya ang kanyang kamay
Masaya ko namang tinanggap iyon at magkahawak kamay kaming pumasok sa loob
"Ang ganda talaga dito" habang tinitignan ko ang buong lugar na halos walang pinagbago
"Oo nga ang ganda" sagot naman ng kasama ko
Paglingon ko sa kanya ay nakatitig pala ito sakin kaya naman bigla ulit umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan sa aking mukha at namula ito
"So sakay muna tayo dun sa mga chill rides mamaya na yung mga extreme" sabay hatak sa kamay ko
Pagsakay namin sa isang ride ay hindi maiwasan ni Julianne ang magtanong
"Pano mo nga pala naging paborito itong enchanted kingdom?" habang nakatingin sa kung saan man papunta ang ride na ito
"Dito kami madalas mag bonding ng pamilya ko, nung hindi pa magulo ang lahat, ate alex and I used to be the ones who can't be separated by anyone and anything, not even death" pabulong kong sinabi yung bandang huli, hindi pa kasi ako handang ikwento sa kanya eh
"Huh? Ano yung huli mong sinabi?" takang tanong naman niya sakin
"Ahm wala yun saan ang next ride natin?" nakangiti kong tanong sa kanya, I'm hoping na papalagpasin niya yun
"Dun sa may anchor's away, ok lang ba sayo?" medyo na excite ako dun sa sinabi niya isa rin kasi yun sa mga rides dito na paborito namin ni Ate Alex
"Ate miss na miss na kita, sana andito ka para makita kung gaano ako kasaya lalo na kasama ko si Julianne ngayon yung taong mahal ko" bulong ko sa aking isip sabay tingin sa langit
"Hey ok ka lang ba" untag sa akin ni Julianne
"O-o-oo ok lang ako" pinipilit kong hindi maiyak
"Kung ayaw mo naman pedeng sa ibang rides tayo" nag aalalang tanong nito sakin
Pumila na kami para makasakay sa anchor's away at hindi pa rin maalis ang pag aalala sa mukha nito kaya naman hinawaka ko ang kanyang kamay at ngumiti sa kanya, ngumiti naman ito pabalik sakin at medyo nabawasan na ang pag aalala nito kaya naman may naisip ako
"Juls, pede ba after nito kain tayo medyo gutom kasi talaga ako" napatitig lang ito sakin at nang marealize ko kung anong sinabi ko ay agad akong napatakip ng aking bibig
"Uuumm kung hindi mo gu----------" hindi ako natapos ng pagsasalita ng bigla itong tumawa ng mahinhin
"Juls, I like that nickname, and sige after nito kain na tayo" masuyong pagkakasabi nito
Shems nagustuhan niya yung nickname na bigay ko sa kanya aaaakkk kinikilig ako, kinikilig talaga ako pero ng makasakay na kami sa anchor's away, nawala yun at napalitan ng kaba at mga tili ko habang yung katabi ko naman ay chill lang at kala mo inaantok pa
-----------------------------------------------
Ang sweet naman ni boss Julianne aaayyiieee mapagmahal talaga HAHAHA
~Love Only💙~

YOU ARE READING
Make You Mine (GxG) (VerCy)
FanfictionJulianne Moon Alejandro, known as the ice queen of Harold-Alejandro University, walang gustong bumangga sa kanya at sa kanyang mga kaibigan dahil sa kapangyarihan nitong makapag patalsik ng estudyante sa isang pitik lang ng mga daliri nito ...