Chapter 27

6.3K 175 14
                                        


Athena's POV


Hindi ko alam ang mararamdaman ko, kung magagalit, maiinis, maiiyak, masasaktan, o malulungkot dahil sa totoo lang halo-halo ang nararamdaman kong emosyon ngayon


Flashback


Papasok na sana ako sa restaurant ng makita ko ang isang pamilyar na lalaki na pumasok rin, dumiretso ito sa table kung nasaan si Julianne at hinalikan ito sa pisngi, shit! Ito ba ang dahilan kaya lagi siyang busy?! Kahit nasasaktan ako, ay pinilit ko pa rin ipinagpatuloy ang paglalakad at umupo sa isang table kung saan malinaw ko pa rin silang nakikita


Masaya si Julianne habang nag uusap sila ni James, oo si James na ex-boyfriend nito, tang-ina nagagawa niyang makipaglandian kasama si James sa public samantalang pag kami ang magkasama kaibigan lang kami kung magsama, kaya pala ilang beses na niya akong iniiwasan, kaya pala lagi niyang sinasabi na busy siya, totoo naman busy siya, hindi nga lang sa school works kundi sa ibang tao, maya-maya pa nakita ko na papalapit na ng papalapit ang mukha ni James kay Julianne at wala pang isang minuto magkadikit na ang mga labi nila, yun ang naging hudyat para lumapit ako sa kanila, nasasaktan ako pero ayokong umiyak at HINDI AKO IIYAK SA HARAPAN NYA


"Hi Julianne, andito ka rin pala" namutla naman ito at parang nakakita ng multo


"Oy ikaw pala Athena, I didn't know na andito ka rin pala what a coincidence may kasama ka rin bang date ngayon?" nakangiting bati at tanong ni James sakin



"Wala akong kasama, dapat meron kaso lang BUSY daw kaya ako lang ang natuloy" pinagdiinan ko talaga ang salitang "busy" para naman marealize ni Julianne kung anong nangyayari kanina pa kasi tulala eh


"Hey Julie, mag cr lang ako saglit and I'll check our order, mag catch up muna kayo ni Athena" paalam nito kay Julianne at tumingin ito sakin para ngumiti, nginitian ko naman din siya pabalik


"A-a-anong ginagawa mo dito?" sa wakas nahanap na rin niya ang boses niya


"Didn't you hear what I've said earlier andito ako para kumain din" malamig kong sagot sa kanya


"Athena I'm sorry, kung ano man ang nakita mo hi---------" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya


"Sana sinabi mo sakin, Juls hindi yung pinagmukha mo akong tanga kaka-intindi sayo na busy ka, ay teka busy ka nga talaga, hindi nga lang sa school works mo kundi sa ibang tao, what should I expect? Dapat umpisa pa lang hindi na ako umasa, naiintindihan ko naman yung punto mo na ayaw mong mag out sa public dahil natatakot ka sa sasabihin ng iba, pero Julianne hindi ko alam na aabot sa ganito" hindi ko mapigilan ang galit na nararamdaman ko kaya naman lumabas na ako at nagpunta sa parking lot para kunin ang kotse ko


"Athena, athena please talk to me" habol nito sakin


"Ano pa bang kailangan nating pag usapan?" huminto ako sa paglalakad at hinarap siya


"Athena I'm sorry, naguluhan ako sa nararamdaman ko, please patawarin mo ako sa nagawa ko" pagmamakaawa nito habang umiiyak sa harap ko, nasasaktan ako na nakikita ko siyang ganito pero mas masakit yung ginawa niya sakin


"I've given you all the love that I have, but you gave me pain to carry, and before I set you free, I just wanna say I LOVE YOU, happy monthsarry" sabay sakay sa kotse ko at pinaharurot yun ng ng mabilis


End of Flashback


Ngayon andito ako sa lugar na nadiskubre ko sa may Rizal, mula dito sa parang bundok na 'to kita mo ang lahat, buildings, cars, city lights, at marami pang iba, pero imbis na tignan ko ang magandang tanawin ay nakakatitig lang ako sa kawalan hanggang sa mapansin kong unti-unting nababasa ang aking mga pisngi, hindi ko napansin na lumuluha na pala ako, akala ko hindi na ako makakaramdam ng sakit pero bat ganon parang tinutusok ng kutsilyo yung puso ko sa tuwing maaalala ko ang ngiti at pagtugon ni Julianne sa halik ni James


Bago pa tuluyang lumalim ang gabi ay nagmaneho na akong muli para bumalik sa Manila, hindi muna ako didiretso sa condo dahil alam kong nakaabang si Julianne doon, sa bahay muna ako nila lolo at lola, bukas ko na lang kokomprontahin ang mga pinsan at kaibigan ko


























----------------------------------------------

Dama ko yung sakit habang sinusulat ko ang chapter na ito HUHUHU












~Love Only💙~

Make You Mine (GxG) (VerCy)Where stories live. Discover now