Chapter 3

11.7K 334 35
                                        




Julianne's POV



Tahimik akong nakamasid sa school grounds para abangan ang target ko, yes maaga akong pumasok ngayon dahil kong pinagplanuhan ang pagpapahirap ko sa kanya tsaka balita ko rin kasi na maaga siyang pumapasok kaya naman mas maganda na maaga ng masimulan diba *evil smile*



Ilang minuto pa ay nasipat na ng mga mata ko ang aking target mula sa cctv room dito sa opisina ko, dali-dali akong lumabas at pumasok ng classroom namin



Nang makapasok na rin ito ay bakas mo ang takot sa kanyang mukha



"Do you really think I could just easily forget about what happen yesterday?" mataray kong tanong rito



"Mi-m-miss Alejandro, hindi ko naman po talaga sinasadya eh" pagmamakaawa nito sakin



"Sorry hindi ako maawaing tao eh" malamig kong pagkakasambit sa kanya "come to my office sa lunch time, and may I remind you Athena, ayoko ng pinag iintay ako" dagdag ko pa




Halata namang natakot ito sakin at tumango na lamang ito saka umupo sa kanyang upuan




"Good morning bessy!!!!" sigaw naman ng isang babae na kakapasok pa lang at agad na lumapit kay Athena at humalik sa pisngi nito




Aba sino ba tong babaeng ito ang sarap hampasin ng dos por dos sa sobrang ingay at sobrang dikit kay Athena




Teka ano raw??? Ano namang pake ko kung sobrang dikit niya kay Athena???? Haaayysss kulang lang siguro ako sa tulog, yeah right kulang lang ako sa tulog




"Ano ba Anne ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag kang sisigaw nakakahiya kaya" saway ni Athena sa babaeng higad na ito este sa best friend niya pala





"So how's your sleep?" aba sipain ko kaya to dito pa talaga naglandian sa harap ko





"Not here Anne" warning naman nito sabay tingin sa pwesto ko kaya napatingin din itong Anne na ito sakin at tinaasan ko lang sila ng kilay kaya kaya naman bumalik na sila sa kanilang mga ginagawa




"Bes you can't ditch me this time ok? You have to tell me how are you and your sleep pattern" nakakarindi na tong Anne na to ah




"Yes of course" alanganing ngiti naman ni stupid idiot kay anne




Yes ibabalik ko na ang nickname niya, naiinis kasi ako halata namang nilalandi siya nitong anne na to pero parang wala lang sa kanya.... Teka bat ba ako affected? Eh ano naman kung maglandian sila sa harap ko, wala akong pake ang importante ngayon sakin makaganti sa kanya




Isa-isa ng nagsipasukan ang aming mga kaklase klase dahil 15 mins nalang mag start na ang klase, matapos ng makapasok lahat ng aming mga kaklase ay pumasok na ang Prof. namin sa Math, my most hated subject 2 hrs pa naman to hays




After the 2 hrs boring class of Mr. Policarpio ay nagbigay pa ito ng assignment samin haaayysss ayoko na talaga, agad na nag ring ang bell signaling that it's already break time agad kong niligpit ang gamit ko saka dumaan sa tabi ni stupid idiot




"In my office now!" pagpapaalala ko naman rito na may kasamang banta syempre




"Uuuumm hey Anne mamaya na lang ulit I need to do something eh" paalam nito sa kanyang kaibigan




"Ok? Basta mag iingat ka ah" wtf? mukha ba akong mamamatay tao?




Walang pakundangan na hinatak ko si Athena palabas ng classroom at papunta ng office ko, nakita ko naman ang ibang estudyante na nagbubulungan pa habang nakatingin samin




"Good luck kay nerd"


"Hala patay na, kawawa naman tong nerd na ito siya pa talaga ang napagdiskitahan ng ice queen"





"Sinabi mo pa ipagpe-pray ko siya girl"





Ilan lang ang mga yan sa narinig ko pero di ko ito pinansin at tuloy-tuloy lang na naglakad hanggang sa makarating kami sa pintuan ng office ko

Make You Mine (GxG) (VerCy)Where stories live. Discover now