𝙺𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝𝚊 𝙸𝙸

100 44 37
                                    

GROUPCHAT


"Rrrrriiiiiiinggggggggg!"

The bell finally rang for the dismissal of the last subject in the afternoon.

Naglabasan na ang lahat ng kaklase namin and Lea together with Mia came to me at idinapo yung mala-higanteng kalyo-kalyo nilang kamay sa likod ko.

"Uy Dave, tara sa labas, wala munang uuwi a, tambay muna sa koridor, patapusin muna natin mga cleaners saka tayo umuwi." Lea said habang hinihimas ko naman yung likod ko. Tumango nalang ako at lumabas na silang dalawa.

Pumunta ako kina Rocky at Vincent sa likod after na matapos kong itago yung mga gamit ko sa bag.

"Uy wala pa raw uuwi. Tambay muna raw tayo." Sabi ko sa kanila sabay upo sa desk na nasa may harap nila.

"Oo ba, hihintayin ko pa naman si Feliz dito, nagpunta kasi sa club meeting nila." Sabi ni Rocky habang nagtetext, maybe kay Feliz, kanino pa ba?

"Grabe kalalaki mong tao, ikaw yung hihintay sa syota mo, bakit di mo siya puntahan dun, samahan mo." Tukso ni Vincent. Tumawa na lamang kaming dalawa ni Vincent at dumiretso na sa labas kung nasaan ang barkada- sa koridor.

Kakarating pa lamang namin, nagsalita na agad itong si Lea.

Kahit saan talaga tong bungangerang to. Nagsalita siya nang sumandal na kami sa may terrace ng koridor.

"Uy Dave, diba siya yung tinititigan mo sa Cafeteria noong nakaraan? Diba?" Bungad niya habang tinuturo yung nguso niya dun sa babae sa kabila.

Tumingin naman ako roon at nakita ko yung babaeng tinitignan ko sa Cafeteria dati.

"Oo, pamilyar nga siya. Tsaka nakita ko pa pala siya noon dati sa enrollment. Naalala ko na." Sumbat ko sa kaniya.

"Eh galing pala sa kabilang section yan." Sagot niya.

"Oh ganun ba, kita ko nga kasi nandiyan siya diba. Okay na?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya at bigla akong napabalikwas nang batukan naman ako ni Mia.

"Ano ba Mia, problema niyo ba sa akin?" Sabi ko na may mapait na pagmumukha, napupuno na ako sa mga babeng ito. Kung hindi lang talaga nila ako kaibigan, matagal ko nang pinatulan ang mga ito.

"La grabe. Akala ko ba gusto mo siya ha?" Sabi ni Mia.

"Wala naman akong sinabing gusto ko siya." Defensive kong sagot.

"Asus Dave, todo deny ka pa diyan, aminin mo na, eh kulang na nga lang ipako na yung mata mo sa kaniya sa cafeteria." Asar naman ni Rocky. At nagtawanan silang lahat.

"Tumigil nga kayo, hindi ko siya gusto okay?" Inis na sabi ko sa kanilang lahat.

"Ayiee. Pumapalakpak na yung puso mo deep inside." Sabi ni Lea at naghiyawan silang apat.

Dumating na yung girlfriend ni Rocky sakto namang tapos na ng mga cleaners sa paglilinis nila sa room kaya we got down na to fetch Vincent's girlfriend sa classroom nila at saka kami lumakad palabas ng schoolgate.

We waved to each other before we take the path through our own homeplaces.

Naglalakad akong mag-isa pauwi nang muntikan na akong mabundol ng isang batang naka-bisikleta.

Buti na lang at nakaiwas yung bata, at doon ko napagtanto na wala ako sa sarili ko that time.

Iniisip ko yung mga sinabi ng mga barkada ko. Paano kaya kung pormahan ko yung babaeng yun para matahimik na sila sa kakaasar sa akin? Lalo't parang ang gaan ng loob ko sa kaniya, napakaamo ng mukha niya.

Lyra Made It Real [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon