𝙺𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝𝚊 𝚇𝙸𝙸

47 30 3
                                    

Hindi pa rin ako mapakaali sa mga inikilos ni Lyra. Naalala ko ang lahat n nangyari at naisipan ko siyang itext nang medyo magdilim.

"Lyra okay na ulo mo?" SENT

"Oo okay naman na." RECEIVED

"Ah ganun ba. Masiyado akong nag-alala para sa iyo kanina Lyra. Baka may problema ka na naman." SENT

"Ah haha salamat." RECEIVED

"Oo. May sasabihin sana ako sa iyo Lyra. Uhm kung puwede sana mag-usap tayo bukas. Yung tayong dalawa lang." SENT

"Ah. Puwede naman. Tawagin mo na lang ako." RECEIVED

"Sige magpahinga ka na muna, mag-iigib lang ako ng tubig." SENT

Nagpaalam na ako sa kaniya dahil kailangan ko nang mag-igib ng tubig para sa gagawin kong paghuhugas ng mga pinagkainan.

Okay naman yung tono ng pagkakasabi niya ng mga messages niya. Balak ko siya kausapin bukas para maamin ko na sa kaniya yung nararamdaman ko. Ayoko nang hanggang dito lang. Ayoko nang mahuli pa ako. Ayoko nang may makauna pa sa akin. Ayokong hanggang sulyap na lang ako sa kaniya. Ayokong hanggang kaibigan na lang kami. At lalong ayokong mapasakamay siya ng ibang lalaki.

Gabi na nang tawagin ako ni mama para kumain. Naghain na kami para makakain na.

Habang kumukuha ako ng pagkain ko, nagtanong si mama sa akin kung may pupuntahan ba ako sa Sabado. Huwebes kasi ngayon at isang araw na lang bago magsabado.

Sinabi ko kay mama na wala naman akong gagawin that day so, sinabi niya na pupunta raw kami sa Baro Resort sa may malapit lang sa amin. Kaarawan kasi ni Jude. Mag 3 years old na siya. Binata na yung kapatid ko haha. May kasama na akong manliligaw pagdating ng araw haha.

Lumipas ang mahabang oras ng gabi at dumating ang maaliwalas na liwanag ng biyernes ng umaga. Nagbihis ako ng sibilyan at kumain na. Ginayak ko ang aking sarili para sa huling araw ng pasukan sa linggong ito.

Nagsimula na akong maglakad hanggang sa marating ko ang crossing malapit sa kalsada na harap ng school. Nakasalubong ko si Claire, yung kaklase naming galing sa ibang building. Ayun, nakasalubong ko siya kaya sabay na kaming naglakad pa ng ilang hakbang bago namin masapit ang schoolgate.

Masaya kaming nagkukuwentuhan nang papaakyat na kami sa building. Nang makarating kami sa mismong harap ng koridor, nakita ko sa gilid ng kaliwang mata ko si Lyra na nasa terrace nila. Lumingon ako sa kaniya at kumaway. Nagrespond na lang siya ng isang ngiti.

Kahit pa handa na akong umamin sa kaniya, gusto ko pang icherish yung mga moment na magkasama kami, yung walang awkward moments, yung puro tawanan lang, puro sigawan, kuwentuhan, yung wala bang ilangan, puro asaran lang ng barkada.

Nakarating na ako sa upuan ko nang magpaalam ako kina Vincent at Rocky. Nagpaalam akong may imimeet lang ako sa baba kaya dali-dali akong lumabas at tinawag si Lyra habang hindi pa nagriring ang bell ng school.

Habang pababa kami ni Lyra, malalakas na mga kabog ang nararamdaman kong ipinapump ng puso ko. Bawat hakbang ng paa ko ay siya namang pagkabog ng puso ko sa kaba at sa saya. Kaba dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan, at saya dahil sa masaya akong maaamin ko na kay Lyra na gusto ko siya.

Lumipas ang ilang segundong pagbaba sa building, pumunta kami sa bleachers. Habang nag-uusap kami ni Lyra na kinakamusta ko siya, may naaninag ako sa may likod ko na parang pamilyar na boses. At nang lingunin ko sila, tumambad sa akin ang apat naming kaibigan. Sina Vincent, Rocky, Lea, at Mia.

"Naku bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila na may mataas na pitch ng boses.

"Eh wala lang, ang akala kasi namin makikipagkita ka kay Lyra, eh heto. Hindi naman kami nagkamali haha."

"Naku naman." Sabi ko saka ako napaface palm.

"May sasabihin sana kasi sa akin si Dave, Lea. Eh bigla niya kayong nakita, ang tahimik ko na nga dito pero napakiramdaman parin niya kayo haha." Sabat naman ni Lyra na tumatawa rin.

"Hay naku. Heto. Lapit kayong lahat dito. May sasabihin ako." Sabi ko at lumapit sila nang kaunti sa akin.

"Ano yun ba kasi? Bakit kasi kay Lyra mo lang sinasabi ha. Ang unfair mo Dave. Oh. Baka naman aa..." Hindi na naituloy ni Mia yung sasabihin niya dahil tinakpan ko yung bunganga niya.

"Eto na sasabihin ko na. Birthday kasi ng kapatid ko bukas. Eh gusto ko kayo iinvite. Pupunta kami sa Baro Resort. Dun kami magcecelebrate ng birthday niya. Baka gusto niyo sumama. Sabihin niyo na para makapag-outing naman ang Rumbled 6. Ano? Punta kayo?" Sabi ko sa kanila. Bigla silang natahimik at nag-isip muna.

"Siyempre oo naman. Sus yun ba yung sasabihin mo kay Lyra? Bakit di mo nalang sinabi sana sa break mamaya naku. Ano Lyra sama ka? Please para naman makasama ka namin sa outing. Matagal na rin kami hindi nakakalabas." Tanong ni Lea kay Lyra.

"Ay yun ba. Sige. Tapos naman na yung exam. Sige punta tayo. Anong oras ba luwas Dave?" Tanong ni Lyra sa akin.

"Ah, text ko nalang sa inyo kasi wala pang sinabi si mama kung ano oras kami luluwas. Maghintay na lang kayo mamayang gabi, sasabihin ko." Sagot ko.

RRRRRIIIIIIINNNNNNMGGGGG........

Tumunog na yung bell at sabay-sabay na kaming bumalik sa room. Ang saya nilang magkakasama lalo yung mga babae ng grupo pati si Vincent. Nagkukuwentuhan na sila ng mga dapat nilang dalhin bukas. Ito namang si Rocky, tumabi sa akin at nagtanong.

"Ano ba dapat yung talagang sasabihin mo kay Lyra bro?" Tanong niya.

"Balak ko sana kasi umamin na sa kaniya. Hindi ko alam pre pero nafall na ako sa kaniya kasi. Dati naman hindi ko ito nararamdaman nung inaasar niyo siya sa akin." Sagot ko habang nakasuksok yung kamay ko sa bulsa ko.

"Ayan na nga ba haha. Bukas, masasabi mo na yun sa kaniya. May plano ako brad. Bukas, okay? Sinabi mo sana sa akin nang mas maaga para nakapaghanda ako tsk haha" Sabi niya at nakihigh five sa akin bago kami pumasok sa room.

That time, nagkaroon ako ng hope, na masasabi ko rin ito kay Lyra. Salamat at nandiyan si Rocky. Rocky seemed to be a stupid boy pero I was wrong dahil kahit papaano, sa kabila ng kabulastugan niya, naiintindihan niya ako.

And sad to say, imbes na nakaamin na ako kay Lyra, yung birthday celebration ang nabanggit ko sa kanilang lahat.


...

Lyra Made It Real [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon