𝙺𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝𝚊 𝚅𝙸𝙸

63 34 7
                                    

The bell rang again. Good news. Lunch na. We immediately went outside para hintayin na lumabas si Lyra. Yung mas excited pa sila kaysa sa akin na may balak sa gagawin kong ito.

"Tagal naman nun, gutom na ako promise Dave." Leah insisted while hinihimas yung tiyan niya.

"Puwede ba maghintay ka lang baka may ginagawa pa yun grabe." Sagot ko sa kaniya habang may ginagawa ako sa phone ko.

Naghintay lang kami hanggang sa makalabas na si Lyra sa classroom nila. Dala niya yung bag niya at yung mga libro niyang isang dosena haha joke lang. Tumungo siya sa amin, ngumiti nang malaki at nagsalita.

"Sorry ah, nahuli ako nang labas. May inasikaso pa kasi kami sa grupo namin eh." Sabi niya habang hinahawi-hawi pa yung buhok niyang haggard na.

"Hindi okay lang, tara na kasi gutom na itong si Lea eh haha." Sabi ko sabay tawa.

"La anong gutom diyan. Wala akong sinasabi a." Sagot naman ni Lea.

"Grabe ka sister. Kakasabi mo lang kanina eh." Sumbat naman ni Mia. Sumang-ayon naman sina Rocky at Vincent.

"Tara na nga, kung anu-ano na sinasabi niyo diyan." Inis na sabi ni Lea habang iniirapan yun tatlo.

Nasapit na namin ang karinderya sa may harap ng school. Humanap kami ng isang mesa na may anim na upuan. Umorder kami ng tig-15 pesos na rice namin at rig-20 pesos na chapsuey, sisig, adobo, batchoy, sinigang na baboy, menudo, at anim na sabaw. Pumuwesto na kami sa mesa. Mula sa kaliwa, ako na kaharap ni Lyra, si Rocky na kaharap si Vincent, at si Mia Na kaharap si Lea.

Nagsimula na kaming kumain. Si Lea ang unang lumapang ng pagkain niya haha. Enjoy kami sa pagkain habang nagkukuwentuhan. May 45 minutos pa kaming oras bago magsimula ang klase sa hapon. Nang matapos na kaming kumain, nagsalita muli si Lyra.

"Oh Dave, natapos na ang lunch kasama kayo pero hindi ko pa kilala itong mga barkada mo a haha." Sabi niya habang tumatawa at uminom ng tubig.

"Ah hahaha. Nga pala. Itong katabi ko, si Rocky. Mahangin siya pero minsan, may point din to haha." Sabi ko habang inaakbayan si Rocky.

"Iyan naman si Vincent, katabi mo. Yang dalawang babae naman si Lea, yung nagsasabing gutom na siya kanina. Tsaka yan naman si Mia. Tahimik pero baliw din yan minsan haha." Sabi ko habang palihim na tumatawa sa mga pinagsasasabi ko sa kaniya.

"Oh, nice meeting you all. Ako si Lyra, baka nakalimutan niyo na haha. Galing ako sa kabilang room. Transferee ako kaya baka this year niyo lamang ako nakikita." Sabi niya nang may baong ngiti pa rin sa mga labi niya.

"Oo kilala ka namin. Nasabi kasi ng kakilala ko sa klase ninyo na ikaw raw ang pinakamatalino sa klase niyo pero hindi namin alam na transferee ka pala." Sabi ni Lea na kulang nalang ay umupo sa mesa dahil iniangat pa niya yung katawan niya para makausap si Lyra.

"Hindi naman haha. Magaling lang siguro ako magreview haha." Sagot ni Lyra na parang nahihiya. Hindi siya yung tipo ng babae na nagmamagaling, yung self proclaim ba. Sumang-ayon na lamang sila.

"Matanong ko. Gusto kasi akong isali ni Dave sa grupo niyo. Rumble 5 diba? I want to join pero I am not sure haha baka kasi fraternity yan ah haha." Kuwelang sabi ni Lyra sa amin.

"Ah yun ba? Actually. Nabuo lang namin yung grupo namin dahil sa mga childhood friends kami dati pa. Lima lang kami pero kung gusto mo maging part ng grupo, magiging Rumbled 6 na ito. Pero gusto kong klaruhin na hindi ito fraternity hahaha." Sumbat ni Rocky na napapakamot sa ulo niya haha.

"Oh I see. Okay na ako. Gusto kong sumali. Parang okay naman kasi kayo kasama eh. Makuwela kayo haha. Gusto ko kasi masaya lang ako lagi." Sabi niya at nagpakita ng pilit na ngiti.

Natapos ang kuwentuhan at asaran at hindi namin namalayan ang oras. Muli kaming nagbalik sa kani-kaniya naming mga silid para sa klase namin ngayong hapon. Nagpaalam na kami kay Lyra bago pa man namin mapasok ang aming silid.

Nasabi ko sa sarili ko na parang mission accomplished ang naging plano ko ngayong araw. Nasali na si Lyra sa grupo namin at mukhang nakalimutan na nila ang asarin ako sa kaniya.

Ngunit sa hindi ko inaasahang pagkakataon, tinawag ako ng mga barkada sa likod, sa may upuan nina Rock at Vincent. Kaming tatlo lamang ang naroon. Wala pa kasi ang teacher namin kaya inaya akong makipagkuwentuhan muna. Nang makaupo na ako, nagsalita si Vincent. Punung-puno ng saya ang namutawi sa kaniyang mga mata habang sinasambit ang mga katagang...

"Oh ano na? Kailan mo siya balak pormahan bro? Grabe hindi ko maisip na ganun mo lang siya kasimpleng mapasama sa grupo haha." Sabi niya na may naglalakihang mga matang balot ng pagkamangha.

"Luh, kaya nga sinali ko siya para hindi niyo na ako asarin. Palagi kong sinasabi sa inyo na hindi ko siya type." Sabi ko at umupong nakadekuwatro.

"So yun ba yung dahilan kung bakit mo siya isinali? Para hindi ka namin asarin pa?" Sagot ni Rocky na ngumingisi-ngisi.

"Oo sana kaso parang hindi naman umubra sa inyo. Bakit niyo ba kasi ako inaasar dun? Eh pawang nakita ko lang naman siya sa cafeteria at natitigan dahil pamilyar siya." Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Kasi mukhang bagay kayo pre. At saka paano kung gusto ka pala niya. Ginusto nga niyang sumali sa grupo diba." Sagot ni Rocky na sinang-ayunan naman ni Vincent.

"Naku kahit pa mag..." Natigil na sagot ko nang pumasok na ang first period teacher namin.

Natapos ang discussion ng klase at nagkaroon ng quiz. Habang nagpapasa kami ng papers after the quiz, lumapit sa akin si Rocky pagkatapos niyang maipasa ang hawak niyang papel. Kinalabit niya ako on my shoulder at napaangat ang ulo ko habang nagsusulat.

"Ligawan mo na yun. Matalino na, mabait pa." Sabi niya sabay kindat sa akin.

"Sus ano sinasabi mo diyan. Pumunta ka na nga sa upuan mo." Nakaramdam ako ng pagkakilabot sa inasta niya. Napatingin pa ako sa kisame na napairap dahil sa mga narinig ko sa kaniya. Ang akala ko ay okay na ang lahat ngunit akala ko lang pala yaon.

At that time, I was not yet satisfied on the results of my plan. Now, I need to do another plan again. And I don't know what plan should I execute.

...

Lyra Made It Real [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon