𝙺𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝𝚊 𝚇𝙸𝚅

45 30 2
                                    

Napabalikwas ako sa huni ng radiyo ni lola. Ang radiyo niyang palaging naka-AM ang istasyon. Yung radiyo niyang laging ginagamit sa loob ng napakahabang panahon. Yung madaling araw palang nakabukas na. Yung radiyo niyang hindi nauubusan ng baterya, na kahit walang kuryente, lagi siyang handa haha.

Lumingon ako sa may orasan sa kuwarto at nakita kong malapit nang mag-6am. Dali-dali akong lumabas ng kuwarto hawak yung tuwalya ko para maligo, nagulat ako nang makita ko sina Lyra, Lea at Mia na nasa sala at buhat ni Mia si Jude. Bigla ko na lang naipaikot yung kawak kong tuwalya dahil sa naka boxer short at sando lang ako that time.

"Nandito na pala kayo, ang aga a." Sabi ko habang nakahawak nang mahigpit sa pinagmeetan ng tuwalya ko sa likod ko.

"Oo ang aga nila, ayaw daw nila mahuli haha." Sabi ni mama galing sa kusina.

"Ah ganun ba. Ah...eh... sige maliligo muna ako."

Sabi ko at papunta na sa banyo nang may magsalita.

"Naku bakit ka pa maliligo Dave, eh magtatampisaw ka rin naman sa pool mamaya." Sabi ni Lyra.

Nagulat ako sa sinabi niya. Napaisip pa ako dahil ayaw mag sink in na galing kay Lyra yung mga salitang yun. Naalala ko tuloy nung magkita kami sa church, napakakuwela talaga niya. Hindi ko namalayan na napapangiti nalang ako sa mga sinabi niya.

"Oh Dave, bakit ka napapangiti diyan uy." Tanong ni Mia habang nilalaro si Jude.

"Ayie, nag-iimagine na naman iyan, kasi nandiyan si Lyra sus haha." Patawang sabi ni Lea.

Bigla kong nilisan ang sala namin at dumiretso sa kuwarto ko.

"Dave sa ka pupunta? Akala ko ba maliligo ka?" Dinig ko sa kuwarto ko mula sa sala galing kay Lyra.

"Hindi na ako maliligo." Kako at nakarinig na ako ng tawanan doon.

Dali-dali akong nagbihis, dinaig ko ang mga babae sa pagbibihis. Naging mapanuri ako sa mga isinuot ko. Ayokong pagtawanan lang ako ni Lyra, gusto ko presentable ako sa harap niya, gusto ko ako lang yung guwapo sa paningin niya.

Hindi ko na pinalitan yung sando ko at kumuha ako sa cabinet ko ng isang green at floral na polo. Kinuha ko rin yung bagong laba kong brown short na may bulsa sa baba ng magkabilang sides.

Pagkatapos kong magbihis, dumiretso ako sa salamin at I think, nagtagal ako doon ng mga kinse minutos bago ko nalisan ang kuwarto ko. Sinigurado kong maayos ang postura ko, inayos ko yung buhok ko na naging parang dinilaan ng kabayo haha.

Nang maayos ko na yung katawan ko, kinuha ko na agad yung isang bag ko na nandoon na lahat yung gamit ko, naroon na rin yung sunglasses ko.

Paglabas ko sa kuwarto ko, mga 6:20 na. Dumating na rin sina Rocky at Vincent at nakaluto na rin si mama. Dumiretso na kaming lahat sa kusina bago ko mailapag yung bag ko sa couch sa sala.

Mas pinili kong umupo sa gilid para hindi ako mahalata ni Lyra habang tinitignan ko siya. Walang ibang direksiyon yung mata ko kundi sa maganda niyang mukha lamang. Bawat subo niya ng pagkain niya, siya ring subo ko ng pagkain ko. Parang sa bawat subo niya, nagsasagupaan yung mga buhok niya para lamang hindi nila maistorbo yung kahinahunan ng mga kamay niyang hawak yung pagkain papunta sa bunganga niya.

Pero napabalik yung tingin ko nang bigyan ako ng mapait na tingin ng lolo ko. Pero gamit yung peripheral vision ko, nakita ko yung ngiting kasunod ng pagtingin niya.

Nagpatuloy kami sa pagkain at naghanda na ng mba gamit namin nang eksaktong mag 6:40 na. Medyo nahuli kami sa eksaktong luwas dahil kay Jude. Iiyak-iyak kasi siya dahil sa mga gusto niya. Siyempre bata kasi.

Naghintay kaming magbabarkada sa labas ng bahay, sa may ilalim ng manggang may papag. Nagkuwentuhan pa kami roon habang hinihintay na lumabas ang parents at grands ko.

Naalala ko yung pinapadala ko kay Lyra na headphone niya, yung sinabi kong hihiramin ko kaya tinanong ko siya.

"Lyra, nandiyan yung pinapadala kong headphone sa iyo?" Tanong ko sa kaniya habang sinusulyapan ko siya sa may gilid ng papag.

"Ah oo, wait kukunin ko lang sa bag." Sabi niya at pumunta sa van kung nasaan yung mga bag namin.

Van yun ng lolo ko. Nakapundar naman sila ng sasakyan nila bago pa man sila lumipat dati.

Dumating na si Lyra dala-dala yung headphone niyang malaki. Kulay violet yun na may halong black. Yung headphone na malaki yung sa gilid tapos yung may mahabang curve sa taas na parang nagcoconnect sa kanila.

Isinuot ko yun para maitry ko. Malambot yung foam niya sa taenga. Hindi siya masakit na parang naiipit yung taenga na kagaya nung sa iba, kasi lagi ako nanghihiram ng sa iba. Ngayon ko lang hihiramin yung kay Lyra para may dahilan para kausapin ko siya pagpunta namin sa resort.

Nang saktong magpatugtog ako ng music, dumating na sina lolo't lola, sumunod naman sina mama na hawak yung kamay ni Jude habang naglalakad at nahuli si papa dahil nilock pa niya yung gate namin.

Nang tumayo na si Lyra, dun lang ako tumayo, pinagmasdan ko siya habang naglalakad papasok sa may van, kaya umupo siya sa ikalawang hanay ng upuan sa likod ng driver at sakto namang tumabi ako sa kaniya. Sa saliw ng musikang pinapakinggan ko na "Dying Inside," iniimagine kong hawak ko yung kamay niya kasi I was dying inside to hold her na talaga.

Ipinikit ko yung mga mata sa gitna ng biyahe namin. Aabutin daw kami ng isang oras kahit malapit kasi traffic, kapag sabado kasi, maraming lumalabas tsaka yung mga nagpapapasok sa saturday classes tsaka papasok sa trabaho nila.

Habang nakapikit ako, I was just repeating the song that I was playing a while ago. It reminds me of her.

Hindi ko maaninag yung mukha ni Lyra dahil sa nagkabuhul-buhol yung buhok niya na nakatakip sa mukha niya. Mukhang tulog na siya sa biyahe. Nagulat na lang ako nang may marinig akong isang kakaibang tunog, hindi ko alam if kumakalam yung sikmura ko, o kung baka may sakay kaming tigre or baka humihilik si Lyra.

Nagkagulo yung mga brain cells ko habang napapakinggan ko yung mga huni na yun, parang may tigre kaming kasama sa lakas ng hilik. Hindi ko na napigilan yung sarili ko dahil sa lumalakas nang lumalakas yung hilik na iyon at napasigaw ako na nakahawak sa taenga ko.

"Huy anong problema Dave." Tanong ng mama ko na katabi ko sa kanan ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang nakikinig ako ng music.

"Nanaginip ako ma. May humihilik daw dito sa sasakyan, palakas nang palakas." Sagot ko at napansin kong natawa si Lyra.

"Anong nakakatawa Lyra?" Tanong ko sa kaniya without emotion.

"Ayun oh, si Vincent kasi yung humihilik haha." Sabi niya habang pinipigil yung tawa niya.

Akala ko si Lyra yung humihilik, hindi pala siya tulog. Si Vincent pala yun na napakasarap na yung tulog niya.

"Hindi nga ako makatulog eh, kaya todo urong ako dito para manood nalang ng sceneries." Sabi ni Lyra habang naka crossed-arms na tumitingin sa labas ng sasakyan.

"Laro na lang tayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Talaga? Grabe mahilig ka rin pala makipaglaro haha. Sa akin pa talaga? Sige pagbibigyan kita haha." Makuwelang sagot niya.

"Oo para naman hindi ka maboring sa kakahintay haha." Sabi ko habang ibinababa yung headphone mula sa ulo ko.

"Sige ba, ano bang laro yan?"

That was a great moment. Katabi ko na si Lura, makakalaro ko pa siya. Nasa gitna pa rin kami ng biyahe that time sa napakahabang traffic.



...

Lyra Made It Real [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon