𝙺𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝𝚊 𝚇

57 34 9
                                    

Lumipas ang ilang araw at gabing hindi ako mapakali. Napakarami akong nararamdamang kakaiba. Hindi ko alam kung bunga ba ito ng masidhing kasiyahan na nadarama ko sa tuwing magkakasama kami ng barkada o kung dahil ba sa mga ikinukuwento ni Lyra araw-araw na siyang nagpapalalim ng nararamdaman ko sa kaniya.

Hindi ko mawari ang wastong dahilan ng aking mga nararamdaman sa nagdaang panahon kasama namin ang bago naming kaibigan, si Lea. Para bang ayoko nang matulog sa mga gabi. Parang ayoko nang mapawi ang mga nararamdaman ko sa pagkakataong ito. Parang napakaraming nagsasayawang mga bituin sa gabi kong napakadilim. Parang napakaraming nag-aaway na mga insekto sa tiyan ko.

Hindi ko naramdaman ang lahat ng ito dati hanggang sa makilala ko siya nang mas mainam. Hangang-hanga ako sa kaniya. Sa taglay niyang kasimplehan, sa kaniyang maagap na pag-aasikaso sa kaniyang pag-aaral, sa kaniyang kababaang-loob kahit pa kilala siya sa school, sa kaniyang kabaitan at sa pagpili sa amin sa kabila ng mga pagkakataong mag-isa siya.

Nabighani ako sa mga taglay niyang katangian. Nasilaw ako sa mga bagay na taglay niya na kailanma-y hindi ko nakita mula sa iba.

"Huy Dave anak. Naku kanina pa kita tinatawag sa kusina. Ano bang tinitignan mo diyan sa kisame at nakangiti ka pa?"

Nagulat ako nang sigawan ako ng mama ko sa may kuwarto ko. Kanina pa pala niya ako tinatawag sa kusina. Yung kapilyuhan ko kasi nasobrahan ko na haha.

Dumako na kami sa kusina at kakain na. Gabi na kasi. Dumating na rin si papa galing sa isang assembly ng barangay na inabot na ng gabi. Isa kasi siyang lupon. Habang kumakain kami, biglang magtanong si mama sa akin.

"Dave, anak parang may hindi ka sinasabi sa akin ng tatay mo." Nakangiting tanong ng mama ko.

"Ma? Tungkol saan naman po?" Tanong ko habang nakatutok sa pagkain ko.

"Nakita kita kanina sa kuwarto mong nakangiti nang may iniisip. May girlfriend ka na ba anak?" Tanong niya at bigla akong nabilaukan. Dali-dali akong uminom ng tubig.

"Oh anak dahan-dahan naman sa pagkain." Sabat ng tatay ko habang umiinom ako ng tubig.

Naging mainit ang katawan ko sa mga itinanong ng mama ko hanggang sa sinabi yun totoo.

"Ganito po kasi yun ma, pa. Hindi ko po alam pero parang nagustuhan ko na rin yung si Lyra. Yung inaasar ng barkada ko po sa akin. Magmula nung naging parte na siya ng grupo namin, unti-unti akong nahulog na yata sa kaniya." Hiya kong sagot kay mama ta papa. Medyo napatawa pa ako dahil parang ang awkward.

"Naku naman, binata na talaga tong panganay natin." Sagot ng papa ko.

"Eh ano namang balak mo anak?" Tanong ng mama ko.

"Hindi ko pa nga po alam eh. Naghahanap pa po ako ng magandang idea kung paano ko sasabihin sa kaniya." Sagot ko.

"Pero anak, kapag nagkagirlfriend ka na, huwag kang magbabago a. Sana umasikaso ka pa rin dito sa bahay. Tsaka pagbutihin mo yang pag-aaral mo. Kung sa tingin mo ay makakaabala yang girlfriend mo sa pag-aaral mo, mas mabuting hiwalayan mo na yan. Okay?" Monologue ng mama ko haha.

"Naku ma. Malabo sigurong maging abala siya sa pag-aaral ko. Kasi sabay na kaming mag-aaral na dalawa. Tsaka iba talaga siya sa lahat ng mga kilala kong babae." Sagot ko kay mama.

"Oh sige bahala ka na diyan anak ha. Hindi kami nagkulang ng papa mo ng pagsasabi sayo. Oh dalian niyo. Ubusin niyo na yang mga pagkain at matulog na." Sabi ng mama ko at nagpatuloy kami sa pagkain namin.

Lumipas ang ilang minutong kainan, dumiretso na ako sa silid ko at nagpahinga. Inilagay ko yung braso ko sa likod ng ulo ko para siyang maging parang unan ko. Nag-isip uli ako. Nag-isip uli ako kung paano ko sasabihin kay Lyra yung nararamdaman ko.

Hinihintay ko si Lyra sa isang coffee shop para sa isang evening date, nang magring yung bell sa pintuan. Bumungad sa akin ang nakadress ng red at nakalugay na Lyra. Kahit saang lugar, kahit anong isuot niya, kahit anong ayos ng buhok niya, napakaganda niya. Animo'y parang nasa isang paraiso kami na pinagmamasdan ko siya habang inirarampa ang kaniyang maladiyosang kaanyuan. Parang napakabagal ng pagtakbo ng oras sa bawat hawi ng hangin sa kaniyang buhok. Napakabagal ng pagkurap ng mga mata ko na para bang inaantok ako habang pinapanood ang runway niya.

Nang makaupo na siya, nagsalita ako.

"Lyra, napakaganda mo ngayong gabi." Sabi ko na may kasamang ngiti.

"Oh salamat. Hiniram ko lang ito sa mama ko haha." Sagot niya. Hindi ko na ininda ang pagtawa niya at muli akong sumagot sa ikalawang pagkakataon.

"Kahit saan pa galing yang damit mo, nagmumukha siyang mamahalin at maganda tuwing suot mo."

Nag-iwan siya ng mga matatamis na ngiti bago ko tinawag ang waiter.

"Ah dalawang cappuccino nga tsaka dalawang slice ng cheesecake, salamat." Sabi ko sa waiter.

Habang hinihintay namin yung inorder namin, hindi ko mapigilang magcomplement dahil sa taglay niyang kagandahan ngayon hanggang sa nakahanap ako ng tiyempo at sabihin ang nararamdaman ko sa kaniya.

"Ah Lyra, may sasabihin sana ako sa iyo. Alam mo, dati, inaasar ka lan ng mga kaibigan ko sa akin. Tinutukso nila ako na gusto raw kita pero ang totoo ay hindi talaga kaya hiningi kong maging parte ka ng grupo namin. magmula nong nakasama na kita, nakilala kita nang mas mabuti pa, hindi ko alam pero napakasaya ko palagi. Hindi ko alam pero parang ayaw ko nang lisanin yung mga lugar na pinupuntahan natin noon na hindi ka kasama. Hanggang sa naramdaman kong gusto na kita Lyra, hindi ka lang naging parte ng grupo namin kundi naging parte ka na rin ng buhay ko sa panahong magkasama tayo kaya Lyra, will you be my girlfriend?" Uminit ang katawan ko habang sinasabi ang mga katagang yun at nagalak ako nang magsalita siya.

"Hindi na alam kung paano pa ako naging pare ng grupo niyo Dave, pero magmula nun, hindi ko rin alam pero gusto kita dati pa. Kaya it is a yes Dave." Sagot niya at sa hindi ko inaasahang pagkakataon, namutawi ang kasiyahan sa kaloob-looban ko at uminit ang paligid namin nang dumapo ang labi ko sa mga malarosas niyang labi ngunit nagulat ako nang may lasang kalawang akong malasahan.

Nagulat ako nang magising ako sa palo ng kapatid kong si Jude sa bibig ko.

"Ano ba Jude. Bakit ka nandito? Ang sakit." Sabi ko habang tinitignan ang dugo ng labi ko sa kamay ko. Bumangon ako at naparoon sa kusina.

"Ma, bakit hinayaan niyo si Jude na pumasok sa kuwarto ko? Ang sakit ng labi ko, pumutok na sa palo niya." I insisted at pinaupo ko si Jude sa stroller niya.

"Eh hindi naman nakalock yung pinto mo kaya pinapasok ko siya para gisingin ka. Hindi ka pa nakapag-alarm kagabi, anong oras na. Papasok ka pa sa eskuwelahan. Magbihis ka na dalian mo." Sabi ng mama ko.

Hindi na ako nakasagot dahil sa mga sinabi ni mama. Naalala ko na nakatulog pala ako habang nag-iisip kung paano ako aamin kay Lyra. At that moment, I really fell in love for Lyra and sa lahat ng pagkakataon, siya ang nasa isip ko.



...

Lyra Made It Real [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon