𝙺𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝𝚊 𝙸𝙸𝙸

86 43 47
                                    

MESSAGE


Ipinagpatuloy ko ang pag-open sa messenger ko, kinuha ko yung kape ko at uminom. Total wala namang pasok bukas kasi biyernes nga ngayon, dumako ako sa groupchat namin. Nakita ko yung mga messages ni Lea, nagbackread ako para naman di ako ma-OP sa usapan nila.

Conversation

Liyang
Uy @Bave. Alam ko na pangalan nung si Miss Cafeteria na yun ayieeeeee. Natanong ko dun sa kakilala ko sa section nila.😍

Mia(w)
Uy girl, ano pangalan niya? Dali I am so excited na haha😁😅.

Rockzxs
Tong si lea pinapahaba pa kasi, sabihin mo na lng kaya ano?😑

Liyang
Pwede ba rocky, tumigil ka jan. Kung anong bato yang pangalan mo, mas bato pa yang ugali mo huy.😡😡

Vin5centavos
So ano na nga pangalan niya ba kc?😅😅

Liyang
Uy dave? Nakaonline ka na ba jan?

Liyang
Uy grabe. Lyra pangalan niya. Lyra Sevilla. Naku lapit ng pangalan niya sa pangalan ko like OMG, magkalapit pa yung beauty namin😅😱😍👧

Vin5centavos
Grabe Lea a, ang kapal na ng mukha mo minsan.

Liyang
Tigil ka jan vincent a. Asan na ba yang si Dave.

Bave
Oh bakit ba?

Mia(w)
Ayun nga oh backread ka beshy😑

Bave
Oo nabasa ko na, bakit ba? Aanhin ko yang pangalan niya?

Liyang
Grabe tong dave na to, ikaw na nga tinutulungan. Ikaw pa tong may ayaw grabe.

Rockzxs
Kya nga eh. Stalk mo na boy, naku.

Bave
Di ko nga siya trip, bahala na nga kayo jan

I didn't send anything after that. I turned off already my data and drunk my coffee until its last drop. Tumungo ako sa kusina at hinugasan yung ginamit ko. Nagbrush na rin ako para fresh ang hininga kong humilik HAHA. Ayun bumalik uli ako sa kuwarto ko.

Naisip ko na itry isearch yung si Lyra sa facebook, para baka kung sakali ay masali ko siya sa grupo namin. Ayun sinearch ko siya.

I was still typing her name when some accounts popped below. Napakarami niyang kapangalan pero I could recognize her account because of her beautiful and attractive profile picture. I clicked her account and I saw her "About". Malapit lang pala siya dito sa amin, hindi naman pala kalayuan masyado.

I can't deny, she is very beautiful and I think witty rin siya. Sa nakita ko ba namang mga librong hawak niya sa Cafeteria dati. Alangan namang may books siya for nothing. She has slim body, halata ko yun dahil sa fitted na jeans niya noong pumasok sa cafeteria. Medyo maputi naman siya, or ewan ko, morena yata HAHA.

Bago ko pa madescribe lahat ng characteristics niya, pinindot ko na yung timeline niya. Tumingin tingin muna ako sa ibang sulok habang nagloloading. At ayun pagkatingin ko, nabuksan na.

Nakita ko yung mga posts niya, mga pictures na tinag ng mga kaklase at kaibigan niya. Mga status na nagpapahayag ng mga saloobin niya. At yung bio niya na puro emoticon lang yung nakalagay. Medyo active naman siya kasi mga isang araw or dalawang araw ang intervals ng mga posts niya.

Ngunit isang bagay ang nagpaexcite sa akin. Yun ay yung green na nakalagay sa tabi ng kaniyang pangalan, na nagpapahiwatig na online siya. Pagkakataon ko na yun para i-add siya. I clicked the "Add Friend" button sa baba ng name niya. Habang naghihintay ng response, nagscroll muna ako sa timeline niya, nakita ko yung mga post niya na puro inspirational at mga status na punong-puno ng emoji. Mahilig siya sa mga emoji HAHA.

May nagnotify sa akin. Akala ko message ng mga barkada ko pero nang tignan ko, message pala galing sa facebook, sinasabi na inaccept na ako ni Lyra. Grabe, ang bilis niya, active talaga.

Mas marami pa akong nakitang mga post niya nang maaccept na niya ako. I saw more status and photos of her. Pero bago ko pa mahalungkat lahat ng mga history niya sa timeline niya, pinindot ko yung "Message" button. At ayun. Nag-isip na ako ng puwedeng i-message.

I tried typing "Hi, you're Lyra pala. I am Dave." Pero I changed my mind. I cleared it. Nagtype uli ako.

I typed "Hi". Pinindot ko na yung send bago pa man siya mag-offline. Nagreply siya hanggang sa maisip kong ayain siya maglunch kasama ng mga barkada ko sa lunes. Tinanong ko rin siya kung gusto ba niyang sumali sa amin at maging ika-anim sa magiging Rumbled 6. Umayon naman siya at nagpaalam na, pumayag din siyang maglunch kami ng barkada para maaya namin siyang maging part namin. Kaya ayun, nagpaalam na ako, kasi baka nagrereview siya para sa school. Alam niyo na, study hard.

Hindi ko namalayan ang pagtakbo ng oras, 9pm na pala. Inayos ko na yung higaan kong nagulo, I also turned off the light and switched on the lampshade sa kuwarto ko.

Hindi naman kami mayaman lalo na at magsasaka ang tatay ko pero nagpapadala kasi ang isang tiyahin ko from New Zealand kaya kahit papaano, nasusuportahan ako nang maayos. Nagpapadala rin siya ng mga gamit, kaya yung lampshade na yun, galing sa New Zealand.

Bago ko pa man ipikit ang mga mata ko, I took a deep breath at saka ko ito dahan-dahang isinara. Sa likod ng dila ko, sumambitla ako ng mga salita na sadiyang, ako lamang ang nakakaalam at nakakarinig nang walang inilalabas na tinig.

"Ama, pinupuri kita. Salamat sa maghapong pagbabantay mo sa amin. Alam ko pong nagkulang ako sa araw na ito, kaya Ama, patawarin mo po ako. Sa akin po sanang pagpapahinga sa gabing ito, nawa po ay bantayan niyo po ako at ng pamilya ko. Sana muli niyo po kaming ibangon bukas ng umaga upang maisagawa po namin ulit ang mga dapat naming gawin. Maraming salamat. Sa pangalan ni Jesus, aming dakilang tagapagligtas. Amen."

Aking dalangin sa Amang nasa langit. Hindi ko na ibinukas ang mga mata ko at mahinahon kong kinumutan ang katawan ko at mahimbing na natulog.

At that moment, I was in peace and in happiness because nothing bad happened.

MESSAGE







IF YOU LIKED THIS CHAPTER, KINDLY VOTE, COMMENT YOUR INSIGHTS AND SHARE. THANKS

Lyra Made It Real [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon