𝙺𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝𝚊 𝙸𝚅

66 39 4
                                    

CONVERSATION...

Naalimpungatan ako sa tilaok ng mga tandang ni papa, ang mga tunong ng mantikang tumatalsik mula sa kusina, mga iyak ni Jude galing sa kabilang kuwarto at ng sikat ng araw na dumapo sa aking mukha mula sa akin bintana.

I moved my body and sat down on my bed. I scratch my eyes and a big yawn came out from my mouth. I stood up and rushed through the kitchen. Hindi ko pa man natatanaw ang kusina ay naamoy ko na ang sarap ng sariwang isdang piniprito ni mama. I opened the timba sa kusina, kinuha ko yung tabo na may tubig at naghilamos ako, nagmumog, at nagpunas. Nakuha ko na ang sigla ng sarili ko kaya lumabas ako. Nakita ko si papa na nagpuputol ng kahoy. Kumuha naman ako ng bigas at nagpakain ng mga manok sa bakuran namin.

"Lindo, Dave tara, kain na muna bago ninyo ituloy yang mga yan." Tawag ni mama sa labas ng kusina namin.

Itinigil na namin ni papa ang ginagawa namin at pumaroon na sa kusina. Kumain uli kami gaya ng lagi naming ginagawa. Mananalangin, kakain at saka magtatrabaho kung meron man.

Pagkatapos naming kumain, naghintay muna kami ni papa ng ilang minutong pamamahinga para bumaba yung mga kinain namin tsaka kami nagtungo sa bukid. Maaga kaming nagtungo sa bukid para anihin yung mga tanim ng tatay kong mga mais. Isang ektarya lang naman kasi yaon kaya okay na kahit kami lang dalawa ang umasikaso.

Nagbihis na kami ng kamisetang may mahabang manggas, pantalon na pangbukid at sumbrero para hindi kami tablan ng kati ng mais. Nagdala rin kami ng karit pantumba ng mga mais at pambalat na rin.

When we arrived at the farm, we immediately started harvesting the corn's bearings. It took some hours to finish getting the corns. Pagkatapos magtumba ng mga mais at makuha ang mga bunga nila, agad kaming nagtungo sa may maliit na kubo namin sa bukid at nagsimulang magbalat ng mga mais. Sakto namang dumating si mama kasama si Jude na nakalagay sa isang carrier, yung nilalagay ba sa harap n nanay, ayun. Naglaro lang si Jude doon, habang kami, nagbabalat ng mais. Naging trabaho namin yun ng ilang oras ulit hanggang sa di namin mamalayan ang pagtakbo ng oras.

"Heto na pananghalian. Halina muna kayo at kumain." Tawag ni mama pagkagaling sa bahay na nagluto ng pananghalian namin

"Sige ma tapusin ko lang itong isa." Sagot ko

"Mauna na muna kayo diyan at may kukunin lang ako sa may maisan." Sabi naman ni papa.

We gathered ourselves together sa may kubo and started eating afer a prayer, as usual naman then after eating, we continued our job until matapos na nang tuluyan.

Mga 3pm na kami nang matapos, inayos na namin lahat ang mga pinagbalatan ng mais sa iisang lugar para sunugin mamayang gabi, kasi mas tahimik ang hangin daw sa gabi, at ayun umuwi na kami.

Ganyan ang takbo ng buhay ko. Kapag weekdays, nasa school ako at kapag weekends, trabaho ako kasama ng papa ko sa bukid. Kaya, hindi na kayo magtataka kapag nahawakan ninyo yung palad kong puro kalyo na haha.

Natapos na kaming magbihis at maligo lahat at nagpahinga na. Pero diba, millenials? So, messenger muna bago matulog. Ayun nga, binuksan ko yung messenger sa phone ko. And as usual, punung-puno na naman ng messages nila yung groupchat namin. And as usual, para bang ako lang yung big deal, asar sa akin, asar sa akin and asar sa akin. Diba parallel haha.

Pero imbes na magpunta ako sa convo ng barkada, nagpunta ako sa convo namin ni Lyra. Mag 7pm na kaya siguro online pa siya. Muli akong nagmessage sa kaniya habang online pa. Baka mahirap ko na siyang matiyempuhan kapag once na nagreview na siya, siyempre study hard eh haha. Nagtype ako..."Hi magandang gabi" at salamat nagreply siya.

Dave
"Hi magandang gabi"

Lyra
"Hello magandang gabi rin😊😊 nga pala, hindi ko alam kung san section mo 😅😅"

Dave
Ah sa 11 Leviticus ako. Katabi lang ng room niyo

Lyra
Ah okay. Kita ko yung profile mo. Parang nakita na kita dati.

Dave
Ah oo, nagkita tayo dati sa enrollment, diba transferee ka yata? Bago yung mukha mo e

Lyra
Haha oo. Lumipat na kasi kami.

Dave
Ah paalala ko lng sana yung lunch sa monday a haha

Lyra
Ah 😅😅😅, oo maghihintay na lang ako, saan ba kayo kumakain kapag tanghali?

Dave
Uhm, actually we do not eat meal kapag lunch pwera na lang kung may mag-aya sa karinderya haha

Lyra
Ah ganun ba. Kumain na lang kaya tayo lahat sa karinderya dun sa may harap ng school. Bawal yung hindi kumakain sa tanghali 😅😅

Dave
Yung mga barkada ko kasi ganun eh haha

Lyra
Ah ganun ba, edi sabihin mo na lang na sa karinderya tayo sa monday, kahit minsan lang

Dave
Oo nga ano, wait lang. Sige tanong ko na lang bukas a.

Lyra
Sige sige😊

Dave
👍👍👍👍👍👍

Naglike na lamang ako kasi inaantok na ako. Mag 8:30 na ng gabi. Napagod ako sa maghapong trabaho namin ni papa kaya maaga akong matutulog ngayon. Bukas ko na lang imemessage ang barkada sa request ni Lyra. Dating gawi bago matulog at ayun, I bid myself a goodnight.

That time, I was very tired after working all day, and decided to sleep early at night in order to overcome the energy I used.

...CONVERSATION

Lyra Made It Real [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon