𝙺𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝𝚊 𝚅𝙸

55 35 9
                                    

Pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko, pagdapo ng alarm at tilaok ng manok sa taenga ko, bigla akong napabangon sa gulat. Lunes na pala ngayon. I scratched my eyes before I stood up. Ganado ako ngayong umaga dahil may pasok kami at nakumpleto ko yung tulog ko.

Same process ang ginagawa ko tuwing papasok sa school. Hilamos, kain, brush, ligo, bihis tsaka ako pupunta ng eskuwelahan nang naglalakad. I am not using my papa's motorcycle in going to school because minors are not allowed to use them so, I usually go to school by just walking.

Narating ko na ang gate ng school at huminga nang malalim. Bagong umaga, bagong tasks sa school I swear. Lahat ng mga nakakasalubong ko, nginingitian ko, ganyan ako kabait haha charot lang.

Dumiretso ako agad sa silid namin at umupo sa puwesto ko. Nang makita kong papasok na sina Lea at Mia, hindi pa man sila nakakarating sa puwesto, sinalubong ko na sila.

"Lea, Mia. May sasabihin ako dali." Bungad ko.

"Wow, it sounds interesting ah. Teka teka lang." sagot ni Lea habang patungo sa upuan niya.

"Sige wait. Wala pa ba sina Rocky? Baba lang namin bag namin. Grabe kasi ano ba yun." Misa said habang binababa yung bag niya.

"Wala pa naman sila. Tara sa labas na a dali." Pagmamadaling sabi ko.

Nang makarating na kami sa koridor, nagsimula ako ng usapan.

"Hey, wanna have lunch mamaya sa karinderya diyan sa may harap ng school? May bago tayong kasama." Masayang sabi ko.

"Wow, nag-aaya haha. Sige ba puwede naman, pero sino ba yang bagong tao na yan ah." Tanong niya.

"Oo nga, sino ba yan? May pasuspense suspense ka pang nalalaman diyan a." Sabi naman ni Mia.

"Kilala niyo yun. Para hindi niyo na ako asarin pa, nakakasawa eh." Sagot ko. At para bang alam na nila.

"Sus, parang alam ko na kung sino yan ah haha." Patawang sagot ni Mia na sumang-ayon naman si Lea.

Habang nagkukuwentuhan pa kami, narinig namin yung ring ng bell at siya namang pagdating nina Rocky, at sumunod naman si Vincent. Pumaroon sila sa kung saan kami naroon nina Lea at Mia kahit hindi pa nila naibababa yung mga bag nila at nagkuwentuhan uli kami.

"Uy Rocky, Vincent. Inaaya tayo ni Dave sa karinderya mamayang lunch, punta tayo?" Simula ni Lea.

"Sige ba, kahit saan." Masayang sagot ni Vincent.

"Pero may kasama tayong bago." Sabat naman ni Mia.

"Wow, sino?" Tanong ni Rocky na para bang interesadong-interesado.

"Ah ano kasi, may inanyayahan akong sumali sa grupo natin." Sabat ko.

"Oo yung crush niya diyan sa kabilang section." Sagot ni Lea.

"Oh talaga? Bakit? Kayo na ba? Date na ba yan?" Tanong naman ni Vincent.

"Naku hindi, gusto ko lang siyang mapasagrupo para hindi niyo na ako asarin. Hindi ko nga siya type diba, grabe." Bungad ko nang may inis nang konti.

"Sige call." Sabi ni Rocky at tinaya yung kamay niya. Inilagay naman namin yung mga kamay naming apat sa ibabaw ng kamay niya at sabay-sabay namin yung ibinaba nang pabigla. We also got inside our room and waited for our teacher.

Lumipas ang ilang oras na diskusiyon sa isang subject namin. Karamiha'y natutulog, nakikipagchismisan at ang iba nama'y tulala lamang sa upuan nila. Ikaw ba naman ang magkaroon ng asignaturang Literature, grabe, umagang-umaga.

Nagring na yung bell nang tatlong beses, ang hudyat for break. Nagsilabasan na lahat ng mga kaklase naming gutom haha. Siyempre nagkumpulan kaming Rumbled 5 sa isang sulok. Doon nagaganap ang bangayan para sa kung ano ang kakaining meryenda at kung saan bibili hanggang sa naging sopas at C2 ang labas.

Nagtungo kami sa isang store malapit sa school na nagbebenta ng sopas, empanada, spaghetti at mga inumin at iba pang puwedeng makain. Nang makabili na kami ng makakain, umupo kami sa isang table na may anim na upuan. Halos maubos at mabilaukan na kami sa kakakain nang may lumapit sa aming puwesto. Si Lyra na may hawak na tubig.

"Oh Dave, dito pala kayo nagmemeryenda. Ano? Tuloy tayo mamayang lunch? Hello I am Lyra." Bati niya habang kumakain pa ang barkada.

"Ah oo, dio namin naisipan magbreak. Oo tuloy tayo mamaya. Diba tropa?" Sabi ko sabay hingi sa sagot ng barkada.

"Oo, oo. Tuloy tayo." Yaon na lamang ang sagot nila dahil sa di mapigilang gutom ng kanilang sikmura hahaha.

"Maghihintay na lang ako sa labas ng room namin. Sige may meeting pa kasi ang club namin eh. Mauna na ako a. Kita kits." Sagot niya at nagpaalam na papunta sa meeting nila. Nagsalita naman si Lea.

"Ang ganda pala niya sa malapitan grabe." Puri niya. Napapatawa na lang ako.

"Kaya nga, bakit hindi mo na lang kasi siya ligawan Dave?" Tanong naman ni Mia.

"Sabi ko nga hindi ko siya type diba." Sagot ko at nagpatuloy silang dalawa sa pagkain.

"Eh malay mo baka magustuhan mo rin siya diba." Durog naman ni Vincent.

"Eh pano naman kung hindi siya gusto nun, ito naman haha." Sagot ni Rocky. Kahit puro landian lang alam ng Rocky na ito, may point din siya minsan eh haha.

Pagkatapos ng break, bumalik na kami sa classroom at sumunod ang isang subject ulit. Naging mabagal ang takbo ng oras sa pagkakataong ito dahil sa subject naming puro sulat. Sulat dito, sulat diyan, sulat doon at sulat everywhere.

Siya nga pala, we are HUMMS students, kaya no doubt, puro sulat kami haha. Alam niyo yung feeling na araw-araw, puro kami sulat. Kapag may projects kami, puro sulat, powerpoint presentation, reporting at saka document presentations. Maraming nagsasabi na cheap strand daw ang HUMMS kasi hanggang sulat lang kami pero, inisip ba nila na napakahirap din ang magsulat? Inisip ba nila na it takes time kapag nagsusulat? Inisip din ba nila na sa pamamagitan n pagsusulat, doon kami nagiistand-out? Hindi. Kasi hindi yun yung passion nila. That is why naaasikaso nila to judge our decision of choosing this strand. Oh diba, nagdrama na ako haha. Masakit naman kasi. Lalo na at pinopost pa sa fb haha. Pero anyways, ayun nga.

At that time, we are already set para sa lunch namin. Maghihintay na lamang ng ilang oras para makakain na ng lunch. I hope na sana magwork yung balak ko. Sana huwag na nila ako asarin after nilang makasama si Lyra. Because I will mark my word. She is not my type.

...

Lyra Made It Real [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon