𝙺𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝𝚊 𝚇𝚅𝙸𝙸𝙸

45 23 8
                                    

Dave's POV

Tinatawagan ko si Lyra pero hindi siya sumasagot. Nakailang message na ako at lahat lahat sa kaniya sa messenger pero hindi pa siya nakakapag-online. So, naisip kong tawagan siya para kamustahin ang kalagayan niya. Nag-aalala na ako sa kaniya dahil baka iwasan na niya ako sa nangyaring aminan namin. Pero hindi naman siguro dahil gusto rin naman niya ako.

Nagriring yung phone niya pero ayaw niya itong sagutin. Nababahala na ako sa kung ano na ang nangyayari sa kaniya pero baka nakatulog na siguro siya dahil sa pagod siguro. Nakailang tawag ako sa kaniya pero hindi niya sinasagot kaya tinigil ko.

Nagpalipas ako ng ilan pang oras sa kuwarto ko bago ako nagsipilyo at tuluyan nang natulog.

Nagising ako dahil sa mga boses sa labas ng kuwarto ko. Nagpaiba-iba ako ng posisyon hanggang sa hindi ko na makayanan yung ingay. Lumabas ako ng kuwarto at bumungad sa akin ang mga naglalakihang bag na punung-puno ng mga laman at nakita kong nakabihis sina lolo at lola. Kumakamot pa ako ng mata ko nang magsalita sila.

"Oh Dave nagising ka na pala, uuwi na ang lolo at lola niyo." Sabi ng mama ko.

"Ang aga naman po yata lo, la." Sabi ko sabay hikab.

"May aasikasuhin pa kasi ang lolo mo sa bahay apo kaya kailangan na naming umuwi. Nagpunta kami dito para macelebrate yung kaarawan ng kapatid mo." Sabi ng lola ko at umupo ako sa upuan.

"Di bale. Sasaglit din naman kami dito pag may oras kami, para makumusta namin kayo total may sasakyan naman." Sagot ni lolo.

"Naku tay huwag na po, nakakapagod na magbiyahe ngayon lalo na at humihina na iyang katawan niyo." Sabat naman ni papa na nakaupo sa lamesa sa sala.

"Naku kahit gaano pa ako kahina, luluwas kami dito kung kinakailangan para sa mga apo ko." Sabi ni lola sabay kuha sa ulo ko at niyakap ako.

They got ready and fixed bago sila lumabas ng bahay. We prayed also that was led by my lolo at lumuwas na sila.

Mga ilang taon na ang nakalipas nang huli kong makita ang lolo at lola ko. Kaya sa pag-alis nila, parang ayaw ko pa silang pakawalan, pero kailangan eh. May kani-kaniya kasing business ang mga tao kaya minsan, hindi natin masisisi kung bakit kailangan nilang lumisan sa tabi natin.

Sa loob palang ng bahay nagpaalam na ako at hindi na ako lumabas pa. Tumungo na ako sa kuwarto ko at tinignan ko yung oras sa phone ko, mag-1am na pala. Agad akong tumalukbong sa kumot ko at natulog dahil may pagsamba pa kami bukas. Baka makita at makausap ko pa si Lyra bukas sa church.

Dumating ulit ang araw ng pasukan at maghahanda na kami para sa magiging finals. Dating gawi, pumupunta kami sa kubo na dating tinatambayan ni Lyra mag-isa. Excited na akong pumunta para makita ko na si Lyra. Isang araw na kaming hindi nagkita dahil hindi ko siya nasilayan kahapon sa church. Miss ko na siya.

Dumako na kami sa kubo dahil vacant na. Magkakasama kaming dumako at nagbuklat ng mga libro at notebook namin. Naggroup study kami sa pangunguna ni Lyra. Bawat buka ng bibig niya, inaantabayanan ko. Nakikinig ako sa mga sinasambit niya. Bawat sinasabi niya, iniintindi ko. Pero sa kasamaang-palad, ni isa, wala talaga akong naintindihan. Tanging mukha lang niya yung ineexplore ko sa pagkakataong yun.

Nagtagal ang pag-aaral namin sa kubo ng ilang minuto at muli kaming bumalik sa school. Habang naglalakad kami papunta sa school, kinausap ko si Lyra.

"Lyra, tinatawagan kita kagabi, naririnig mo ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Ah...oo kaso..." sagot niya. Gusto kong malaman yung dahilan kung bakit niya hindi sinasagot yung tawag ko kaya...

"Kaso...? Bakit?" Tanong ko agad sa kaniya.

"Si papa kasi Dave. Nasabi ko kasi sa kaniya na nag-aminan tayo sa isa't-isa. Okay naman kay mama pero si papa kasi, ayaw niya." Sabi niya habang nakatingin lang sa mga hakbang ng paa niya.

"Ganoon ba? So, hindi pa kita puwedeng ligawan?" Tanong ko sa kaniya.

"Siguro? Hindi ko alam."

"Eh paano kung kausapin ko siya?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin na siya sa akin at sumagot.

"Naku hindi Dave, huwag. Hindi mo kilala yung tatay ko kung paano magalit, kaya baka masaktan ka pa niya." Sagot niya na parang nagulat.

"Edi, hanggang kaibigan na lang tayo?" Tanong ko.

"Siguro. Sana huwag na makarating sa iba ito Dave. Kahit kina Rocky huwag na sana kasi baka madamay pa sila." Request niya sa akin bago kami magkahiwalay papunta sa kani-kaniya naming classroom.

"Sige, makakaasa ka Lyra." Sagot ko sabay binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti.

"Hindi ko siya gusto. Mahal ko siya." Mga katagang nasasambit ko sa isip ko sa kalagitnaan ng klase. Kailangan kong gumawa ng paraan para maipaglaban ko yung pagmamahal ko sa kaniya. Napapabuntong-hininga na lang ako sa tuwing iniimagine ko yung mga puwedeng mangyari sa pagitan namin ng papa niya.

Kaya binale wala ko nalang yung mga iniisip ko at itinuon ko yung sarili ko sa pag-aaral. Siguro baka ayaw ng papa niya na makipagrelasyon si Lyra sa mga lalaking kagaya ko. Yung lalaking walang alam, kundi yun magtrabaho sa bukid. Yung lalaking walang patutunguhan yung buhay.

Kaya pinagbuti ko yung pag-aaral ko hanggang sa araw ng finals. Hindi ko muna inisip yung panliligaw ko kay Lyra. Sinabi ko sa kaniya na mag-aaral pa ako nang mabuti. Pagsisikapan kong baguhin yung estado ng pag-aaral ko. Hindi lang para maging matalino, hindi lang para magustuhan ako ni Lyra at ng papa niya, kundi para may maipagmalaki rin ako sa ibang tao, sa sarili ko at sa magiging mga anak namin ni Lyra balang araw.

Lumipas ang ilang araw bago ang finals nang tanungin ako ng mga barkada ko.

"Uy Dave bakit hindi ka na nagoonline?"

"Uy Dave, may problema ka ba?"

"Minsan ka na rin magtext."

"Baka naman nasa bukid ka na naman tuwing hapon."

"Hindi mo na rin kami sinasamahan na magrecess, lunch lang."

"Hindi ba nagtataka si Lyra na hindi ka na sumasama sa amin? Diba nililigawan mo siya?"

Iyan ang mga tanong nila sa akin nang hindi ko na sila kasama sa mga vacant. Hindi na rin ako masyadong nagoonline at nagnenet dahil sa nag-aaral ako sa hapon. Madalang na rin akong magpunta sa bukid namin para lang makareview ako sa darating na finals. Hindi lang mga barkada ko ang nagulat, pati na rin ang mga magulang ko nagulat, pero sa kabila nun, masaya sila sa naging pagbabago ko.

Hindi na nagtataka pa si Lyra sa mga ikinikilos ko sa nagdaang araw dahil nababanggit ko sa kaniya yung tungkol sa balak ko para magustuhan ako ng tatay niya.

"Pagbutihin mo lang Dave ah. Aasahan ko iyan." Nasasabi na lang niya kasabay ng mga ngiti niya para maicheer ako.

Nagsikap akong mag-aral para sa amin ni Lyra at upang magustuhan ako ng tatay niya. I want her love and I want to show my unconditional love for her. At nagbunga ang lahat ng iyon.



...

Lyra Made It Real [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon