𝙺𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝𝚊 𝚇𝙸

50 31 6
                                    

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang araw na ito nang makita kong may kausap si Lyra sa may koridor nila sa harap ng room nila. Hindi ko mawari kung bakit ako nakaramdam ng selos. Inisip ko tuloy na baka hindi ako magugustuhan ni Lyra nang dahil sa hindi ako katulad niya, matalino, kilala ng ibang tao. Napatingin si Lyra sa akin at lumapit.

"Uy Dave, kamusta. Namiss kita ah." Bungad niya at inakbayan ako. Nanlambot ang katawan ko sa mga ikinilos niya.

"Ah okay lang, buhay pa rin." Sagot ko habang nakatingin ng diretso sa kawalan.

"Luh grabe naman to haha. Tawa ka naman diyan. May problema ka yata?" Tawa niya.

"Naku wala. Sige pasok na ako ah." Sunod ko.

"Ha? Oh eh sige baka malate ka pa sa subject niyo. Papasok na rin ako." Sambit niya at pumasok na ako sa klase namin na hindi na siya nilingon.

Hindi ko maexplain yung nararamdaman sa tuwing may nakakasama siyang iba. Pati kapag magkakasama kaming magbabarkada, naaasiwa ako kapag may kaharutan siyang ibang lalaki.

Natapos na ang first subject at pumaroon kami sa kubong dinadayo ni Lyra. As usual, napakasariwa ng simoy ng hangin. Kapag tumatama kay Lyra yung hangin, napapabagal ang oras ko kapag nasusulyapan ko siya habang kumakain.

Parang may isang mangingisda na nasa loob niya na unti-unti akong binibingwit papunta sa kaniya.

"Huy ano na Dave?" Napapitlag ako nang may tumapik sa batok ko. Si Lea.

"Ah oh ano? Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Kanina ka pa tinatanong ni Lyra, eh hanggang tunganga ka lang naman diyan, di ka naman sumasagot." Sunod niya. Hindi ko alam na ganun na pala ako kagaling maging lutang sa tuwing nakatingin ako sa kaniya.

"Ah ganun ba? Haha pasensiya na. Parang lutang ako haha. Ano ba yun Lyra?" Tanong ko nalang sa kaniya habang kumakamot sa buhok ko.

Wala nang isinagot si Lyra kaya binilisan na lamang namin ang pagkain para makabalik ulit sa kani-kaniyang klase namin nang may makakita sa kaniyang lalaki at kinawayan siya. Parang sinuntok yung puso ko nang dahil sa nakita ko.

"Uy Dave, grabe ka makatitig dun sa lalaki ah." Sabi ni Mia.

"Ah haha. Parang pamilyar kasi sa akin." Sagot ko.

"Naku, ganyan ka na naman dati kay Lyra eh. Baka naman nagseselos ka." Sabi niya habang sinusundot yung tagiliran ko.

"Sus naku." Siyang sagot ko dahil sa totoo lang, nagseselos na naman ako.

Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa kahit pa kawayan lang ang nangyari.

Dumako na kami sa kani-kaniya naming mga silid after naming magmeryenda.

Sa bawat bagay na nakapagpapaalala sa akin kay Lyra, nagiging lutang ako. Sa bawat pagkurap ng mga mata ko sa klase, mga mukha lamang ni Lyra ang napagmamasdan ko. May mga pagkakataon pang napapagalitan ako sa teacher dahil napapansin nilang hindi ako nakikinig.

May mga pagkakataong nadadapa pa ako dahil tuwing nakasunod ako kay Lyra habang papalabas ng school, natatapilok ako. Saka ko namang malalaman na nadapa na ako kapag nakaramdam na ako ng sakit sa tuhod ko. Pero minsan mas ginugusto kong madapa kasi inaabot ni Lyra yung kamay niya sa akin na yun ang nagpapalambot sa katawang laman ko.

Hanggang sa isang araw, may nakilala akong bagong lipat na kaklase namin galing sa ibang building. Lumipat siya nang dahil daw sa napakaraming nambubully sa kaniya sa classroom nila. Kaya bilang pagwelcome ko sa kaniya, palagi ko siyang kinakausap kapag may oras ako.

Isang hapon, habang nagsasagawa kami ng isang programa sa baba, katabi ko si Alyssa, siya yung bagong lipat na kaklase namin. Tuwang-tuwa siya that time na she could now spill off her thoughts ans opinions from herself. Masaya naman ako dahil kahit gaano ako kapobreng tao, nagagawa ko siyang pasayahin sa maliit na mga bagay.

Habang nagkukuwentuhan kaming magkaklase kasama ng barkada, may time na napapatingin ako sa may upuan ni Lyra. May time pa na lumilingon soya sa amin at kinakawayan namin siya.

Natapos yung programa pagkatapos ng tatlong oras. 4:15 na that time and we are about to go home na nang mapansin kong papalabas na ng gate si Lyra. Hinabol ko siya at hinila sa o kamay niya para iharap sa akin. Kanina pa siya hindi nagpapakita sa min ng barkada kaya nauna na sila, pero nakita ko si Lyra.

"Uuwi ka na Lyra?" Tanong ko sa kaniya nang malumanay. Hindi siya sumagot at nagpumiglas sa pagkakahawak ko sa kaniya. Nakabitaw ako.

"Oo uuwi na ako. Umuwi naman na yata yung iba diba. Tsaka may kasama ka naman nang bagong kaibigan mo kaya, mauna na ako. Kita kits nalang bukas." Sambit niya habang nag-iiwan ng pilit na ngiti.

"Ano? Ano bang sinasabi mo Lyra haha. Hindi ko maitindihan." Sagot ko habang nakaharap pa rin sa kaniya at muling hinawakan ko yung kamay niya.

"Lyra, uuwi ka na? Puwede paki sarado mo nga muna yung mga bintana sa taas. Kasi kita ko mula rito na nakabukas sila." Sabi ng adviser nina Lyra. Sumag-ayon siya at tumungo pataas ng building namin.

Sinundan ko siya patungo sa room nila. Pumasok siya at nagsara ng mga bintana.

"Ano bang problema Lyra? Family problema na naman ba iyan?" Tanong ko sa kaniya habang tinutulungan ko siyang magsara ng mga bintana nila.

"Wala, masakit lang yung ulo ko kaya kailangan ko na umuwi nang maaga." Sagot niya na nakakunot ang noo niya. Halatang masakit talaga yung ulo niya.

"Ganun ba?" Sagot ko habang pinapanood siyang ibinababa ang mga kurtina nila.

"Oo, kaya uuwi na ako, pakisara na lang yung pinto. Mauna na ako." Sabi niya at nagpatuloy ng paglakad pababa ng building.

Muli akong napaisip kung ano ba ang problema niya habang isinasara ko yung pinto. Binilisan ko ang paglakad ko hanggang sa maabutan ko siya pero nang makarating na kami sa 1st floor, bigla siyang tumakbo papalayo. Hindi ko na sinundan at baka pagalitan pa niya ako. I'd just let her be.

That time, labis na lamang yung pagkalungkot ko dahil para bang iniiwasan niya ako. Para bang may something sa akin na nakasama sa paningin niya maliban sa masakit ang ulo niya.

...

Lyra Made It Real [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon