𝙺𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝𝚊 𝚇𝚅𝙸

36 24 0
                                    

"Ma punta lang kami ni Jude sa tabing dagat." Sabi ko kay mama. Tumango naman siya at tumungo na kami.

Hindi ko na alam kung nasaan yung mga kabarkada ko kaya inaya ko na lang si Jude sa tabing dagat para maglaro. Binuhat ko siya sa may balikat ko at nagtampisaw kami sa dagat. Tuwang-tuwa siya at inaangat-angat pa yung kamay niya. Nililinga ko siya sa likod at nakikita ko yung malalambot at mahahabang buhok niya na tinatangay ng hangin.

"Mahulog siya a." Sabi ng isang tao sa likod ko. Si Rocky. Nakasungalsses siya, nakasando lang at naka short.

"Oh nandito ka pala." Sagot ko sa kaniya habang papabalik na kami ni Jude sa dalampasigan.

"Oo hinahanap kita eh. Nandun pa rin kasi yung iba, eh di kita mahanap kaya nagtanong ako sa mama mo. Nandito ka raw." Sagot niya sa akin.

Umupo kami sa may tabi at nag-usap. Ipinuwesto ko naman si Jude sa may harap ko para matignan ko siya sa mga ginagawa niya.

"Eh ano? Kamusta na kayo ni Lyra?" Tanong ni Rocky sa akin. Napatawa na lang ako.

"Naku wala pa eh, hindi ko pa nakakausap. Yung plano mo pala. Naghahanap nga ako ng tiyempo, eh hindi ko naman siya makitang..." Napahinto ako nang may marinig kaming paparating na nagtatawanan sa likod namin.

Nakita ko sina Vincent, kasama niya sina Mia, Lea, at si Lyra. Bigla akong kinabahan dahil naroon si Lyra. Hindi ko alam yung mga ginagawa ko kapag kasama ko siya. Naupo sila sa tabi namin at kasama naming nagkuwentuhan. Sa kabila ng kaba ko, masaya ako dahil muli kong nakita si Lyra.

Rocky's POV

Hindi ko maaninag si Dave sa paligid para tanungin yung plano namin kaya pumunta ako kay mama niya para magtanong. Nasabi ng mama niya na nagpunta sila ng kapatid niya sa dagat. Pagkakataon na para sa plano. Bumalik ako sa cottage namin at sakto namang naroon sina Mia at Vincent, sinabi ko sa kanila yung naisip kong plano.

"Alam niyo naman yung tungkol kay Dave diba? Na gusto niya si Lyra? Tulungan natin siya guys. May plano ako. Nasa dagat si Dave kasama ng kapatid niya. Tawagin niyo sina Lea at Lyra para pumunta roon after ko, then isa-isa tayong aalis, bibigyan natin sila ng pagkakataong makapag-usap. Alam niyo na getting to know each other. Bahala na kayo sa palusot niyo basta maiwan silang dalawa. Okay? Sabihin mo nalang kay Lea Mia a, pero wag kay Lyra." Sabi ko sa kanilang dalawa.

Agad akong tumungo kung nasaan sina Dave at hinanap ko sila. Nakita ko sila sa may dagat na nagtatampisaw buhat yung kapatid niya. Pinagmasdan ko muna sila bago ako pumaroon, napakasaya nila, parang gusto ko ring magkaroon ng kapatid. Only child kasi ako kaya hindi ko naranasang magkaroon ng kalaro.

Umupo kami sa may dalampasigan nang makarating ako sa kanila. Kakuwentuhan ko siya hanggang sa makasunod yung iba sa akin.

Nagtanong ako sa kalagayan nilang dalawa ni Lyra pero hindi ko sinabi yung plano ko. Ayokong maging scripted, gusto kong maging natural sila mamaya.

"Hello, kanina pa kayo dito? Bakit di kayo nagtawag?" Sabi ni Lea na nakahawak sa kamay ni Lyra. Sana lang hindi niya sinabi kay Lyra yung plano.

"Oo kanina pa, busy naman kayo kanina dun kasi sa pagsuswimming." Pagsisinungaling ko. At nakita kong nginitian ako ni Lea. Okay to.

Bilang pagsisimula ng plano, kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at nilapag sa may tabi ko na hindi kita ni Dave. Nagplay ako ng ringtone para kunware may tumatawag sa akin. Agad kong sinagot kunware.

"Oh si Feliz, excuse me guys, sagutin ko lang." Kako at umalis papunta sa isang damuhan.

After nun, gumana yung plano dahil isa-isa na silang umalis at dumako sa kinaroroonan ko.

Lyra Made It Real [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon