Chapter 2: Committed?

16.9K 720 166
                                    

Nasa kotse kami ngayon ni Hibiki. Pinilit niya akong ihatid sa trabaho. Honestly, hindi ko siya kayang tanggihan. It's not because of goodwill, hindi ako makatanggi dahil alam ko na magagalit siya.

Honestly, this is my first time to ride a luxurious car. Grabe! Hindi ko alam kung magkano itong kotse niya pero alam ko na kahit magtrabaho ako ng ilang taon, hindi kasya ang sweldo ko para bumili ng ganito.

I know that he's not just rich, he is crazy rich! Grabe 'yung tunog ng sasakyan niya, agaw atensyon sa kalsada.

Ito 'yung tipo ng sasakyan na iniiwasan madikitan ng ibang mga sasakyan. Tahimik lang kaming dalawa dito sa loob ng kotse niya.

Nagda-drive lang siya. Ito na ang chance ko! Sinubukan ko siyang titigan ng mabuti.

Grabe, ang gwapo pala talaga niya...

He looks like an angel pero kung umasta siya, hindi ko ma-explain.

Napansin ko na may hikaw siya. Bagay sa kanya, mukha siyang maangas tignan. Sobrang maamo pa rin ang mukha niya pero kapag tumitig siya, parang huhubaran ka.

"You can stare at me all you want..."

Bigla niya akong kinindatan...

Napa-iwas tuloy ako ng tingin at rinig ko na natawa siya bigla ng mahina. Alam pala niya na nakatitig ako.

Ewan ko ba, kaunting salita niya lang eh nahihiya na kaagad ako. Sobrang lakas ng personality niya.

Honestly, he is so intimidating...

Siya 'yung tipo na hindi ka magkakaroon ng lakas ng loob na asarin. Ewan ko ba, sobrang intimidating niya.

Huminga na lang ako ng malalim at timitig sa salamin ng kotse. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya.

"I'm Hibiki, your boyfriend..."

Napasampal na lang ako bigla sa mukha nang maalala ko 'yung sinabi niya kanina. Sobrang seryoso kasi ng pagkakasabi niya sa akin na boyfriend ko siya.

I don't know if he is just playing with me. Honestly, hindi ko siya kilala at hindi ko alam ang tumatakbo sa utak niya. Sobrang hirap niyang basahin.

Siya 'yung tipo ng tao na sobrang unique ng personality. Hindi mo mababasa kung mabait ba siya or hindi.

For me, he is the type of person who is so dangerous because I can't even predict what he will do.

Nakarating na kami sa hospital at agad na akong bumaba sa kotse. Akala ko ay aalis na siya. Bumaba din siya sa kotse at sinamahan niya akong maglakad.

Huminto siya sa entrance...

"This hospital is huge," sabi niya.

"Yeah, thanks for the ride. I need to work na, ok? Ingat ka pauwi."

"Ok, anong oras ka uuwi?"

Bakit niya naman tinatanong? Napakunot na lang ang noo ko.

"Around 6 pm, why?"

He just rolled his eyes...

"Obviously, susunduin kita!"

Susunduin niya ako? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko but I think, it's kinda sweet. Never pa kasing may sumundo sa akin.

"Don't forget to call me," he said.

"But I don't have your number."

"Really? You might want to check your phone later hahahah."

My Dangerous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon