Chapter 25: The Truth!

5.3K 330 195
                                    

Hibiki's POV

The sun is so bright...

Maya-maya lang ay palubog na rin ang araw and that is what I am waiting for. I have to execute my plans and I know that there is no chance of failing.

Bumaba na ako sa kotse. This house is cute. I smirked... Now, you'll regret everything that you've done.

Bukas ang gate nila kaya pumasok na lang ako kaagad. Hmmm... Nakasara ang pinto. I started knocking their door and there's an old lady who opened it for me.

I smiled at her...

"Hi Lola!" Bati ko sa kanya.

Mukhang wala siyang idea kung sino ako. Oh, it's a good idea!

"Anong pangalan mo hijo?"

I smirked...

"Blake Naylor..."

Oh, it looks like it rings a bell on her ear when I said that name.

"A-Ah oo! Naikwento ka ng apo ko! Tuloy ka sa bahay, hijo!"

I smirked again...

Pumasok na lang ako at tumingin sa paligid. They have a simple life.

"Ang sabi sa akin kanina ng apo mo, hintayin ko raw siya dito."

Tinitigan na lang ako ng matanda at nakangiti lang ako sa kanya.

When should I start?

Umupo na lang ako sa sofa nila. Actually, it's not really bad. I'm sure that my pet is so bored inside my car so I should set him free.

"Gusto mo ba ng kape?"

"Oh... Thanks Lola but I don't drink coffee. Do you have milk?"

Natawa na lang ang matanda sa akin. Ayoko kasi talaga ng coffee and I don't know why. Mas masarap naman talaga ang gatas ni Blake! Este! Gatas lang pala!

Pinagtimpla na lang ako ni Lola ng gatas at nilapag niya sa center table.

"Thank you Lola..."

I started drinking milk and it's not that bad. Masarap din naman kahit powdered.

"Ang gwapo mo pala talaga hijo kagaya ng sinasabi ng apo ko."

I smirked...

Binaba ko na lang ulit sa lamesa ang baso ng gatas. Should I show her my fangs? Oh, that is not a good idea.

She seems so nice tho...

"Wait, I have something for you..."

Kumuha na lang ako ng pera sa wallet ko at inaabot ko sa kanya. Halatang nagtataka siya sa ginagawa ko.

"Para saan 'yan hijo?"

"Galing po ito kay Geneva. Ang bilin niya sa akin, iabot ko raw sa inyo para makapamili ka na kaagad ng groceries."

Mukhang nagdadalawang-isip siya na tanggapin ang pera na inaabot ko.

Ngumiti na lang ako at binuklat ko na ang kamay niya sabay lagay ng pera.

"Galing po 'yan sa apo niyo..."

Tinanggap naman niya ang pera kaya lalo akong napangiti.

"Sandali, tatawagan ko ang apo ko..."

Ngumiti na lang ako...

"Nasa trabaho po siya di'ba?"

"Ay oo nga! Baka maabala ko pa. Hintayin na lang natin siya. Tsaka na ako aalis para mag-grocery. Sigurado naman ako na pauwi na 'yun."

My Dangerous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon