Chapter 30: Sunflowers

5.8K 376 202
                                    

Blake's POV

Ilang araw ko ring pinag-isipan ang mga sinabi sa akin ni Hibiki pati na rin ni Wine. Ayoko kasi na maging padalos-dalos sa mga desisyon ko.

Ilang beses ko na ring tinanong ang sarili ko kung mahal ko na ba talaga si Hibiki. Malaki kasi ang pagkakaiba ng gusto mo ang isang tao sa mahal mo.

Well, I won't deny the fact that I am always happy when he's around. Kahit na madalas ay nahihiya ako, masaya ako kapag nandiyan siya.

Ayoko naman magsabi ng isang bagay na hindi totoo para lang maayos kaming dalawa. I want to be honest to him and I want to be true to myself.

Ilang araw din akong nag-isip...

Ang na-realize ko, hindi mo dapat pinag-iisipan kung mahal mo ba ang isang tao kasi mararamdaman mo 'yun sa puso mo.

Ngayon, sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Alam ko na ngayon sa sarili ko na mahal ko siya.

Nandito ako ngayon sa flower shop. Gusto ko kasi na bumili ng flowers para kay Hibiki. Aaminin ko na sa kanya na mahal ko siya at gusto ko na maayos kaming dalawa.

Nabigyan ko na siya ng flowers dati pero gusto ko na makahanap ng flowers na perfect sa personality niya.

Naalala ko kasi dati noong sinuyo ko siya, natuwa siya sa akin noong binigyan ko siya ng flowers.

Tingin lang ako ng tingin ng flowers dito sa shop. Lahat naman kasi magaganda. Ano kaya dito ang pinaka-magugustuhan ni Hibiki?

Ang ganda naman lahat...

"Hijo... Mukhang nahihirapan ka yata sa pagpili ng bulaklak para sa taong mahal mo."

Napatingin na lang ako sa gilid at may isang matandang babae ang kumausap sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Opo lola! Sinusuyo ko po kasi siya."

Ngumiti siya sa akin at maya-maya ay kumuha siya ng isang piraso ng bulaklak at iniabot niya sa akin.

"Tingin ko, bagay ito para sa masayahin mong minamahal."

Napangiti na lang ako at tinanggap ko ang sunflower na inaalok niya. Mukhang bagay nga ito kay Hibiki dahil masayahin siya.

Bagay na bagay ito para sa vibrant personality niya. Maya-maya ay bigla na lang akong may naisip.

Parang may naramdaman akong kakaiba noong hinawakan ko ang bulaklak. May mga alaala ako sa nakaraan na masyadong malabo at hindi ko matandaan.

May parte sa pagkatao ko ang bulaklak na ito. Hindi ko lang matandaan kung kailan at saan.

Sunflowers? It matches him...

"Teka lola, paano niyo po nalaman na masayahing tao ang pagbibigyan ko ng bulaklak?"

Ngumiti lang siya sa akin...

Manghuhula ba siya?

Hindi ko alam kung paano niya nalaman na masayahin si Hibiki. Nakangiti lang sa akin si lola.

"Alam mo hijo, masyadong malakas ang pagkatao ng minamahal mo. Kakaiba siya, nakikita ko na hinding-hindi siya papayag na mawala ka sa kanya."

Napakamot na lang ako sa ulo at medyo nahihiya ako dahil parang hindi naman ganun ang nangyayari sa amin ngayon ni Hibiki.

"Lola, ako nga po ang sumusuyo sa kanya ngayon eh. Ako ang naghahabol kaya paano niyo po nasabi na hindi siya papayag na mawala ako sa kanya?"

Napatawa na lang ng mahina si lola...

My Dangerous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon