Chapter 37: Fearless!

5.4K 334 114
                                    

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin talaga kung sino ang connection ni Hibiki sa loob ng hospital. Mukhang pinababantayan niya ang bawat galaw ko.

Wala pa rin ba siyang tiwala?

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko. Ayoko naman na mag-away ulit kami dahil sobrang hirap niyang suyuin.

Isa pa, mahal ko na siya...

Feeling ko kasi, hanggang ngayon ay wala pa rin siyang tiwala sa akin kaya pinababantayan niya ang bawat galaw ko.

"Hey cutie mochi!"

Halos mapatalon tuloy ako sa kama dahil sa sobrang gulat! Grabe naman itong si Hibiki! Akala ko tulog pa siya tapos biglang ganyan!

"Jusko naman! Aatakihin ako sa puso! Alam mo naman na magugulatin ako."

Tinawanan niya na lang ako...

Sumiksik siya sa braso ko at niyakap niya ako ng mahigpit. Mukha namang gusto lang niya maglambing.

"Tell me mochi, bakit malalim ang iniisip mo? Alam ko na hindi ka makatulog."

Grabe... Kanina pa siya tulog pero alam niya na gising pa rin ako? Tao ka ba talaga, Hibiki? Nagdududa na ako kung tao ka talaga eh hahahah.

"Wala naman..." Sabi ko na lang.

Sabdaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa at-

"Aray ko naman!"

Napasigaw tuloy ako sa gulat dahil kinurot niya ang nipple ko! Jusko! Minsan talaga, nagugulat pa rin ako sa mga ginagawa niya eh!

"Pwede ba, sa akin ka pa talaga magpapalusot? Sabihin mo na kung ano ang iniisip mo."

Bumangon na lang ako at umupo sa kama. Hindi ko kasi alam kung dapat ba na sabihin ko sa kanya dahil baka mamaya, magtalo na naman kami.

Ang kaso... Alam ko naman na hindi ako patatahimikin nitong si Hibiki hangga't hindi ko sinasabi sa kanya.

Kaasar, walang choice...

"Ano kasi..."

"Iniisip mo pa rin hanggang ngayon kung sino ang inuutusan ko para bantayan ka sa hospital?"

Kaasar! Bakit pa ba kasi siya nagtatanong kung alam naman pala niya? Ang bilis talaga ng utak nito!

"Hibiki, ang sa akin lang naman-"

"Tapos, pakiramdam mo wala pa rin akong tiwala sa'yo kaya ganyan ka."

Napasampal na lang ako sa mukha...

Jusko naman! Hindi ko na pala kailangan magsalita dahil alam naman niya! Kaasar!

Bumangon na rin siya ay lumingkis siya sa braso ko na parang ahas. Tinititigan pa niya ako at ito na naman ang mukha niya na nagpapa-cute!

"Mochi, may tiwala ako sa'yo..."

"Eh bakit kailangan mo pa akong pabantayan na parang bata kung may tiwala ka sa akin?"

He sigh...

"Oo na! May tiwala ako sa'yo pero wala akong tiwala sa mga taong nakapalibot sa'yo! Isa pa, gusto ko lang talaga masiguro na safe ka kapag busy ako sa work."

Tinitigan ko na lang siya at seryoso naman ang pagkakasabi niya. Ang kaso, hindi ko naman talaga alam kung seryoso siya o hindi!

Aba! Sobrang galing kaya niya umarte! Red carpet na nga lang ang kulang eh! Wala yatang nakakaalam kung kailan siya nagsasabi ng totoo or nang-uuto lang!

My Dangerous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon