Chapter 26: Unwell

5.8K 338 223
                                    

Blake's POV

Ilang araw ko rin na pinag-isipan ang sinabi sa akin ni Dwayne. Alam ko naman sa sarili ko na gusto ko na rin si Hibiki.

Kahit na malakas ang saltik niya...

Kahit na wala siyang kahihiyan...

Kahit na may kabaliwan...

Gusto ko siya, ayokong masira kaming dalawa lalo pa at alam ko naman na kasalanan ko talaga.

Ang kaso, hindi ko na siya mahanap. Wala akong idea kung nasaan siya ngayon. Hindi pa raw siya umuuwi sabi ng kasambahay niya.

Nasaan ka na ba Hibiki?

Hindi ko naman alam kung saan ang bahay ni Wine kaya hindi ko rin mapuntahan. Kung lalapit naman ako sa pinsan niya na si Kith, for sure wala ring alam 'yun.

Hayyy...

Hindi ko na alam kung saan ko hahanapin si Hibiki. 'Yung phone niya, ring lang ng ring pero never siyang sumagot sa tawag ko. Never niya rin naman ako pinatayan ng tawag.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko para makita ko siya ulit at makahingi ng tawad sa kanya.

Nagulat ako dahil bigla na lang tumunog ang phone ko. Number ito ng kasambahay niya kaya sinagot ko na kaagad.

"Hello po sir! Umuwi po kaninang madaling-araw si Sir Hibiki!"

Napangiti na ako...

"T-Talaga? Nandiyan ba siya ngayon?"

"Naku sir! Umalis na naman po kaagad. Hindi ko nga po natanong kung saan siya pupunta."

"Hala! Bakit naman? Sayang..."

"Sobrang lungkot po kasi ng hitsura niya kanina. Naiiyak nga po eh."

Natahimik na lang ako...

Kasalanan ko kung bakit ganito ngayon si Hibiki. Hindi na tuloy siya 'yung maligalig at palaging masaya na taong kilala ko.

Masyado ko siyang nasaktan...

"Lagi nga po niyang kasama si Raffy. Naaawa nga po ako kay Sir Hibiki. Ngayon ko lang po siya nakita na sobrang lungkot."

Lalo tuloy akong nakokosensya sa sinasabi ng kasambahay niya.

Ako lang naman talaga ang dapat sisihin. Bumibigat tuloy ang pakiramdam ko, gusto ko na ayusin kaagad ang natitira sa aming dalawa.

"Tapos sir! Hindi nga po siya kumain kanina. Nag-aalala na po ako. Malakas pa naman po kumain 'yun dati tapos biglang wala na siyang gana."

Naluluha na tuloy ang mga mata ko. Hindi ko pa nakikita si Hibiki pero awang-awa na ako sa kanya. Kasalanan ko talaga!

Hindi na siya masayahin...

Wala na siyang gana kumain...

Masyado ko siyang nasaktan...

"Tinanong ko nga siya sir kung ok lang ba siya. Tumango lang siya sa akin tapos nagpunas siya ng luha."

Para tuloy akong kinokonsensya ng kasambahay niya. Kanina pa tuloy ako nalulungkot sa nangyayari kay Hibiki.

"Feeling ko sir, miss na miss ka na niya. Naku sir! Kung ako po sa inyo, mag-sorry na kayo sa kung ano man ang ginawa niyo sa kanya."

"Yun naman ang gusto kong gawin kaso nga lang, hindi ko siya makita."

"Ay sir! Parang alam ko kung saan siya ngayon pupunta!"

My Dangerous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon