Chapter 27: Devious!

5.6K 359 207
                                    

Maaga akong nagising para paglutuan ng breakfast si Hibiki. Alam ko naman kasi na hindi siya tatanggi kapag inalok ko siya ng breakfast.

Well, hindi ko pa talaga siya kilalang-kilala pero marami na rin naman akong alam sa pagkatao niya.

I know that he loves my cooking...

Baka kasi umalis siya bigla kapag nagising na siya kaya nagluto na lang ako para na rin makapag-usap kaming dalawa ng maayos.

I really want to fix what is left in us. Hindi naman pwede na basta na lang matatapos ang relationship namin.

I cooked sinangag, pritong talong, tapa, corned beef, egg tapos may hot choco. Alam ko na gustong-gusto ni Hibiki ang ganitong breakfast at malabong tumanggi siya.

He is still sleeping...

Mukhang lasing na lasing talaga siya kagabi pero medyo nawindang lang ako kasi siya talaga ang nag-initiate na may mangyari sa aming dalawa.

Ewan! Di'ba kapag lasing, dapat knock out ka na? Bigla kasi siyang bumangon tapos may nangyari na naman sa aming dalawa.

Actually, I love doing that with him pero kasi lasing siya kagabi.

Ewan ko talaga! Minsan, ang hirap din talaga mahuli ng iniisip niya. Sobrang hirap basahin ang tumatakbo sa utak niya kaya nakakalito na.

After ko magluto ay nilagay ko na sa lamesa lahat ng mga pagkain.

Bumalik na lang ako sa kama habang tinititigan ko siya. Sobrang gwapo niya talaga at harmless tignan kapag natutulog.

Hayyy Hibiki! Mukha kang hindi marunong manlaban kapag tulog!

Sinubukan ko na lang na ayusin ang buhok niya at medyo naalimpungatan siya sa ginawa ko. Napakunot na lang ang noo niya.

Maya-maya ay gumising na siya at kinuskos pa niya ang mga mata niya na parang bata.

"Good morning..." Bati ko.

"Good morning din mochi..."

Napadilat siya bigla at nagulat yata siya sa nasabi niya ahhahah. Mukhang nawindang siya!

"H-Hey! Bakit nandito ako?"

Shuta! Ang sakit sa tenga ng pagkakasabi niya! Parang gulat na gulat siya at walang alam ahahhah.

"Hmmm... Lasing ka kasi kagabi sa bar kaya inuwi na kita dito."

He just rolled his eyes...

Tatayo na sana siya pero na-realize niya yata na wala pala siyang damit. Hindi ko na kasi siya binihisan para masarap ang tulog niya.

Nanlaki bigla ang mga mata niya at napatitig siya sa akin.

"W-What have you done to me?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Ano raw? Hindi niya matandaan 'yung kagabi?

Seriously?

Parang nagkaroon tuloy ng malaking question mark sa ulo ko dahil sa pinagsasabi niya.

"Y-You took advantage of my weakness! Pinagsamantalahan-"

"Hey no! It's not what you think!"

Nagulat ako dahil binato niya ako ng unan at binalot niya pa ang sarili niya ng kumot na parang hindi niya gusto ang nangyari kagabi!

"Lumayo ka sa akin! Sinamantala mo ang kahinaan ko! Huhuhu!"

Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko sa pinagsasabi niya. Napakamot na lang ako sa ulo. Ang lakas talaga ng topak niya!

My Dangerous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon