Chapter 34: Scam King

5.9K 333 111
                                    

Nasa kotse kami ngayon ni Hibiki and ako na ang nagdadrive. Masayahin na siya ulit. Grabe 'yung iyak niya nang mamatay 'yung hamster.

Parang bata umiyak eh hahahah...

Hindi ko alam na iiyakan niya pala ng ganun ang isang hamster. Ewan ko ba, ang lakas lang siguro talaga ng topak nitong si Hibiki.

Ang kaso, kailangan pala niya ng sex para sumaya ulit. Jusko talaga itong si Hibiki! Sobrang bilis talaga magbago ng mood niya. Tignan mo ngayon, tawa ng tawa!

Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta ngayon eh. Ang sabi niya lang sa akin, may ipapakita raw siya tapos sobrang excited siya.

Parang kahapon lang grabe umiyak...

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Shhhh! Malalaman mo rin naman! I'm sooo exciteddd!"

Napakunot na lang ang noo ko at natawa ako ng mahina dahil sa reaction niya.

"Hey! Why are you laughing at me?"

Ay shocks! Bigla na lang naging seryoso! Mas nakakatakot pa naman itong si Hibiki kapag ganito siya!

"H-Hmm... I'm just happy that you are fine now. Sobrang lungkot mo kasi kahapon."

He smiled...

"I'm better now! Kasama kita eh!"

Napangiti na lang ako. Grabe talaga magbago ang mood ni Hibiki. From malungkot to masaya to malandi in just a split second!

Tapos ngayon bumabanat na naman siya hahahha. Sa totoo lang, masaya ako kapag ganito si Hibiki.

Habang tumatagal talaga ay mas na-appreciate ko siya. Wait nga! Baka mamaya ituloy niya ang plano niya na pumunta ng Japan!

Baka mamaya ituloy niya na talaga!

"Ehem! Naalala ko lang. Sure ka na hindi ka pupunta sa Japan di'ba?"

He looked at me seriously...

Maya-maya ay nginitian na naman niya ako ng nakakaloko. Ok, alam ko na kung anong iniisip niya.

"Oh mochi! I did not expect that you are really that jealous with Akihiro."

Hindi na ako sumagot...

Ayoko na sumagot kasi totoo naman talaga na nagseselos ako doon sa lalakeng 'yun. Bakit ba? Si Hibiki lang ba ang may karapatan na maging seloso?

Alam ko na nakatitig lang sa akin si Hibiki at hindi ko na siya pinapansin.

Nagulat ako dahil bigla niyang tinusok ang giliran ko kaya napa-preno tuloy ako bigla!

"Hey! I'm driving! Baka mamaya mabangga tayo sa ginagawa mo!"

He glared at me...

"Are you shouting at me?"

Oh sh*t! Sobrang nakakatakot talaga siya kapag ganito! Mukha talaga siya lulunok ng buhay! Nanginig tuloy ako sa sobrang kaba!

Mas nakakatakot pa yata itong jowa ko kaysa ma-aksidente kami jusko!

"N-No! Nagpapaalala lang ako."

"Good..."

Nagmaneho na lang ako ulit. Jusko! Ang hirap talaga kasi isang maling pitik lang, lulunok ng buhay itong si Hibiki. Nakakatakot!

Rinig ko ang paghinga niya ng malalim. Maya-maya ay naramdaman ko na naman na nakatitig siya sa akin.

"Please don't be so jealous with Akihiro. May asawa na siya at hindi naman naging kami. Isa pa-"

My Dangerous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon