Chapter 42: Damsel in Distress?

5.2K 372 153
                                    

Nasa work ngayon si Blake at ako naman ay umiinom lang ng mainit na gatas ngayong umaga. Day off ko kasi ngayon at pinaplano ko na kung paano ko buburahin sa picture si Elise.

I will never let you ruin us, Elise...

Talagang bumalik ka pa dito sa Pinas galing Australia with Blake's parents para sirain kaming dalawa?

Hahahha your plans will never work against me! Matutuyot lang ang utak niyo sa kakaisip kung paano niyo kami sisirain ni Blake pero wala kayong chance na manalo sa akin.

Biglang tumunog ang phone ko sa table at tumatawag ang guard sa hospital na workplace ni Blake.

Isa 'yung guard sa mga binabayaran ko para bantayan si Blake. Ano kaya ang i-rereport niya sa akin?

Let's see!

"Hello po Sir Hibiki!"

"Hello... Bakit naman napatawag ka? Anong ibabalita mo sa akin?"

"Hindi naman po ako sigurado sir. May napapansin lang naman po ako na kakaiba ngayon."

Napataas na lang ang kilay ko dahil sa sinabi ng guard. Anong kakaiba naman kaya ang napapansin niya?

"Para po kasing may nagbabantay din kay Sir Blake na ibang tao."

Oh! Interesting! Mukhang sulit ang binabayad ko dito sa guard at magaling siyang mag-observe!

"Ano ba ang napapansin mo?"

"Lagi po kasi akong may napapansin na lalakeng papunta-punta dito sa hospital pero nag-aabang lang sa labas. May hawak po na camera."

Ok... Mukha ngang may inuutusan ang parents ni Blake para bantayan ang bawat galaw ng anak nila. Nice!

"Hindi ko po sure. Parang nakita ko po kasi last time na nakatutok ang camera niya kay Sir Blake. Tingin ko po ay kinuhaan niya ng picture."

I smirked...

"Ok! Thanks for the info! Don't worry! May bonus ka sa akin."

"Thank you po Sir Hibiki!"

Mabait ako sa mga tauhan ko kaya loyal sila sa akin. Malaking tulong talaga na pinapabantayan ko si Blake.

Alam ko na ngayon na may inuutusan din ang parents ni Blake para bantayan siya ahhahah. Gawain 'to ng mga kontrabida kaya alam na alam ko ang ganyang galawan.

Tingin ba nila, hindi ko malalaman kaagad ang ginagawa nila? I have so many connections that they will never imagine. Hindi nila ako kaya.

Ang totoo nga niyan, ayoko naman talaga na makipaglaban sa parents ni Blake because they are still their parents. I want them to like me even a little pero anong magagawa ko kung homophobic sila?

Hindi ko gawain na ipilit ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin. If they don't like me, they should stay away!

"Ser! Ser Pogi!"

Napalingon na lang ako dahil hingal na hingal ang kasambahay ko na tumatakbo papunta sa akin.

"Calm down Inday! Alam ko na malawak ang mansion ko pero hindi mo naman kailangan mag-marathon."

Kawawa naman itong si Inday. Hingal na hingal eh hahahah. Ano kaya ang mahalagang sasabihin nito?

"Ser Pogi! 'Yung mga gwardiya po kasi natin, may hinuling lalake sa gate. Kanina pa raw po nagmamasid dito sa mansion."

My Dangerous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon