Chapter 4: Wild!

14.4K 608 189
                                    

Nandito lang ako sa unit ko kasi wala akong pasok ngayon. Honestly, medyo nagtataka lang ako kasi hindi pa nagpaparamdam si Hibiki.

Teka, bakit ko siya hinahanap?

Ilang araw pa lang kaming dalawa pero ang dami ng nangyari. Sa totoo lang, kinakabahan pa talaga ako sa mga mangyayari.

Hindi ko pa kasi talaga siya kilala...

Hindi ko nga alam kung saan siya nakatira. I don't even know anything about his background. Ang alam ko lang, pinsan niya si Kith na asawa ng pinsan ni Luther.

Hibiki is so mysterious...

Bigla na lang tumunog ang phone ko at lumabas na naman ang sexy picture ni Hibiki. Ewan ko kung bakit pero napangiti na ako.

"Hi..."

"Oh cute nurse! Are you busy?"

"No, day off ko ngayon..."

"What? Bakit hindi mo agad sinabi?"
Sigaw niya sa kabilang linya.

Shocks! Nagulat ako sa lakas ng boses niya! Grabe talaga itong si Hibiki!

"S-Sorry... I forgot to tell you."

I heard him sigh...

"Fine! You must be so bored because I'm not with you! I'm pretty sure that you miss me so much!"

Natawa na lang ako ng mahina. Sobrang confident niya talaga na miss na miss ko na siya; hindi naman masyado.

"May tinatapos lang akong documents. Come to me, baby! I'll send you my address. Pauwi na rin ako, sa bahay na tayo mag-lunch date, ok?"

"Ok..."

"See yah! Muah!"

I smiled... Malalaman ko na kung saan siya nakatira. I guess, mas makikilala ko siya. Nandoon din kaya ang parents niya?

Medyo kinabahan tuloy ako, baka kasi mamaya ay nandoon ang family niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila.

Nagbihis na lang ako...

Medyo malapit pala sa hospital kung saan ako nagtatrabaho ang address ni Hibiki. Nabigla ako dahil sa exclusive village siya nakatira!

Buti tinawagan ni Hibiki 'yung guard sa gate ng village kaya nakapasok na kaagad ako. Grabe, ang laki ng mga mansion dito!

Binaba na lang ako sa harap ng malaking mansion. Sh*t!

"D-Dito siya nakatira?"

Natulala tuloy ako habang nakatitig sa harap ng mansion niya. I know that he's rich because of his sports car but I did not expect na sa ganito kalaking mansion siya nakatira.

Biglang bumukas ang gate kaya pumasok na lang ako. Automatic na bumubukas, tadtad ng mga cctv ang labas.

Grabe...

Ang lawak ng garden niya. Naglakad na ako papunta sa mansion niya. Ang layo pala ng gate, sobrang lawak ng lupa. Pinapasok naman ako kaagad ng mga kasambahay niya.

"Hmmm... Where's Hibiki?"

"Wala pa po ser! Padating na po 'yun!" Sabi ng kasambahay niya.

Sinamahan nila ako papunta sa living room. Grabe! Mas malawak pala sa loob kaysa sa inaakala ko!

This is too huge! Pansin ko ang mga furnitures niya, halatang sobrang mahal lalo na 'yung chandelier!

Grabe, ang ganda ng mga dragon carvings sa pader niya. Tumingin na lang ako sa paligid. Pati ang couch parang nakakahiyang upuan hahaha.

My Dangerous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon