Chapter 21: Villain?

6.4K 341 82
                                    

I am just working here at the hospital. Maayos na ngayon si Hibiki. Wala na ang allergies niya at alam ko na busy siya ngayon sa business niya.

Ramdam ko naman kasi kapag busy siya. He will only call or message me during lunch. Ok kaming dalawa. Masaya ako sa kanya.

Tingin ko naman, masaya rin siya sa akin. Anyways, lagi naman kasi siyang masaya hahahahha. Minsan nga lang, tinotopak at nagsusungit pero kaya ko namang sakyan.

Ewan ko ba, minsan talaga may toyo rin si Hibiki. Honestly, hindi naman siya mahirap pakisamahan. Inaamin ko na medyo kilala ko na siya.

Alam ko na ang ayaw at gusto niya...

Simple lang ang trabaho ko at hindi naman ako kagaya niya na maraming pera pero kahit ganun, ginagawa ko naman ang best ko para mapasaya siya.

Mapera din naman ang family ko in Australia kaso we're not in good terms. I just want to live on my own.

Gusto ko maging malaya...

Right now, I am happy because I am free to do everything that I want and there is someone who can make me smile everyday.

Pinatawag ako ng head nurse namin kaya pumunta na lang ako sa office niya. Pagpasok ko ay may nakita naman ako na kasama niyang babae.

Mukhang bagong nurse...

"Good morning nurse Blake! I would like you to meet Nurse Geneva. First day niya rito and ikaw ang gusto ko na magturo sa kanya ng mga kailangan niyang gawin."

"Ok po! No problem!"

Ngumiti na lang sa akin ang bagong nurse. Honestly, she's quite pretty.

"Nice to meet you, Nurse Blake."

"Nice to meet you rin..."

Sinamahan ko na lang siya para ituro ang mga dapat niyang gawin dito sa hospital. Honestly, first time ko rin magturo sa bagong pasok na nurse.

Isa kasi ako sa mga bagong pasok lang din dito. Hindi pa ako senior nurse eh.

Mukha namang mabait si Nurse Geneva at natatandaan naman niya lahat ng mga sinabi ko.

"Nurse Blake may itatanong lang sana ako sa'yo pero medyo nakakahiya."

Napatitig na lang ako sa kanya. Ang cute niya naman tignan hahahha mukhang nahihiya talaga siya.

"Sige ano 'yun? Just ask me," I said.

She just bite her lips...

"Do you have a girlfriend?"

I just laughed a little. Parang 'yun lang naman pala ang tanong niya tapos nahihiya pa siya? HAHAHHA.

"I don't have a girlfriend," I just said.

Ngumiti siya bigla. Honestly, ang ganda niya lalo kapag ngumingiti.

Baka mamaya mawindang siya kapag sinabi ko na may boyfriend ako?

Sige, ipapakilala ko na lang siya kay Hibiki kapag sinundo ako mamaya or kapag dumalaw siya rito. Ayoko naman kasi naman kasi na manggulat dahil hindi naman lahat ng tao ay open minded.

Hindi naman ako kagaya ni Hibiki na bigla na lang nanggugulat hahahah.

Honestly, ayoko namang mag-assume pero parang halata naman na type niya ako? I mean, hindi naman magtatanong ang babae kung may girlfriend ang lalake kung 'di niya type di'ba?

Bisexual ako so, attracted pa rin ako sa babae. She's quite beautiful too!

Ang kaso, hindi ako manloloko. Kahit naman hindi pa masyadong malalim ang pinagsamahan namin ni Hibiki, hinding-hindi ko siya ipagpapalit sa kahit kanino.

My Dangerous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon