4. Girlfriend

12.1K 431 10
                                    

Maybe it's not forever
Maybe the night will change us
Maybe we'll stay together
Maybe we'll walk away
Maybe we'll realize
We're only human
Maybe we don't need no reason

TINA

Gago talaga yung Kevin Moreno na yun. Gagawa ng ganung move tapos magtatago naman sa akin. Bakit hindi siya pumasok ngayon? Nakakainis! Pano kung gullible naman ako at naniwala ako sa kanya. Ano na lang ang mangyayari sa akin niyan? Eh di umasa ako. Siyet!

Buti na lang at maaga natapos ang hearing ngayon. Hindi naman kami nag convene na. Bukas na lang daw ulit kami ng 1 pm ipagpapatuloy yung pag cross kay Governor Matthew.  Marami pa pala akong pipirmahan sa opisina kung. Mga 6 pm na naman ako nito makakauwi. Kaso, shucks, birthday pala ngayon ni COngressman Kilayko. Hindi ko siya kapartido pero imbitado ako. Sabi ni Dad as much as possible, mag attend daw ako sa mga imbitasyon ng mga colleague ko kahit hindi ko kasama. Punta ako dun baka kasi nandun si Kevin. Kailangan ko siyang makausap. Hindi pwede tong mga pinag gagawa niya. naeeskandalo ako. Pano na lang kung totoong may boyfriend ako? Yun pa ang iispin ko. Oh Siyet! Yung "boyfriend" ko sa hallway para kanina kailangan ko din siyang kausapin. Nasan na kaya yun? Di ko pa alam ang number niya. Alangan namang sabihin ko sa staff ko na nanghalik ako ng lalaki na di ko naman pala boyfriend at di ko alam ang number? Pano ko kaya siya icocontact ngayon? Kailangan maging consistent ako.Naku! Pano pala kung siya ang may girlfriend? Patay, nag away na mga yun.

"Tina"

"Matt? este governor?"

"San ka nagpunta? Kanina pa kita hinihintay dito. Ayoko namang pumasok sa opisina mo."

"Bakit hindi ka pumasok? Tara, pasok kayo."

"Ah eh, gov, sir, dito na lang kami ni Frank maghihintay."

"Sige."

HIndi nagulat ang staff ko. Instead yung ngiti nila parang nakakaloko eh. Minsan naiinis ako sa mga taong ito. Sabagay they have served my Dad and the younger ones have been  with me since I graduated from college. nung tinuturuan na ako ni Dad. Office staff ko na sila kaya minsan nakakaloka silang mang inis sa akin. Alam kasi nila na hindi ako nagagalit basta basta.

"Hello Gov."

"Hello Jenna."

"Uy si sir, kilala ako."

"Siyempre naman. Ikaw kaya yung pinaka maingay na staff ni Congresswoman na pag pumasok sa office of the governor parang may parada."

"Hahahahaha"

"Sobra kayo Gov huh!"

"Hahaha, biro lang. Sige maiwan muna namin kayo.  The congresswoman and I have something to talk about. Mamaya ko na kayo papansinin."

"Oo gov. take your time po."

INSIDE THE PRIVATE OFFICE

"So what was that, congresswoman."

"So sorry."

"well you need to explain to me first why you you did that?"

"Oh well....pano ba?"

"Start by telling me why you kissed me?"

"Hmmmm ganito kasi, you probably saw the billboard along EDSA. Dumaan ka ba dun?"

"Anong billboard?"

"Hindi mo alam? Hindi mo nakita?"

"Hindi. Ang dami namang billboard dun eh."

"Hay naku naman Matt, why are you so being difficult?"

"Ano ba yun kasi?"

"Yung billboard ng proposal ni Representative Moreno."

GIVE ME A CHANCE (Completed)Where stories live. Discover now