20. I MISS YOU

6.9K 289 9
                                    

TINA

First Day at Work

It's been three months that I was staying in Brighton for the lockdown. So when the President lifted the lockdown, I had to go back to Manila and start work. I wanted to cry when Matt hugged me when he dropped me off sa airport. Kaso baka magtaka siya. And Ako din nagtataka bakit ako naiiyak. It was tight when he hugged me. The PDA was for the people around us. He actually just came home to drop me off. Hindi kami nag usap. Just small talks lang. Yaya came with me, siya daw ang tutulong sa akin. Two of his men came with me. Siya nagsabi na he does not trust my bodyguards. Puro daw tauhan ng tatay ko sila kaya yung loyalty nila, na kay Dad pa din. Bakit ganin, namimiss ko na siya. Sa house na nirerent namin sa Manila ako umuwi. Most of the people in the house came from him. Siya nag provide. Wala naman ako reklamo.
In fairness to him, he is a good provider. He gave me money for grocery and market and the bills. Nung una, diko tinatanggap. Ibinigay niya sa yaya niya and ang kawawang matanda, hindi alam ang gagawin, ayun ibinigay sa akin yung pera. Wala din ako magawa kundi kunin din yung pera. Nakakahiya nga kasi alam ko naman na tinutulungan niya ako sa problem ko with Dad and Kenneth, he need not provide. Pero, he does it.

Kumain na kaya yun? Nag dinner na kaya siya?

Tawagan ko kaya?

Riiing  riiing riiing

"Tina? Something wrong?"

"Wala naman. Just checking kung kumain ka na."

"We're in a middle of a meeting. Pero kakain pa lang. Ikaw?"

" Sorry sorry, akala ko wala kang meeting."

" Okay lang. Pasensiya na guys, tumatawag si Misis."

I heard the people in the background saying hello ma'am at okay lang sir."

" Halla! Kumain ka na after ng meeting huh?"

" Oo. Kumain ka na ba?"

" Yeah. Sabay kami ni Yaya. Ayaw niya sumabay sa akin pero pinasabay ko na siya. Oh sige, tawag na lang ulit ako. Take care huh? "

" Yeah. I will. "

MATT

" I love you too."

Sinabi ko lang yun for the people present in my office pero naibaba na ni Tina yun before ko sinabi.

When I dropped her off sa airport hindi ko siya masyadong kinausap. Ang dami dami kong iniisip nun. May mga nagpositive pa sa probinsiya. Buti na lang at yung namatay eh hindi siya covid patient. Naiinis na din ako dito sa pandemic na to. There seems to be no solution. Buti na lang at sinusunod ako sa mga suggestions ko sa council na gagawin namin sa probinsiya.

For the past weeks na magkasama kami hindi kami lumalabas. Sa bahay naman either nasa study ako na makeshift office naming dalawa.

Natawa ako sa kanya nung tinanong niya kung bakla ako. Gusto ko mainis pero tumawa na lang ako. Ako napagkamalan niyang bakla. Hindi ko sinagot. Pinabayaan ko siyang mag isip. Never akong nagseryoso sa babae pero di naman yun rason na bakla ako. Hindi ko pa lang nakikita ang babaeng seseryosohin ko. Si Tina nga diko alam kung ang attraction ko lang sa kanya eh ikakama lang or what. Basta alam ko, asawa ko siya pero di ako umaasa na one day magkakaroon kami ng relasyon aside from what we are having now.

AUTHOR:

Actually maigsi kasi diko na alam kung paano ipapasok yung next episode hahaha. Kaya sa next Chapter na lang.

Please vote, comment or share. Sa mga ghost readers, vote naman kayo tutal libre naman eh. Itago ko kaya yung next 5 chapters? Hahahha

GIVE ME A CHANCE (Completed)Where stories live. Discover now