29. QUARANTINE

6.9K 284 8
                                    


MATT

The result of the swab test came in positive. Tina had to stay at home. Lahat ng na contact trace nila 3 lang ang positive. Everyone came from the provincial capitol. Lahat nagtatranaho dun. Paano nakuha ni Tina? Sabi ng doctor, probably sa akin galing. Yung mga kasambahay namon nag negative din sila. Kami lang ni Tina ang positive. Yung mga nagpositive naman na asymptomatic, nag home quarantine na lang.

After four days na mataas ang lagnat at naka oxygen si Tina, bigla na lang siyang naging okay. Hindi na kailangan ang ventilator. Akala nila mag ve ventilator na siya. Buti na lang walang kaso ngCovid ang probinsiya namin. Mga nagpapakita lang ng simtomas pero hindi naman covid pag tsinecheck nila.

"Matt?"

"Yes Babe?"

""Hindi ka umuwi?"

"Hindi. Dito lang ako. Bakita?"

"Uwi ka na mag rest ka sa bahay. Kailangan mo din mag rest."

"PAg pinauwi ka na nila, tsaka na ako uuwi."

"Wala naman na akong sakit. Kailangan ka ng probinsiya."

"Kaya nga, nandito ako para mas madali akong magamot di ba?"

"Ayaw mo lang  akong iwan eh."

"Precisely! Kaya take a rest at matutulog din ako. Kailangan ko din daw mag rest sabi ng doctor."

"Matt?"

"Yes, Tina?"

"Why are you here? Why are you doing this?"

"Kailangan ko din gumaling..."

"Yung totoo? Pwede naman na sa bahay ka na lang magpagaling eh."

"Mas maraming taong madadamay. Pag na discharge tayo dito, direcho tayo sa beach house ng pamilya ko. Malapit sa city at sa mga hospital pero malapit sa dagat. Walang nakatira dun para hindi na tayo maka hawa pa. In case lang. Tsaka, nandun na lahat ang kailangan natin. Sabi ng mommy mo, padadalhan daw tayo ng pagkain every day. Sabi naman ni Mommy ko, sila na daw bahala sa grocery. So okay lang para di na tayo magpapagod pa."

"Pumayag ka sa gusto nila?"

"Oo, sayang naman yung pang grocery at pambili ng pagkain di ba?"

"Ikaw talaga."

"Rest ka na sweetheart para makauwi na tayo."

"Sweetheart, baby, ano pa?"

"Ayaw mo? "

"Hmmmmm"

"Sige, ayaw mo pala eh. Di na kita tatawaging sweetheart at Baby."

"Hmmp! Bakit? Siguro may tinatawag kang Baby at sweetheart eh."

"Magaling ka na nga. Selosa mode ka na ulit eh."

"Ano na nga pala pangalan nung babae sa opisina mo nun> Yung nahuli kong hiahalikan ka?"

"Halikan talaga? Nakaupo lang siya sa kandong ko uy. At with violent reaction yun. Kung alam mo lang. Umalis ka kaagad eh."

"Eh nakakandong eh. Tsaka parang nagulat ka nung makita mo ako."

"Hindi ah. Nagulat ako nung umupo siya tapos biglang nandun ka na. Hindi ako guilty. Siya ang umupo habang may kinukuha ako sa table ko nun."

"Gusto mo naman."

Hindi ah."

"Weeh. Di nga?"

"Hindi nga. Tsaka kung gusto kong may nakakandong sa akin, ikaw yun. Ikaw lang ang gusto kong nakakandong sa akin."

"HMP!"

"Try mo kaya kumandong sa akin ngayon?"

"Sira ka ba?"

"Hahaha. Sige na, matulog ka na. rest muna tayo para makauwi na tayo. Ayaw mo bang ihug ulit ako?"

"Tumigil ka nga Matthew Joseph Cruz!"


"Okay Mrs. Kristina Cruz."


AUTHOR

Please VOTE, COMMENT and SHARE. Thank you so so much.

GIVE ME A CHANCE (Completed)Where stories live. Discover now