19.FIRST MONTH

7K 292 4
                                    

MATTHEW

I's been a month since I got married. Since we got married. I actually remember it. Nung Monday ko pa naalala dahil I was signing papers. Narealize ko, 1 month na kaming kasal. Most of the time dito lang siya sa bahay. Ako sa opisina. May mga times na naka webinar din siya with the other congressmen. Kailangan din niyang magtrabaho pero mas kunti lang ang problema nila kaysa sa akin. Nunh last week sinabihan niya ako na mahaba na buhok ko and she volunteered na gugupitan ako.

"Sure ka marunong ka?"

"Clipper naman gagamitin eh. Hindi gunting. I Googled it."

" Sige. Para pag nasira mo, di sabihin ko na lang kasalanan mo."

" Hahaha, hindi nga masisira eh."

" Kung nasira ano ang bayad?"

" Hmmmm bahala ka."

"Masahe everytime uwi ako,"

"Yun lang pala eh."

So kahit tagumpay yung pagugupit niya sa akin, minamasahe pa din niya ako pag umuuwi akong gising pa siya.

I bought a bracelet nung ikinasal kami. Pandora bracelet na may 25 na maliliit na diamonds kasi yun ang age namin. At isang charm na MKC na initials namin. Matthew Kristina Cruz. Kaso naipack na sa mga gamit ko noon kaya di ko na naiabit sa kanya. Buti na lang kasi wala akong gift sa kanya today. Kaya eto na lang.

Maaga sana akong uuwi kaso 10 na nung matapos ang press con. Online press briefing lang. Nasa opisina ako. Sila nasa mga istasyon nila.

When I got home yung guards na lang ang mga gising. Yung isang maid si Manang Estella matutulog na. Papasok na siya sa room nila ni Yaya.

"Good evening Sir."

"Good evening Manang. Matutulog na po kayo?"

"Oo sir."

" Ah okay sige. "

" Kumain na po ba kayo sir? Ipaghahain ko po ba kayo?"

" Huwag na manang. Ako na lang gagawa pag nagutom ako. Si Tina?"

" Nasa taas na po si Ma'am. Ang daming nilutong pagkain kasi akala niya kakain kayo dito. Pero sabi niya baka busy pa kayo. "

" Oo nga eh. Sige manang, akyat na ako."

"Sige sir, good night po."

"Goodnight Manang."

Tulog na kaya siya? Di pala ako tumawag sa kanya buong araw. "

"Hi!"

She's still preparing to sleep. Tamang tama na sasampa na siya sa bed nung pumasok ako.

Nagulat siya.

"Hello. Kumain ka na?"

GIVE ME A CHANCE (Completed)Where stories live. Discover now