CHAPTER 23: AKIN SYA

622 25 9
                                    

RYNCHELLE'S POV

"Ipasok ko na ba? Ayos lang ba?" Ikasampung beses na nyang tanong. Ugh! Kailan ba sya titigil?!

"Oo nga kasi! Ipasok mo na kasi ng makalabas na tayo dito! Mas lalo mo lang pinapabagal eh!" Nanggagalaite ko nang sigaw sa kanya. Napakamot naman sya sa batok nya

"Okay! Papasok ko na wag nang high blood. Pero sure ka ba?" paligoy -ligoy nya pangsabi! Nababanas na talaga ako sa kulit nya!

"Oo nga! Oo nga! Oo! Yes! Kung kanina mo payan pinasok edi Sana tapos na tayo, Ano ba gusto mo ako pa magpasok nyan sayo?! Kahit kailan talaga oh!" Naiirita Kong sigaw sa kanya jusko! Saan ba pinaglihi ang hinayupak na Ito at hindi makaintindi ng oo! Tsk.

"Woah! Yoko nga! Ayoko ng hinahawakan ako!" Napaka-arte talaga!

"Ipasok mo na kasi at naiinip na ko rito sa loob ng kotse!" Iritang sigaw ko muli

"Oo na Ito na, Ipapasok na. Tsk!" Nakanguso nyang inayos ang necktie nya at ipinasok na ito sa loob ng blazer at nakangising tumingin sakin. Kung kanina pa nya yan ginawa edi sana nakaalis na kami rito! Jusko naman Kasi. Ilang minuto na kaming late dahil sa kaartehan ng lalaking Ito oh!

"Ang gwapo ko na ba?" Nakangisi nya pareng tanong binigyan ko lang sya ng 'Are-you-kidding-me-look'

"Nanggigigil na ko! Isa nalang at talagang mapapatay na kita"

"Aish! Ang kj mo naman! Halika na nga" bumaba na sya ng kotse kaya bumaba na ren ako. Asa pa ba akong pagbubuksan nya ko ng pinto? Huh! Sa isang maarteng bakla na tulad nya ay di na ko aasa pa tsk!

Tama Kayo, kanina pa kami nasa kotse at ayaw nya lumabas dahil daw ayaw nyang magulo ang itsura nya pagbumaba sya. Napaka-arte talaga, Tapos kanina pa sya papalit-palit ng necktie kaya nung nabanas na ko ako na mismo ang dumampot at ibinato sa kanya tsaka ko sya pinagpilitan na ipasok na nya sa loob ng makalabas na kami. Nakakabanas na Kasi sya eh! Bakit ba kasing hindi nya yun ginawa sa bahay nya?! Talagang dinala nya pa lahat ng necktie nya para lang itanong sakin kung bagay ba yun sa kanya o akma ba yun sa suot nyang blazer. Nakakairita talaga, Konti nalang at iisipin Kong sinasadya nya Ang lahat ng to para makabawi sa pangba block mail ko sa kanya.

Nandito kami sa engagement party ng pinsan nya at dahil nga wala syang makasama ay ako nalang ang sinama nya.

"Sure ka bang ready ka na?" Tanong nya muli Kaya sininghalan ko sya ng tingin agad naman nyang tinaas Ang dalawa nyang kamay "Bakit kasi di ka magpaayos? Ako naman ang gagastos, malaking opportunity na yun sayo eh" inirapan ko lang sya at mabilis na naglakad

Mabilis naman nya akong hinabola at sumabay sakin sa paglalakad "Easy! Easy. Tinatanong lang naman kita Kasi Alam kong kinakabahan ka at napakagwapo Kasi ng kasama mo" Nandidiri ko lang syang pinasadahan ng tingin at iiling-iling na nagpatuloy sa paglalakad.

Nakacocktail dress ako dahil nga pagtitipon ito ng mga mayayaman. Yung ayos ko ay niladlad ko ang mahaba kong buhok at nagsuot ng napakakapal na salamin, di naman masagwa ang itsura ko at di rin naman ako mukhang hampas lupa na nerd---pero ginawa ko talaga lahat ng makakaya ko para di nila ako mamukhaang si Rynchelle na sikat na model dahil pagnangyari yon malamang lagot ako kay Queen.

Habang naglalakad kami papunta Doon sa gate ay huminto sya kaya napahinto ren ako at kunot-noong tumingin sa kanya

"Tanggalin mo na kasi yung salamin mo" eto na naman tayo tsk

That Cold Nerd Is The Gangster Queen [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon