CHAPTER 35: JEALOUS

323 14 0
                                    

HELLIANNA'S POV

Ilang araw na ang lumipas at tuluyan na kaming nakarecover sa mga natamo namin kaya eto kami back to school ulit. Tss, nakakatamad lang.

Habang naglalakad ako sa hallway ng school nakarinig ako ng tilian sa pag-aakalang sila Danger iyon kaya lumingon ako ngunit ibang tao ang nakita ko. Napakunot ang noo ko ng makitang parang enjoy na enjoy nya pa ang atensyong nakukuha. Napailing nalang ako tss.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa class room sinalubong naman ako agad ni Danger, pati yung ibang students ay napatingin samin, tss mga chismosa.

"San ka galing? Bakit di mo sinasagot tawag at text ko sayo?" Naghi-hysterical nyang sabi napairap naman ako. Masyadong OA. Masyadong madrama.

"Dyan lang sa tabi tabi" lalagpasan ko na sana sya ng marinig ko ang boses nung lalaki kanina.

"Devillianne kooooo! Namiss kitaaaAaa" sigaw nito at agad yumakap sakin, ilang beses kong marahas na tinanggal ang kamay nyang nakapulupot sakin pero daig nya pa tuko sa sobrang higpit ng yakap. Kahit kailan talaga ang ingay ingay nya

Aksidenteng napalingon ako kay Danger na ansama tumingin sa mga kamay ni Rayver na nakayakap paren sakin. Oo si Rayver nga itong lalaking nakayakap sakin, Ewan ko ba kung ano ang nahithit nito kaya hyper na naman. Nakakatol o rugby ata to. Naramdaman siguro ni Danger ang tingin ko sa kanya kaya ako naman ang binalingan nya ng masamang tingin agad naman akong napaiwas ng tingin. Tang*na kasi nitong si Rayver eh.

"Devillianne kooooo. Di na ko mag-aaral! Namiss talaga kita sobra! Kainis ka kasi eh, isang beses mo lang ako binisita tapos hindi mo pa ako kinausap!" Nagtatampo nitong saad at ngumuso, napairap naman ako at naglakad papalayo sa kanya.

Umupo ako sa dulo, sa tabi ni Ryn tapos itong siraulong si Rayver sa tabi ko pa talaga umupo tss. At agad na pumulupot sakin, kahit kailan talaga itong lalaking to, nakakabanas! Masyadong clingy

Buong maghapon akong hindi nilubayan ni Rayver kaya buong maghapon ko ren ramdam ang masasamang tingin na pinupukol sakin at nangunguna doon si Danger na hanggang ngayon hindi pa ren ako pinapansin, tss. Masyadong isip bata. Selos ang pinakawalang kwentang nararamdaman ng isang tao. Nakakapagbigay lang ito ng iritasyon. Tsk.

May lumapit na babae sa kanya talagang dinikit pa nito ang katawan kay Danger, tumaas ang kilay ko. Sino naman itong hampas lupang lumapit sa kanya?

"Danger, May gift nga pala ako sayo Sana magustuhan mo hihihi" Parang bulateng nilagyan ng asin yung babae kung kumembot sa harapan. Kilig na kilig tss. At ano daw? Gift? Di naman nya birthday para bigyan ng regalo ah?! Subukan nya lang talagang kunin yung dala nung babae at humanda sya sakin! Papatayin ko silang dalawa ng magkasama para masaya!

"Salamat"

Sinamaan ko sya ng tingin pero tumaas lang ang gilid ng labi nya at tinanggap ang regalo nung babae, nandidilim ang mata ko sa sobrang galit. Padabog akong tumayo at lumapit sa kanya marahas kong inagaw sa kanya yung lunchbox at inihagis sa board. Narinig suminghap ang lahat. Nanlilisik ang mga matang tinapunan ko ng masasamang tingin si Danger tsaka ako padabog na umalis ng room.

Papalabas na ako ng may humawak sa braso ko. Paglingon ko, yung babaeng lumalandi kay Danger ang may hawak nun. Sinamaan ko sya ng tingin, nakita ko yung takot sa mga mata nya pero nilakasan nya ang loob nya at nagsalita

"S-sino kaba sa akala mo ha?! Bat mo tinapon yung bigay ko kay Danger?!" Nauutal ngunit nakasigaw nyang sambit, marahas kong tinanggal ang kamay nyang nasa braso ko at humarap sa kanya

"WALA KANG PAKE!!" Sigaw ko ren at malakas na sinipa yung pinto sa harap ko kaya nasira ito. Dare-daretso lang ako lumabas ng room! Nang may hinablot na naman sakin! This time kamay ko naman ang hawak nya. Nanggigigil akong lumingon

"Wag mong sabihing nagseselos ka kaya ganyan ang reaksyon mo kanina? Seriously Devillianne? Marunong ka nang makaramdam nun?" Natatawang ani Rayver. Tiningnan ko sya ng masama at tinulak

"Hindi ako nagseselos! Hindi! Never!" Mabilis ko syang tinalikuran at agad nagmarcha paalis

Wala akong pakialam sa mga taong nakatingin sakin dukutin ko pa mga mata nila dyan isa-isa eh.

Huh! Ako nagseselos?! Hindi ah! Never ko yun mararamdaman! Tulad nga ng sabi ko kanina hinding-hindi ako magseselos dahil isa iyon sa mga pinakawalang kwentang nararamdaman ng isang tao. Magsama-sama silang lahat! Pake ko ba sa kanila?! Psh!

DANGER'S POV

Nanatili akong tahimik habang nakasulyap sa daan na tinungo ni Hell. Nababanas pa rin kasi ako hanggang ngayon malamang kasi magkasama na naman sila nung lalaking iyon! Sino ba yun at bakit nya hinahayaang yakapin sya nun at bakit binisita nya yung lalaking iyon ng hindi sinasabi sakin? Kailan nya yun binisita? Bakit wala akong alam? Aish! Masisiraan ako ng ulo dahil sa babaeng to eh!

Sa inis ay mabilis akong tumayo at naglakad papaalis ng room. Hinanap ko siya simula music room, auditorium, swimming pool etc. Kung saan-saan. Kumunot ang noo ko ng makita ko siya sa cafeteria na nakikipag-usap sa lalaking iyon! Na naman! Napatiim-baga akong tumingin sa kanya tapos ay naglakad papalapit sa kanila. Malakas kong hinampas yung lamesa nito, sabay naman silang natigilan at nag-angat ng tingin sakin. Masama ren ang tingin sakin ni Hell pero nilabanan ko iyon. Siya nga itong may kasalanan tapos sakin siya magagalit? Tang*na!!!

"Oh anong kailangan mo?" Walang emosyon niyang tanong. Lalo akong nabanas dahil don! Pagdito sa lalaking ito tatawa tawa sya tapos pagsakin ganyan ang tono nya?

Ngumiti ako ng sarkastiko "Ano masaya ba? Masaya ba makipaglandian?" Matatalim na tingin ang pinukol niya sakin ngunit wala akong pake, Nilabanan ko rin siya ng masamang tingin. Nakatingin na ang lahat samin

Ngumise sya "Sa iyo ko nga dapat iyan tinatanong hindi ba? Oh.. " tumigil sya na parang may naalala at nang-aasar na tumingin sakin "Nandito ka ba kasi nagagalit ka at itinapon ko ang binigay ng kalandian mo? Pede ka namang magpagawa ulit sa kanya diba?" Umirap sya.

Umigting ang panga ko dahil sa pagpipigil ng galit "Ikaw nga itong may kalandian tapos ikaw pa ang galit!" Di ko na napigilang nagtaas ng boses

"Eh, Putang*na mo--" di nya natapos ang sasabihin ng hinalikan ko sya, smack lang. "What the fvck?" Natingilan ulit sya ng muli ko siyang ninakwan ng halik. Ngumise ako

"One curse, one kiss" sinamaan nya ako ng tingin

"What the hell are you doing?!" Akmang hahalikan ko siya ulit ng umatras siya at awtimatikong hinarang ang palad sa bibig nya. "Doon ka sa kalandian mo humalik wag sakin, mahawaan mo pa ako mg virus" pasiring niyang sabi, banas na banas

Napakunot ulit ang noo ko at nagsimula muling mainis! "Bakit sino ba satin ang may kasama ngayong ibang lalaki at nakikipagtawanan?!" Nababanas kong tugon

"Bakit sino ba satin yung nakikipaglandian? Yung nagsabi ng 'salamat' in malandi tone habang nakangiti pa? Ako ba? Ako ba?!" Sigaw nya ren at tinulak ako tsaka siya padabog na umalis! Inis kong binaling sa dinaanan niya ang tingin ko

"HINDI PA TAYO TAPOS!!!" Sigaw ko

"I DONT FVCKING CARE!" Sigaw nya pabalik sa inis na inis na tono

***

If you like the story please don't forget to vote😊😄 I'm still waiting for your feedback guys

That Cold Nerd Is The Gangster Queen [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon