CHAPTER 8;

64 10 0
                                    

Kaisler Jhon P.O.V

"Pre! Akala ko ba ititigil mo na ang pangbubully mo sa mga newbies bakit kanina ginawa mo pa rin dun sa babaeng freshmen." Galit na sabi ni Jeorge.
"Oo nga pre! Sa harap pa ng maraming studyante mo pa siya ipinahiya." Gatong naman ni Victor.
"Siya naman nagsimula ehh kung hindi lang siya tatanga tanga hindi na umabot sa ganun." Giit ko naman.
"Hayy pambihira ka, ang taas parin ng pride mo tol! Walang pinagbago ibang klase." Natatawang wika ni Chester Kim,kaya binatukan ko na lang siya. Nagtawanan naman sila.
"Eyy...kaisler si Gerlyn ba yun?" Itinuro niya sakin ang gawing dulo ng hallway. Si Gerlyn nga at may kausap itong dalawang babae.
"Nakita nanaman niya ang inspirasyon niya. Sana meron din akong jowa gaya niya." Si Chester.
"Ahahaha...ulol,ehh di maghanap ka." Natatawang sagot ko sa kanya.
"Tss..may gusto na  yan pero di niya naman maamin..." Angil ni Jeorge.
"Sino?" Nagtatakang tanong ko.
"Tsskk...di updated." Umiiling na sagot ni Victor. Nakita kong nakangiti lang si Chester..Abnormal ba toh..
"Ehh sino pa Edi si Irene Yam Flores ang dakilang crush ng isang Chester Kim Chua." Sagot ni Jeorge.
"Torpe nga lang tong si Chester." Natatawang saad ni Victor.
"Gago nagsalita ang hindi torpe..ehh siya nga tong hindi makapag tapat ng nararamdaman niya kay Vea.." Asik ni Chester kay Victor. Nakakatawa may nagugustuhan na pala sila di nila sinasabi sakin.
"Tskk..para malaman niyo pareho kayong hindi makaamin sa babaeng gusto niyo..tcchh." Singhal ni Jeorge. Natawa na lang ako sa kanila. Kami ni Gerlyn ay 2 years na in relationship at masaya ako dun napangiti na lang ako sa sariling isipin.
"Una na kami sa room pre sunod ka na lang." Pagpapaalam nilang tatlo.
"Sige." Pagpayag ko. Nung umalis na yung tatlo ay lumapit naman ako kay Gerlyn.
"Hi Love." Bati ko sa kanya nung makalapit ako tiningnan naman kami nung dalawang kasama niya na sina Christine at Jasmine.
"Oyy..nandito na ang pampagana ni lyn." Panunukso ni christine.
"Ohh sya sige mauna na kami sa room." Pagkasabi nun ni Jasmine ay hinila niya na si Christine.
"Ohh..Kaisler ano ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin.
"Syempre pinuntahan ka." Natatawang sagot ko.
"Ikaw ano ginagawa mo dito?" Tanong ko rin sa kanya.

"Ahh..may ibinigay lang ako kay Ma'am Recafort."

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa nga ehh pupunta sana ako sa cafeteria ang kaso nga lang pinatawag ako ni Ms. Recafort kaya di na ako naka daan sa cafeteria para kumain." Paliwanag niya sakin. Mabuti na lang at bumili na ako kanina para sa kanya. Kinuha ko ito sa bag.

"Ito kumain ka." Inabot ko sa kanyan ang dalawang sandwich at dalawang burger at isang bottled drinks.

"Ang dami naman nito kaisler pero thank you pa rin." Nakangitung tugon niya.

"Dinamihan ko na para di ka magutom." Natatawa kong sagot sa kanya. Tumawa naman siya.
"Hindi ka pa ba babalik sa classroom niyo?" Tanong niya sakin.
"Ihahatid muna kita sa room niyo bago ako bumalik sa classroom." Presenta ko sa kanya.
"Ohh..sige." Sagot niya saka naglakad na kami para ihatid siya sa room niya na nasa second floor ang department niya.
"Where here." Sabi ko.
"Sige na bumalik ka na rin sa room nyo nandito naman ako ehh." Nakangiting saad niya.

"Aalis ako kapag nakapasok ka na."

"Ok po." Akala ko ay papasok na siya ngunit hinila niya yung neck tie ko at dinampian niya ako ng halik sa pisngi kaya napangiti naman ako sa ginawa niya.
"I love you." Bulong niya sa tenga ko.
"I love you too." Hahalikan ko sana siya pero itinulak niya yung mukha ko. Tumawa naman siya kay napanguso ako.
"Hindi yun pwede." Pumasok na siya at naiwan lang akong naka nguso pero napalitan yun ng isang matamis na ngiti. Nung makapasok siya ay umalis naman ako pabalik sa room namin. Nung pabalik ako ay dito ako sa harap  dumaan malapit sa field dahil mas madali kung mararating ang room kung dito ako dadaan habang naglalakad ako ay may natanaw akong dalawang babae na magkayakap habang naka upo,tumigil muna ako at pinagmasdan sila tumayo na sila at nagsimulang maglakad sa may gawi ko sila papunta nung malapit na sila sakin ay nagsimula na rin akong humakbang nakita kong nakatingin yung isang babae kasama nung binubully ko dati..syempre nagbago na ako tinigilan ko na lang. Nung tiningnan ko ulit yung babaeng nakatingin sakin ay masamang titig ang pinukol niya sakin nagulat ako nung inirapan niya ako.. Nang init bigla yung ulo ko sa iniasta niya.
    Linagpasan lang nila ako nung sundan ko sila ng tingin ay naka layo na sila.
"May araw ka rin sakin." Bulong ko sa sarili,tumalikod na ako at nagpatuloy na lang din sa paglalakad. Nakarating ako sa classroom ko nang nakakunot ang noo dahil sa nangyari kanina kaya domeretso na lang ako sa upuan ko. Wala pa naman ang prof namin kiya sinalpak ko ang headphone ko nakinig ng tugtog. Tumabi naman sakin ang gago at inalis ni chester ang headphone ko.
"Oh..bakit naka busangot ka?" Takang tanong sakin ni chester.
"May nangyari ba sa inyo ni Gerlyn? Nag-away ba kayo?" Sunod sunod na tanong ni Victor.
"Nahh...hindi naman si Gerlyn." Sagot ko.
"Ehh..sino?" Isa pa tong si Jeorge chismoso din.
"Yung nakasalubong kong babae kanina dun sa hallway ang lakas ng loob para irapan ako." Paliwanag ko sa kanila tumawa naman sila sa sinabi ko.
"Yun lang?" Tumatawang wika ni Chester kaya naka kuha siya sakin ng isang malutong na batok.
"Who's that girl?" Tanong ni Jeorge.
"I don't know mukhang bago siya dito." Sagot ko.
"Maganda ba ?" Pilyong tanong naman ni Victor..Tss napakababaero talaga nito.
"Gago...Ewan ko sayo." Walang ganang wika ko kay Victor.
Natahimik naman ang lahat kaya bumalik na sila sa kanya kanyang upuan dahil dumating na ang prof namin sa Chemistry.

THE BRIDGE OF LOVE (MOONSTONE TRILOGY)Where stories live. Discover now