CHAPTER 20;

49 7 0
                                    

Eli P.O.V

Inalok ako ng nanay ni Nikka na dito na lang ako kumain sa kanila total gutom na din ako kaya pumayag na ako. Sumunod na kami ni Nikka sa nanay niya na pumasok sa kusina.
"Upo na kayo." Sambit niya. Habang pinaghahanda niya kami ng mga pagkain.
"Ako na lang po." Pagpresenta ko nung akmang lalagyan ng kanin yung Plato ko.
"Ahh sige  iha. Damihan mo ang kakainin mo masarap yang niluto ko paborito yan ni Nikka." Ngumiti na lang ako.
"Iha saan  ka pala nakatira?" Maya maya'y tanong niya sakin.
"Ahh tita na lang itawag mo sakin Eli." Pahabol niya tumango lang ako.
"Sa McKinley village po tita." Sagot ko. Inabot niya sakin yung ulam kaya inabot ko naman ito.
"Doon  ka nakatira?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti na lang ako saka tumango bilang sagot.
"Oo nga nay doon  siya nakatira." Singit ni Nikka.
"Hindi kasi ako makapaniwala dahil sobrang yayaman ng bawat nakatira doon. Hindi lang basta bahay, mansyon na ang tawag doon dahil sa sobrang laki ng mga bahay dun." Saad ni tita.
"Nay..ehh mayaman talaga yan si Eli." Pagkaklaro ni Nikka sa Nanay niya. Nakakatawa silang tingnan.
"Hehehe Eli pagpasensyahan mo na ang kakulitan ni Nanay ahh." Nginitian ko siya dahil ang totoo  nakakatawa sila kasama.
"Ayos lang yun nakakatawa nga ehh." Nakangiting sambit ko.
"Iha." Napalingon ako Kay Tita  nung tawagin niya ako.
"Ano po yun?" Magalang na tanong ko.
"Alam mo bang ikaw lang ang unang kaibigang dinala dito ni Nikka." Nakangiting saad niya.
"Ang swerte ng anak ko sayo dahil sobrang bait mo. Ikaw lang ang tumuring sa kanya bilang isang kaibigan. Ikaw yung naikwento niya sakin kahapon na kaibigan daw niya." Mahihimigan sa kanya ang saya para sa kanyang anak. Nakinig lang ako sa kanya habang nagkukwento siya akin.
"Minsan nga umuuwi yan ng bahay ng umiiyak,madumi at punit ang uniform dahil sa pang bubully ng mga kaeskwela niya. Sinabihan ko na siyang umalis na doon  at lumipat na lang sa ibang skwelahan dahil baka din maging payapa ang buhay niya pero ayaw niyang umalis ng MIU dahil yun ang pinangarap niyang skwelahan." Dugtong ni Tita  mababakas ang lungkot at awa  sa sinapit ng kanyang anak.
"Sino ang gumawa sayo ng lahat ng yun?" Tanong ko Kay Nikka.
"Si Kaisler  yung nauna hanggang sa pati sina Airin  Castro at ang kapatid niya ay  binubully na rin  ako." Sagot ni Nikka. Tsss ang sasama nila.
Nagpatuloy na lang kaming kumain ng tahimik nang matapos kami tinulungan ko na lang si Tita  na magligpit ng pinagkainan namin.
"Ano ka ba iha ako na bahala dito. Maupo kana dun sa sala pagpasensyahan mo na kung maliit tong bahay namin." Nakangiting saad ni Tita.
"Naku  ayus lang po yun. Sige  po punta na po ako sa sala." Tumango lang si Tita  kaya pumunta na ako sa sala habang hinihintay si Nikka dahil magbibihis daw muna siya.

THE BRIDGE OF LOVE (MOONSTONE TRILOGY)Where stories live. Discover now