CHAPTER 30;

50 6 0
                                    

HI READERS...THANKS FOR YOUR SUPPORT.. ABANGAN ANG MGA SUSUNOD NA MANGYAYARI.

d^•^b

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW.

THANKS MGA KA MARKLOVESYOUU.

ELI P.O.V

Ang awkward ng moment namin ni kyle Hindi ko magawang kausapin siya dahil sa sobrang pagkailang ko sa kanya.

"Eli pwede bang mag tanong?" Siya na mismo ang bumasag sa katahimikan namin.

"Ano yun?" Kahit naiilang ako ay sinulyapan ko siya at ngayon ay  nakatitig lang siya sa malayo. At parang malalim ang iniisip.

"Marunong ka bang kumanta?" Tanong niya kaya nagtatakang tumitig ako sa kanya.

"Ahh ehh slight lang. Bakit?" Nagtataka ako kung bakit yun ang tinanong niya sakin.

"Kasi kailangan ko ng isang mag e entertain sa mga dadalo para bukas pwede bang mag intermission number ka?" Agad akong Napa isip sa sinabi ni Kyle.

"Please Eli. Wala na kasi akong time para humanap ng iba." Pakiusap niya. Pero matagal na akong Hindi kumakanta.

"Hmm..pag iisipan ko pa." Nag dadalawang isip ako kung papayag ba o Hindi pero nakiki usap si Kyle.

"Hmm sige after ng class mo magkita tayo sa music room. Sana pumayag ka." Seryuso niyang saad. Nasa may kaliwa ng gymnasium ang music room at sa kanan naman ang basketball court napapagitnaan ang gymnasium. Kialangan ko pang dumaan sa may field papunta sa music room.

Natanaw ko naman yung apat na papalapit na sa amin kaya pinagmasdan ko lang sila na masayang masaya. Nakita ko ang mga tawa ni Nikka mukhang naka adjust na nga siya. Napangiti na lang ako sa isiping Hindi na siya mag isa dito sa university.

"Eli ohh ." inabot sakin ni Nikka yung pinabili Kong chuckie  at ibinigay din ni Hanily Kay Kyle yung para sa kanya.

"Thanks." Nakangiting tinanggap ko ito.

"Welcome." Umupo na silang lahat sa kaninang kinauupuan nila dahil ice cream ang kinakain nila.

"Oyy sarap nito." Anang ni Irene.

"Lahat naman sayo masarap." Pang aasar ni Liza. Nakita Kong nag iba ang reaksyon ni Irene.

THE BRIDGE OF LOVE (MOONSTONE TRILOGY)Where stories live. Discover now