CHAPTER 9;

64 4 0
                                    

Eli P.O.V

"Halika na bumalik na tayo sa room baka malate na tayo." Aya ko kay Nikka grabe naman pala ang nangyari sa kanya at sa pamilya niya tapos pagsating niya dito mga bully naman ang sasalubong sa kanya nakakaawa naman siya.
"Sige." Sagot niya sakin at tumayo na kami at nagsimula nang maglakad ngunit may nakita ako sa may dulong part nung hallway kung saan kami dadaan ay may isang lalaki nakatayo lang ito ang mga kamay niya ay nasa bulsa na parang  pinagmamasdan niya kami. Problema nito?.. Nung malapit na kami ni nikka sa gawi niya hindi siya gumagalaw sa pwesto niya  sinamaan ko siya ng tingin dahil nakaharang siya sa dadaanan namin nung hindi talaga siya umaalis ay inirapan ko na lang siya..may sira ba to sa ulo.. Kami na lang ang nag adjust ni Nikka  umiwas na lang kami at nilagpasan na lang siya at hindi na lang namin pinanasin at baka malate pa kami dahil lang abnormal na lalaking yun. Nung makalayo kami ni Nikka ay bigla siyang nagsalita.
"Siya yun." Si Nikka.
"Sinong siya?" Naguguluhang tanong ko sa kanya,kasi hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Yung lalaking nakatayo sa hallway,yung nakasalubong natin siya yung bully dito Kaya nga ako na nag adjust nang daan para maiwasan natin siya." Paliwanag niya sakin kaya pala kung umasta siya ay parang sa kanya ang hallway at bawal dumaan kapag nandun siya.
"Ahh...siya ba yun." Walang ganang sagot ko.
"Wag kang magkakamaling bangain ang isang Kaisler Jhon Rutherford,Eli." Babala niya sakin ..Tss..Diyos ba siya para katakutan ehh tao rin lang din siya. May kahinaan din.
"Hindi ako takot sa kanya." Taas noong sagot ko sa kanya walang kinakatakutan ang isang Shaira Eli Aguas. Baka ako ang hindi nila kilala.
"Huwag kang magsalita ng tapos Eli,sinasabi ko to sayo dahil ayaw kong mapahamak ka." Senserong saad ni Nikka.
      Narating namin ang room at saka pumasok wala pa naman ang prof namin. Sumalubong naman samin yung tatlo.
"Ohh.. Bakit ang tagal ninyo?" Tanong ni Irene.
"Ahh.. Tumambay muna kami ni Nikka dun sa may field." Sagot ko sa kanila.
"Kaya pala ang tagal nyo." Si Hanily.
"Nagkwentuhan pa kasi kami kaya medyo natagalan kami..hehehe." Sagot ko.
"Ayan na si prof." Turo ni Liza sa papasok na Teacher namin. Nagsibalikan naman ang mga kaklase ko sa mga kanya kanyang upuan. Nag start na rin ang lesson namin  sa English.

*  *  *

Natapos na ang lahat ng subject sa buong araw tiningnan ko ang wrist wacth ko 5:30 na nang hapon kaya inayos ko na ang mga gamit ko dahil 6:00 ay labasan na namin.
"Eli pupunta ka ba ng locker room?" Tanong sakin ni Nikka.
"Ahh.. Oo iiwan ko tong ilang gamit ko." Sagot ko.
"Tara na." Aya niya sakin.
"Sama na rin kami sa inyo." Si Irene.
"Ano ba yan ang lakas ng boses mo Irene." Asik ni Hanily. Nakanguso naman si Irene sa sinabi ni Hanily.
"Ohh..Lets go na." Si Liza.
"Tara." Lumabas na kaming lima papuntang locker ,tawa lang kami ng tawa dahil sa kadaldalan ni Irene.
"Alam niyo ba Nikka and Eli kung kasama pa natin yung isa pa naming kaibigan si Vea haynaku baka basag na ang eardrum natin sa lakas ng boses nilang dalawa mabuti ngay nahiwalay yun sa amin kung hindi at baka hindi ako makapag pigil ay ihambalos ko sila dahil sa ingay ng bunganga nila. Pero masaya silang kasama lalo na ngayon na dagdagan na kami ng dalawa." Natatawang paliwanag ni Liza. Natawa naman ako dahil ganun pala sila kapag kasama.
"Oyy.. Liza sinisiraan mo ba ako dyan sa dalawa?" Maangas na tanong ni Irene.
"Hindi no...assuming ka nanaman gaya ng pag aasume mung kaya ang itinadhana ni Chester." Natatawang tangi ni Liza.
"Hoyy..mali ba mag assume libre lang kaya mangarap malay mo kami talaga ni kim sa huli?" Depensa ni Irene.
"Hayynaku Irene umaasa ka lang sa wala." Gatong ni Hanily.
"Cheee..Ewan ko sa inyo." Natawa kami sa iniasta ni Irene na para bang napikon sa mga sinabi nila. Nung malapit na kami sa may locker room ay biglang sumigaw si Irene.
"Oyy..bess." Sigaw ni Irene na ikinalingun naman nung babaeng papasok din sa locker room ata saka ngumiti ito sa kanya.
"Ohh..kayo pala." Sagot nung babae kay Irene na medyo may katabaan.
"Kumusta ang first day mo? Ayos bang wala kami?" Pangaasar ni Irene.
"Ayos naman kahit wala kayo." Natatawang sagot niya.
"Siya nga pala sila ang bago nating kaibigan si Nikka and Eli." Pagpapakilala sa amin ni Liza.
"Ohhh Hi.. Im Vea joyce Avellaneda nice to meet you Eli and Nikka." Pagpapakilala niya sa amin ni Nikka.
"Nice to meet you too Vea." Sabay naming saad ni Nikka.
"By the way vea uwian nyo na ba?" Tanong ni Hanily.
"Hmm..hindi pa may 30 minutes pa kami babalik pa ako sa room may kukunin lang ako saglit sa locker." Sagot ni vea.
"Ahh..ganun ba sige hintayin ka na lang namin." Si Irene.
"Naku wag na.. Tenext na rin ako ni mommy na nandito na daw yung sundo ko." Tangi ni Vea.
"Ohh sige." Sagot ni Irene. Pumasok na kami sa locker room nagpaalam naman si Vea na mauna na daw siya at baka magalit na yung prof nila kapag natagalan pa siya. Inilagay ko na ang mga gamit ko sa locker ko at pagkatapos naming ayusin ang mga gamit namin ay nagpaalam na sila dahil nandyan na daw yung sundo nila kaya kami na lang ni Nikka ang natira ksya sabay na kaming lumabas ni Nikka patungo sa parking lot sa harap lang ng school namin kaso tatawid ka pa ng kalsada para makapunta sa parking space.
"Eli hindi ka pa ba uuwi?" Tanong sakin ni Nikka.
"May hihintayin lang ako." Sagot ko sa kanya.
"Ohh..sige mauna na ako sayo..ingat ka sa pag uwi." Paalam ni Nikka.
"Sige..ikaw din mag iingat ka sa pag uwi." Pumara na siya ng taxi. Hinintay ko na lang si kim na lumabas dahil tenext niya ako na 6:30 pa ang uwian niya kaya hintayin ko na lang daw siya dito.

THE BRIDGE OF LOVE (MOONSTONE TRILOGY)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora