CHAPTER 22;

57 4 0
                                    

KIM P.O.V

Pagkalabas ni kuya Ace ay hinubad ko na ang natitirang saplot ko sa katawan at agad nagtungo sa bathroom para mag shower. Ninamnam ko ang pagdaosdos ng tubig sa lahat ng perte ng katawan ko nakatingala lang ako sa shower habang nakapikit. Nung mabasa na ang katawan ko ay kinuha ko na ang sabon at sinabon ang sarili. Ilang minuto lang ay nakaramdam na ako ng lamig kaya minadali Kong matapos. Kinuha ko ang bathrobe at sinuot ito kumuha Ako ng towel para punasan ang buhok ko. Nung lumabas na ako sa bathroom habang nagpupunas Ako ng buhok ay biglang may kumatok. Lumapit naman ako para tingnan kung sino ang kumakatok. Nakita kong nakatayo si Mia sa harap ng pinto. Umawang ang kanyang bibig nung makita niya ako. Matagal niya akong tinitigan kaya tumikhim ako para mahimasmasan siya.
"Ahh ehhh Sir nakahanda na po yung dinner nyo." Nahihiyang sambit niya.
"I'll go there, you can leave now." Walang ganang saad ko kaya sinara ko na yung pinto.
Nagbihis na ako dahil nagugutom na rin ako. Nung matapos akong  magbihis ay agad akong  nagtungo sa kusina at naabutan ko naman sina Chairman,mommy at daddy.
"Heyy bro." Narinig ko siya mula sa likuran ko at nung makatabi siya ay tinapik niya lang ako.
"Ohh Ace, Kim halina kayo." Pagaaya ni mom.
"Good evening everyone." Bati ni kuya ace sa kanila.
"Good evening." Nakangiting bati  ko sa kanila.
"Good evening din sa inyong dalawa." Sabay sabay bilang pagbati sa amin. Umupo na kami ni kuya Ace at kumuha ng pagkain dahil gutom na ako.
"Ohh where's Eli?" Tanong ni lolo. Natigilan naman ako dahil ngayon ko lang napansin na wala pala si Eli.
"Nasa kwarto niya na daw po Lo Hindi na daw siya sasabay kumain satin dahil kumain na daw siya sa labas." Paliwanag ni kuya. Lagot baka nagtampo sakin si Eli. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko dahil gusto ko na rin magpahinga.
"By the way Ace yung pinag uutos ko sayo bukas ." paalala ni lolo Kay kuya.
"Yes Chairman." Sagot naman niya.
Hindi na lang ako umimik pa at tahimik lang akong kumain habang sila ay may pinag uusapan pa. Mahinang napabuntong hinika ako dahil sa pagod ko ngayong araw.

ELI P.O.V

  Kanina pa ako nakahiga pero Hindi pa ako dinadalaw ng antok. Tapos na rin siguro sila mommy mag dinner. Nakaramdam ako ng uhaw kaya pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Nadatnan ko doon si manang rose na naghuhugas ng mga plato. Dumeretso ako sa ref. At dun pa lang ako napansin ni Manang.
"Ohh iha gising ka pa pala. Gusto mo kumain? Ipaghahanda kita." Derederetsong tanong ni Manang.
"Ayy Hindi na po manang. Hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok. Kaya di pa ako makatulog." Sagot ko sa kanya.
"Ahh ganun ba iha. Saglit lang at ipagtitimpla kita ng gatas para madali kang makatulog." Ngumiti na lang ako Kay manang kumuha siya ng Baso at ipinagtimpla niya ako ng gatas.
"Iha inumin mo na to." Ibinigay sakin ni manang ang tinimpla niya at agad ko naman nilaghok lahat yun.
"Thanks manang." Ngumiti naman siya sakin kaya sinuklian ko din ng ngiti.
"Sige po manang balik na ako sa kwarto." Tumango lang siya sakin kaya iniwan ko na siya sa kusina at bumalik na sa kwarto ko dahil naramdaman ko na ang antok.

To be continued

THE BRIDGE OF LOVE (MOONSTONE TRILOGY)Where stories live. Discover now