CHAPTER 18;

45 5 0
                                    

ELI P.O.V

Habang naglalakad kami ni Nikka papunta sa cr hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kanina at nararamdaman ko na iba ang pagtrato sakin ni Kyle. Ayaw kong isipin na may gusto sakin si Kyle. Ayaw kong mag assume na gusto niya ako. Dahil kung magkataon ay ayaw ko nang magmahal ulit kung masasaktan lang ako ng paulit  ulit.
"Eli ayus ka lang ba? Parang ang tahimik mo." Nahimasmasan ako sa tanong ni Nikka.
"Ahh.. Oo naman ayos lang ako." Nakangiti kong saad sa kanya para hindi niya mahalata na wala ako sa sarili.
Narating na namin ang cr at pumasok na kami para maghugas ng kamay pagkatapos ay pinatuyo ko na ang kamay ko. Tumingin muna ako sa salamin at pinagmasdan ko muna ang sarili sa salamin. Inayos ko ang mahaba kong buhok na hanggang baywang at itinali ko ito ng matapos ako ay naglagay ako ng kunting lip tint. Nakita kong nag aayos din si Nikka ng kanyang buhok na lampas balikat at medyo wave ito.
"Eli ang ganda mo." Papuri niya sakin. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Ikaw din naman ahh. Lalo na kapag nag aayos ka." Saad ko sa kanya.
"Thank you ikaw pa lang ang pumuri sakin." Nakangiting sambit niya.
"Ano ka ba wala yun." Ibinaling ko na lang sa salamin ang aking mga mata at pinagmasdan ulit ang sarili.
"Ohh eto mag lagay ka din." Inabot ko sa kanya yung lip tint ko.
"Salamat" kinuha niya ito haumarap siya sa salamin at naglagay ng liptint sa kanyang mga labi alangan naman sa mata...haha joke. Naglagay naman ako ng pulbos sa mukha at binigyan ko din si Nikka. Hindi naman ako madamot ex ko nga ipinaubaya ko na sa iba gamit  pa kaya.
Inayos na namin pareho ang gamit  namin  nang biglang may pumasok naman na tatlong babae tumingin naman sila sa amin sinuri niya ako mula ulo hanggang paa tsaka ngumisi ng nakakaloko.
"Look girls guest who's here?" Anang nung babaeng nasa gitna.
Lalampasan na sana namin  sila ng bigla niyang higitin ang braso ko.
"Anong problema  mo?" Seryusong tanong  ko.
"Ikaw,ikaw ang  problema  ko nilalandi mo ba so kyle." Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Kaya  hinawakan ko ang  kamay niya at inalis ito pagkakahawak sa braso ko.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Walang ganang tanong ko sa kanya. Tumawa lang siya ng nakakaloko..tsss she's insane.
"Wag kanang magmaang maangan pa!bitch!" Pinagkadiinan niya huling salitang binitawan niya nang init bigla ang ulo ko dahil sa sinabi niya.
"Padaanin mo kami  ayaw namin  ng gulo." Tatalikuran na sana namin sila Pero hinila niya yung  buhok ko.
"Wag mo Kong tatalikuran kapag kinakausap kita. Baka hindi mo ko kilala." Galit na sigaw niya.
"Airin  tumigil ka na nga." Saway ni Nikka dito sa babaeng bruha na to.
"Wag kang makikialam kung ayaw mong madamay ka." Pagbabanta niya Kay Nikka.
"Bakit sino ka ba?" Walang akong  pakiaalam kung sino ka man..tsskk
"Ako lang naman ang kinikilalang Reyna ng MIU. Queen Airin  Castro." Pagmamayabang niya..tss  taas din ng kompyansa sa sarili.
^o^
"Tsss... Reyna ka nga Hindi naman Sayo ang  palasyong pinag rerenahan mo. How pathetic are you?." Walang emosyong sambit ko.
^~^.
"Anong  sabi mo?." Nanggagalaiting tanong  niya. Sasampalin niya sana ako pero nahuli ko ang kamay niya. Napangisi ako sa kanya.
"Wag mo rin akong  subukan Queen Airin  baka  maubos mo ang pasensya ko. Hindi mo rin  naman gugustuhin yun Hindi ba?" Sarkastikong sambit ko at tuluyan na silang tinalikuran.
"Hindi pa tayo tapos bitch." Narinig Kong sigaw ni Airin. Queen..kalokohan.
"Ayos ka lang ba Eli?" Tunong sakin ni Nikka. Nginitian ko lang siya.
"Oo ayus lang ako." Sagot ko sa kanya.
"Buti nga yun sakanila ang sasama ng ugali ng tatlong yun. Yung nasa kaliwa ni Airin ay  si Angeline. Yung  nasa kanan naman ay si Angela. May kapatid pa nga yan si Airin ehh ang sama din ng ugali." Kumento ni airin.
"Sino naman?" Walang ganang tanong ko.
"Ang pangalan nun ay  Gladys." Sagot niya sakin.
Nung makabalik kami  ng room nadatnan namin na nagtatawan ang iba naming kaklase ang iba busy sa chismis. Wala pa naman ang teacher namin.
"Eli Bakit kunot na kunot yang noo mo?" Tanong ni Irene nung makalapit kami sa kanila.
"Oo ayus lang ako." Nginitian ko na lang sila para Hindi na sila magtanong pa.
"Wehh bakit ganyan ang mukha mo parang Hindi na kayang ipinta pa ng isang magaling na pintor sa kunot na kunot mong noo." So Irene.
"Hmm...may nakasagutan lang sa cr." Sagot ko.
"Sino?" Sabay sabay nilang tanong.
"Ahh kasi nagkasagutan sila ni Airin." Singit ni Nikka.
"Sinaktan ka ba nila?." Pag aalala ni Liza.
"Hindi naman." Sagot ko para hindi na sila mag alala.
"Hayy ang sama pa naman ng babaeng yun pinagdidikdikan sa sarili niya na siya ang reyna dito." Si Irene.
"Reyna na mukhang clown pwede naman yun sa mga birthday party." Natatawang sambit ni Hanily.
"Pero mag iingat ka  dun sa babaeng yun." Nginitian ko lang si Liza.
Dumating naman ang teacher namin for English subject kaya nakinig na lang ako.

*  *  *
Mabilis na lumipas ang oras Hindi ko napansin dahil sa daming ipinagawang output ng bawat subjects. Maghapon kung Hindi nakita si Kim siguro busy din siya.
"Tara na guyss sa locker room para makauwi na tayo." Pagaaya ni Irene.
"Let's go na guyss." Si Hanily.
"Haystt nakakapagod." Reklamo ni Nikka nginitian ko lang siya dahil totoo nakakapagod itong maghapon na to. Naglakad na kami papuntang locker room.
"Saan pala ang bahay nyo Eli?" Biglang tanong ni Irene habang naglalakad kami.
"Nasa subdivision 1 kami McKinley village." Nakangiting sagot ko.
"Ahh ganun ba kami kasing tatlo ako,si Hanily,Irene at Vea ay nasa McArthur village pero magkakalayo ang bahay namin." Mahabang paliwanag ni Liza.
"Ahh ganun ba." Sagot ko sa kanila sa laki kasi ng bawat subdivisions dito sa Batangas mahihirapan kang libutin.
"Ikaw Nikka?" Tanong ni Hanily.
"Ahh ako nangungupahan lang kami ng nanay ko Pero malapit lang ang inuupahan namin sa sa McLean village." Nakangiting sambit ni Nikka. Napapangiti ako kapag madalas na siyang makipag usap sa amin naging close na rin niya  sina Liza,Hanily at Irene.
Nung marating namin ang Locker room ay pumasok na kami magkakatabi lang ang locker namin. Nung matapos kami ay sabay sabay na kaming lumabas ng campus nung maka labas kami ng gate at nagpaalam na rin sila sakin.

THE BRIDGE OF LOVE (MOONSTONE TRILOGY)Where stories live. Discover now