CHAPTER 32;

57 7 0
                                    

ELI P.O.V

"Eli gising na." Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ni Kim.

"Oyy Eli tot gumising ka na malalate na tayo." Sigaw niya ulit alam Kong kahit Hindi ko makita ang mukha niya ay nawawalan na ito ng pasensya. Tumingin ako sa alarm clock 6: 48 na 7:00 ay time na. Hayyss tinanghali ako ng gising.

"Oyy Kim hintayin mo ko madali lang to." Tumakbo agad ako papasok sa banyo at basta na lang hinubad lahat ng suot ko. Minadali ko ang pagligo  at nag toothbrush at  pagkatapos ay agad akong nagbihis. Nang matapos na ako halos talunin ko ang hagdan sa pagmamadali. Naabutan ko si Kim na  nagbabasa ng magazine at alam Kong kanina pa yan naiinip.

"Let's go." Usal ko ng makalapit ako sa kanya kaya tumayo na rin siya.

"Ingat kayo ahh." Biglang sigaw ni mommy nilingon namin siya at nakita Kong pababa pa lang sila ng hagdan. Nakangiti lang si mommy nakapag bihis na ito sa likod niya naman ay si lolo at syempre katabi niya si Dad at gaya ni mommy bihis na bihis na din silang dalawa.

"I am mom." Nakangiting saad ko. Kumaway na lang ako Kay lolo at ganun din siya sakin. Nung lingunin ko si Kim wala na siya sa tabi ko. Agad akong tumakbo palabas at nakita Kong inilalabas na niya ang kotse at ng nasa harap ko na ay agad akong sumakay.

"Bakit tinanghali ka ng gising?"  Tanong niya dahil ngayon lang ako tinanghali ng gising.

"Kagabi kasi 10 pm na ako naka uwi." Maikling sagot ko. Itinuon ko na lang sa labas ang atensyon ko.

"Bakit?" Pag uusisa niya. Hayss alam Kong Hindi siya matatapos sa pagtatanong hanggat hindi ko sinasabi ang rason.

"Nag practice kasi ako para sa intermission mamaya." Hindi ko pa rin siya nililingon. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa magkahalong kaba at excitement. Wala ng umimik sa amin.

Narating namin ang parking lot kinakabahan ako sa magiging performance ko mamaya kung Hindi lang sana ako pinilit ni Kyle Hindi ako papayag.

"Oyy di ka bababa." Nahimasmasan ako sa pag iisip ng nakapa maywang si Kim na pinagmasdan ako. Kaya agad akong bumaba lakad takbo ang ginawa ko dahil sa bilis ni Kim maglakad. Hayyss yung malapit ka nang malate Hindi na normal ang paglalakad dahil parang nakikipag marathon na wag lang malate.

Pagkapasok namin ng gate ay kaunti na lang ang mga studyanteng makikita sa labas.

"Kim dederetso muna ako sa music room ahh." Pagpapaalam ko. Hinarap niya naman ako.

"Ok." Maikling sagot niya kaya iniwan ko na siya at tinahak ang daan papunta sa MR.

Pagkapasok ko naabutan ko doon  si Kyle hawak niya ang isang folder at may sinusulat siya dito at saka tinitingnan ang mga instruments.

"Hi Kyle good morning." Ngayon niya lang ako nilingon dahil baka Hindi niya ako nahalatang pumasok saka ngumiti sa kanya.

THE BRIDGE OF LOVE (MOONSTONE TRILOGY)Where stories live. Discover now