CHAPTER 10;

58 7 0
                                    

ELI P.O.V

Habang naghihintay ako kay kim ay umupo muna ako sa may gater malapit sa kotse ni kim.Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Kim pero lowbat na pala. Kaya hinintay ko na lang siya. Nagulat na lang ako na may tatlong lalaki na nakatayo sa harapan ko naka ngisi lang ito sa akin. Nagsalita naman yung nasa gitna hindi parin natatangal ang ngisi niya.
"Miss may hinihintay ka ba? Gusto mo hatid ka na namin." Saad nung nasa gitna.
"Oo nga miss delekado dito." Sabi naman nung nasa kaliwa niya na may itsura rin dahil maputi ito pero wala parin siya sa kalingkingan sa magiging dream guy ko.
"Sige na miss pumayag ka na." Pagkukumbinsi sakin nung nasa kanan medyo katangkaran rin ito parang chinito dahil sa singkit nitong mga mata.
"Sino ba kayo?" Malamig na tugon ko sa kanila. Nagtawanan naman sila mga baliw ba to.Abnormalities.
"Gusto mo bang malaman ang pangalan namin?" Nakakalukong tumawa ang nasa gitna.
"Halika magpasarap muna tayo bago mo malaman kung sino kami." Sabi nung nasa kaliwa niya. Mga timang ba to?
"Baka ibang sarap ang maranasan niyo sakin." Napahalakhak ako sa sinabi ko nagkatinginan naman sila paglingon nila sakin nakangisi na rin sila. Akmang hahawakan ako nung nasa gitna inunahan ko na siya hinawakan ko ang braso niya at pinaikot paharap sa dalawa kinuha ko ang kabilang braso niya nagulat naman yung dalawa sa ginawa ko narinig kung dumaing ang hawak ko dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa braso niya. Napangisi ako dun sa dalawang kasamahan niya dahil mababakas parin sa mukha nila ang gulat.
"Masarap ba? Ganito ko ipinaparanas ang sarap na gusto ng gaya niyo." Nakakalokong bulong ko sa kanya. Sinipa ko siya pabalik sa dalawa sa lakas ng sipa ko ay nawalan siya ng balanse dahilan upang bumagsak siya sa sahig. Sumugod naman yung dalawa umiwas naman ako sa suntok nila nung makahanap ako ng teyempo umikot ako sa likod nila at sinuntok ko sila sa tagiliran at sinipa sila sa tiyan dahilan upang mapasalampak din sila sa sahig.
"Weak." Nakangising sambit ko. Tatayo pa sana yung naunang lalaking sa palagay ko ay leader nila. Pero tinatamad ako ngayon wala akong ganang makipag buno sa kanila kaya binunot ko yung baril ko sa gun pocket na nakalagay sa may legs ko dahil abot tuhod ang haba ng palda hindi mahahalata itong baril na dala ko. Itinutok ko sa kanilang tatlo ang baril ikinasa ko na ito nagulat naman sila sa ginawa ko.
"Masarap ba? Huhh? Sino mauuna?" Tanong ko sa kanila. Nakita ko kung ilang beses silang napalunok sa sinabi ko.
"Parang awa mo na wag mo kaming patayin." Pagmamaka awa nila sakin. Natawa na lang ako sa sinabi nila.
"Sa susunod kasi pipiliin ninyo ang babastusin ninyo at isa pa wag ninyong mamaliitin ang isang inosenteng tao at baka hindi ninyo alam baka kayo pa ang mapatay nito." Seryusong saad ko sa kanila,nakita kung pinagpapawisan na silang tatlo dahil hindi ko inaalis ang baril kung nakatutok pa rin sa kanila. Wala pa naman si kim kaya makikipaglaro muna ako dito sa tatlong ugok na to.
"Parang awa mo na wag mo kaming papatayin." Pakiusap nila sakin. Ngumiti lang ako sa kanila.
"Alam niyo ba kung ilang katao na ang napatay nito ? At bawat matamaan ng bala nito ay walang nabubuhay." Pananakot ko sa kanila nakita kung namumutla na sila at parang naligo na dahil sa pawis nila. Sila tong nauna hindi naman pala kaya..haysstt.
"Eli, anong nangyari dito?." Hindi ko napansing dumating na pala si Kim.
"Ahh..yan kasi ohh mga manyakis bastosin pa naman ako kaya tinuruan ko ng leksyon." Pagsusumbong ko kay Kim tumingin siya dun sa tatlo na nakaluhod parin sa harap namin.
"Tss..Umalis na kayo at baka ako pa ang makapatay sa inyo." Seryusong sambit ni kim. Ganyan siya kapag ako na pinag uusapan kahit minsan ay hindi kami magkasundo pero kapag ako ang nasaktan alam kung may gagawin siya para sakin nung nag break nga kami ni kier ay pinuntahan daw ni Kim si Kier sa bahay nila yan ang sabi sakin ni Mary Ann. Pagkasabi nun ni Kim ay kumaripas na ng takbo yung tatlong ugok natawa na lang ako sa kanila.
"Let's Go." Yaya sakin ni Kim punagbuksan niya ako ng pinto at nung makapasok ako ay pumunta na siya sa driver seat. Pinaandar niya na yung kotse at tahimik lang siyang nagmamaneho kaya itinuon ko na lang ang aking pansin sa labas nang bigla naman siyang nagsalita.
"How's your first day?" Tanong niya sakin hindi ko na siya liningon pa dahil sa labas lang ako naka tingin.
"Hmm...Ok naman nagkaroon na nga ako ng mga bagong kaibigan." Sagot ko sa kanya.
"Ahh..ganun ba." Aniya.
"Ehh..ikaw?" Tanong ko rin sa kanya.
"Ok lang naman." Sagot niya sakin.
"Ahh.. Kim may mga bully pala sa MIU." Naalala ko naman yung mga sinabi ni Nikka tungkol sa pangbubully nila,ganon din ang sabi nina Irene.
"Bakit binully ka nila?"
"No.. Nasabi kasi sakin nung mga kaibigan ko ang mga ginagawa nung mga bully sa newbies." Paliwanag ko sa kanya.
"I know." Maikling tugon niya kaya ibinalik ko na lang sa labas ang aking atensiyon.

Napatingin ako dun sa park dahil napapalibutan ito ng mga ilaw dahil medyo madilim na kaya napakaliwanag nito. Ito yung park na kahit gabi pwede kang gumala dahil bago ka makapasok ay may guard na nagbabantay sa may entrance.
"Do you want to go there?" hindi ko napansing nakahinto na pala yung sasakyan at pinagmamasdan lang ako ni Kim.
"hmm..next time na lang siguro pagod na ako ehh gusto ko ng makauwi agad." Pagtanggi ko.
"Sige..ikaw ang bahala." Pinaandar niya na ulit ang sasakyan kaya sumandal na lang ako sa kinauupuan ko. Habang tahimik naman siya sa kanyang pagmamaneho. Hayysstt nakakapagod ang araw na to..

THE BRIDGE OF LOVE (MOONSTONE TRILOGY)Where stories live. Discover now